Chapter 13

84.9K 862 8

CHAPTER 13

JAMES

"Hello," si Karren sa kabilang linya.

Tumatawag lang naman ang isang 'to kapag may kailangan sakin. Pero ngayon, papayag ako dahil alam ko na ang dahilan ng pagtawag niya.

"Ah kasi James, birthday pala ngayon ni Crystal, ini- invite niya tayo. Nakakahiya naman kung hindi ka sasama kasi isama daw kita. Dinner daw." Sabi niya.

"Okay." Sabi ko.

"Really? Ang dali- dali mo na talagang mapapayag James ha! Nakakahalata na ako sayo." Sabi niya.

"Why?" Kinabahan kong tanong.

Nahahalata na ba niya kami ni Crystal? Kasi kaya lang naman ako madaling pumapayag kapag involve si Crystal. Napapansin na ba niya?

"Ang lakas ko na kasi sayo, nahahalata ko tuloy na inlove ka na sakin! Hahaha." Sabi niya.

Tss, paranoid lang pala ako. Ang hilig niya talagang magbiro.

"Tss, sige na may gagawin pa ako." Paalam ko sa kanya.

Pagkaalis ko ng office ay sinundo ko si Karren sa kanila.

"James, you have to be nice to Crystal kasi trusted friend ko siya. Mabait naman siya di ba at nakasama mo na rin naman. Sinabi ko na nga sa kanyang nagpa- panggap lang tayo. Alam na niya 'yung totoo. Kahit si Mark alam din." Sabi niya habang nasa biyahe kami.

Talagang pinagsabihan pa akong maging nice. Am I rude? Tss.

"Okay." Sabi ko na lang.

"Okay lang sayong malaman ng iba ang sikreto natin?" Sabi niya.

"Malalaman din naman ng lahat eh." Sabi ko na lang.

"Sabagay. Pero sinabi ko lang naman sa kanila 'yun kasi mapagkakatiwalaan naman sila." Sabi niya.

CRYSTAL

"Mam nandiyan na po 'yung mga bisita." Narinig kong sabi nung maid kay mommy.

Pababa ako ng hagdan galing sa kuwarto ko.

"Sige papasukin mo lang." Sabi ni Mommy.

"Wow. You're so pretty. Manang- mana ka talaga kay Mommy." Sabi ni Mommy nung makita ako atsaka nagbeso sakin.

"Thanks Mom." Sabi ko.

"Nandiyan na nga pala 'yung mga kaibigan mo, pinapapasok ko na." Sabi ni Mom.

"Ah ganun po ba. Sige po ako ng bahala." Sabi ko.

"Okay sige titingnan ko lang kung okay na 'yung mga pagkain." Sabi ni Mommy at tumango lang ako.

"Happy birthday!" Napalingon ako sa nagsalita.

Si Karren at kasama nga si James.

"Happy birthday." Bati ni James.

"Thank you." Sabi ko sa kanilang dalawa habang inaabot ang regalo nila. Naks talagang may gift ang asawa ko.

Nagbeso kami ni Karren at nung nagbeso ako kay James ay bigla niyang pinisil ang braso ko at bumulong.

"I love you." Bulong niya na halos tumindig ang balahibo ko dahil naramdaman ko 'yung hininga niya.

Ewan ko kung nahalata nila ang pamumula ko. Hindi ko na lang pinansin si James kahit gusto ko siyang panlakihan ng mata sa ginawa niya. Nakita ko pang nakangiti si James.

"Halikayo. Maupo muna kayo." Turo ko sa sofa.

"Kami lang ba ang bisita ha Crystal?" Tanong ni Karren.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!