CHAPTER THIRTEEN

1 0 0
                                    

Ashley's POV

"Ano ba?! Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Sabi ng isang babae na nakatayo sa harapan ko habang ako naman ay nakaupo pa din sa sahig.

"Ano titingin kana lang ba dyan miss? Hindi mo ba kukunin yung mga gamit niya na nahulog mo?" Mataray na sabi nung babaeng nasa kaliwa.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nahulog nga ang iba sa mga gamit niya na dala nito. At marami na din ang nakatingin sa direksyon namin at nagbubulungan pa ang iba.

May lumapit na isang lalaki sakin na sa tingin ko ay studyante din dito dahil parehas ito ng uniform sa mga kalalakihan dito sa campus.

Inabot nito sa akin ang kamay niya na tila hinihingi ang kamay ko upang makatayo ngunit diko tinanggap at tumayo na ako saka ko pinagpagan ang damit ko na nadumihan.

Nginitian ko ang lalaking nag abot ng kamay niya sakin at nginitian din ako nito pabalik.

"Pwede pakipulot na nung mga gamit ko?" Nakangiti ngunit alam kong plastic na ngiti iyon ng babaeng nakabanggaan ko.

"Bakit ko pupulutin? E ikaw na nga tong nakabangga sakin kaya tumilapon yang mga gamit mo tapos ako pa pagpupulutin mo? Eh dika nga man lang nag sorry saken.." Mahinahon na sabi ko rito.

"How dare you to talk to our queen like that huh?" Maarteng sabi naman nung nasa kanan.

"Ahm di kase ako nainform na queen niyo pala yan.. Btw nagmamadali kase ako kaya excuse me nakaharang kayo sa daan." Malamig na sabi ko sa kanila saka ko sila nilagpasan.

"Aaargh! ang kapal niya ha e transferee lang naman siya." Dinig kong sabi nung kaninang nakabanggaan ko.

Nasa loob na ako ng cafeteria at pumipili na ako ngayon ng kakainin ko dahil nga gutom na ako.

Nang makapili na ako ay dumerecho ako sa may pandalawahang table at don pumwesto para kumain.

"Hey miss, can I share a table with you?" Nakangiting tanong sakin ng isang lalaki.

'Teka bat parang namumukaan ko siya?.. Ahh siya yung kaninang tutulong dapat sakin."

"Ahmm sure." Sabi ko dito saka kumain ulit ng pizza na inorder ko.

"Ahm can I ask a question?" Sabi nito na tinaguan ko naman.
"Saang school ka galing saka bakit dito mo napili mag transfer?" Sabi nito saka sinimulang kainin ang pagkain niya

"Ahh sa SIS ako nag aaral dati tapos dito naman ako napiling itransfer ng parents ko dahil kaibigan din naman nila ang may ari ng school na toh." Sabi ko dito at nginitian niya naman uli ako.

"Ahh nga pala what is your name?" Tanong nito.

"I'm ashley and you are?" Tanong ko saka inabot ang kamay ko.

"I'm Laurence Dashinton nice to meet you Ashley." Saka niya kinuha ang kamay ko at hinalikan.

Agad ko din naman itong binawi sa kaniya dahil maraming tao rito sa cafeteria ang nakalingon sa gawi namin.

Accidentally Fallin' In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon