30 "Fighting Over You"

41.1K 746 43
                                          

30

"Fighting Over You"

Tulala ako. Hindi ko alam ang nangyayari. Ano bang dapat kong gawin? Bakit ba kelangan kong maipit sa sitwasyong ganito? Bakit ba kelangan lagi nilang magpang-abot? Nakakainis.

Pareho silang may dalang cart at nag-iikot sa store. Ano namang bibilhin nila? Ayokong magsayang sila ng pera dahil lang sa'kin.

Hindi ito ang oras para tumunganga. Dapat hindi na sila mainvolve dito.

"Hindi nyo na kailangang gawin 'to. Marami pa namang ibang araw na pwede nyo akong intayin, wag lang today please. Very complicated 'tong araw na 'to para sa'kin." Nakaharap ako sa kanila at tumingin ako sa both sides.

"Pwede mo syang patigilin. Pauwiin mo na sya. Ako na lang ang maiiwan dito." Mayabang na sabi ni Tonsi.

"Ugh. Torrence, ako ang nagoffer ng help. Kung may aalis dito hindi ako yun." Sagot ni Cliff.

"Hindi ako aalis. Nauna akong dumating dito. Kaya ako ang maiiwan." Sagot ni Tonsi.

Nalingon ako sa kung sino ang nagsasalita. Parang nagpaparinigan lang sila.

"Teka ka! Tama na okay? Tinutulungan nyo talaga ako. Tinutulungan nyo akong matanggal sa trabaho." Medyo napataas na yung boses ko. Kung hablutin na lang kasi nila yung items sa gift shop sobrang careless. Delicate pa naman ng mga items namin dito.

"Sorry." Sabay nilang sabi. Nagkatinginan sila. Parang naglalaban na naman. Ay! Mababaliw na ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

"Like I said mga boss, kahit sino pang manalo sa inyo sa'kin naman sasama pauwi si Torrence, so good luck." Pang-aasar ni Kyle.

"Kyle!! Isa ka pa!! Wag ka na ngang makisali dito!!!" Sigaw ko sa kanya. Yung dugo ko umakyat na sa ulo ko.

"Sorry. Titigas din kasi nitong dalawang lalaking 'to." Bulong ni Kyle habang inaayos nya ang mga items na nagulo nila Tonsi at Cliff.

"Oy Torrence, sino ba 'tong lalaking 'to? Boss mo ba 'to?" Tanong ni Tonsi habang pinagmamasdan si Kyle.

"Ayusin mo yang lumalabas sa bibig mo. Baka dugo na ang sumunod na lumabas dyan." Sabi naman ni Cliff habang nakatingin din kay Kyle.

"TAMA NA SABI!!!!!!!!!!!!!!!" Dahil tahimik sa store dumagundong ang malakas kong sigaw, sadly narinig ni boss.

"Torrence, anong problema? Bakit ka sumisigaw?!!" Napatulala si boss ng makita na halos puno na mga carts nila Tonsi at Cliff. "Oh, I did not know we have customers." Tumingin sa'kin si boss. "Torrence, bakit mo naman sinisigawan ang mga customers?!!!"

"Boss, hindi naman po sa ganun." Pinandilatan nya ako ng mga mata. "Kapag ako talaga nawalan ng trabaho humanda kayong tatlo sa'kin." Bulong ko sa kanilang tatlo tsaka ako lumapit kay boss

"Boss kasi 'tong dalawang schoolmates ni Torrence gustong makipagdate eh ayaw ni Torrence. So nagdecide kami na kung sinong may pinakamaraming bibilhin ang sasamahan ni Torrence." Paliwanag ni Kyle kay boss.

"Oh, Torrence, I didn't know may mga gwapo at mayayaman kang kaibigan." Bigla akong inakbayan ni boss. "Torrence is one of the best kaya naman hindi ko kayo masisi kung gusto nyo syang I-date." I choke naman sa sinabi ni boss. Gusto lang nya ng sales kaya sya ganyan. "Torrence I am happy na may iba pang may gusto sa'yo bukod dito kay Kyle."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni boss. "Wa - wala po silang gusto sa'kin. Isa pa, si Kyle po hindi ako ang tipo nyan. Di ba Kyle?" I nudge him pero hindi sya sumagot. "Ughhhh! Bahala na kayong lahat dyan. Magtatrabaho na ako!!!!" Tumalikod ako pero hinawakan ako sa leeg ni boss kaya napabalik ako. "Po?"

"Why don't you make our customers something to eat?" Sabi ni boss sa'kin.

"Self service po tayo. Free snacks and drinks." Sagot ko kay boss pero nakatingin pa rin sya kay Cliff at Tonsi. "Si Kyle na lang po utusan nyo. Naglilinis pa po ako ng displays."

"Okay lang po kami. Ayaw po naming abalahin si Torrence." Mahinahong sagot ni Cliff at nagwink sya sa'kin. Oh gosh, sobrang gwapo.

"Ako gusto kong ipaghanda nya ako ng pagkain hindi ako kumain kasi dumiretso ako agad dito!!!" Pagrereklamo ni Tonsi at sinimangutan ko sya. "Tingnan nyo yang babaeng yan ang sungit sa customer!" Sumbong nya kay boss.

"Torrence!!" Sigaw ni boss sa'kin.

"Opo!! Ipaghahanda ko na!!!" Mabilis akong pumunta sa pantry area at ipinaghanda ko sila ng snacks and drinks habang bumalik na sila sa pamimili. Si Tonsi nagpunta sa right side habang sa left side naman si Cliff. Pinagmamasdan ko silang dalawa habang nakatalikod at tumitingin ng items. Bakit nila 'to ginagawa? Dati wala namang lalaking pumapansin sa'kin, pero ngayon sobra sobrang atensyon naman ang nakukuha ko. Pero maganda na rin na binabantayan nila ako habang wala si papa, at least I know I'm safe.

"Oy umaapaw na yung drinks!!!" Mabilis inalis ni Kyle yung kamay ko from the dispenser. "Ayos ka lang ba? Parang wala ka sa sarili." Pinunasan ni Kyle at umapaw na drinks.

"Sunud-sunod kasi yung problema na nangyayari sa'kin, tapos ngayon pwede pang mawalan ako ng trabaho." Naubos na ata ang mga luha ko. Wala na akong mailuha pa.

"Isa ka sa pinaka strong na tao na nakilala ko Torrence. Mas nakita ko pa yun nung nagkasama tayo sa iisang bubong." Hinawakan ni Kyle ang kamay ko. "Totoo palang mas makikilala mo ang tao kapag nakatira na kayo sa iisang bubong at - aray!!!!" Napatigil si Kyle sa pagsasalita habang nakahawak sa ulo nya. "Sinong nambato sa'kin?!!!" Sigaw nya sabay lingon sa paligid. Nakilingon din naman ako pero wala naman akong nakita. Bumalik si Kyle sa pagkakahawak sa kamay ko. "Torrence, alam kong matapang ka pero mas magandang harapin ang mga pagsubok ng may kasama. Kaya sana Torrence - " Napatigil na naman sya at napaupo naman sya sa sahig. "Aray!!!!!" Nakahawak sya sa binti nya.

"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya agad sumagot.

"Nasaan na yung pagkain?!! Nakakapagod maglibot sa maliit nyong store ha!!!" Sigaw ni Tonsi na nakaupo na sa couch. "Dun ka na lang sa store namin magtrabaho. Manager ka agad dun. Aalisin ko si Erica!!!" sabi nya sa'kin.

"Ayoko nga! Ayokong maging boss ka!!! Takot silang lahat dun sa'yo!!!" Sagot ko sa kanya tsaka ko inabot ang tray na may snacks at drinks.

"Ikaw lang namana ng hindi takot sa'kin." Bulong nya pero hindi sya sa'kin nakatingin kundi kay Kyle.

Hinanap agad ng mata ko si Cliff at nakita kong may hawak syang box. "Magsnacks ka muna. Naghanda ako ng green tea." Sabi ko kay Cliff. Umupo sya at inilapag ko ang tray sa harapan nya pero nakatingin pa rin sya sa box. "May problema ba?" Tiningnan ko kung anong meron sa box. Isang magandang necklace. "Wow, ang ganda nyan. I think last piece na yan. Di pa namin sure kung kailan kami magkakaroon nyan ulit."

Tumingin sya sa'kin. "Torrence - " pero hindi nya itinuloy ang sasabihin. Inilagay nya ang box sa cart nya tsaka kumain. 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon