"Oo na po, sorry po."

"Satin dalawa lang 'to ah?huwag mo sasabihin kahit kanino. Okay?"

"Okay okay. Promise" itinaas niya pa ang palad niya habang tumatawa.

"Tara na nga sa loob. Baka dumating na teacher natin."pag-aaya ko sa kaniya.

Pagkapasok namin sa loob ay napatingin ako kaagad sa puwesto nila carlo. Lumukso na namang muli ang puso ko ng maabutan ang paningin niya. I don't know if he's staring at me. Basta nararamdaman ko ang paglukso ng puso ko.

Iniiwas ko na lamang ang aking tingin at saka dumiretso na sa aking upuan.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang aming guro. Saka nagsimula na ang aming klase. Naging tahimik ang lahat dahil ayaw matawag sa kung anomang recitation.

"Okay class get your notebook then kopyahin ang nasa blackboard. Para mayroon kayong notes."

Tumalikod ako upang harapin ang bag ko. Nagawi ang tingin ko sa bafang likuran. Kung saan nakauoo si carlo. Nahuli kong takatingin din siya sa gawi ko.

"Ano ba naman 'yan" Naibulong ko ng mahina. At hindi namalayang napahigpit na pala ang pagkakahawak ko at naging mabilis amg pagbukas ko ng aking bag.

"Hoy ayos ka lang?"ginger ask.

Napatingin ako sa kaniya. Saka weird na napatango.

"O-oh okay?" Nag aalinlangan siyang napatango.

Binaliwala ko na siya at hinanap ang notebook ko sa loob ng bag. Nang makuha iyon ay napasulyap akong muli sa gawi ni carlo.

Patago ko siyang tinitignan habangang ang tingin niya ay nasa harapan. Bakit ba ang ganda ng mata niya. Ang kapal ng kilay at singkit ang mga mata. Edi ikaw na!

"Aray!"

Napabaling ako kay ginger na humampas sa braso ko.

"Ang tagal tagal mo namam kumuha ng notebook girl. Kanina pa 'ko nagsusulat oh."

Napangiwi ako. "Sorry." Simple kong sabi at napa peace sign na lang.

Nakita kong tumingin siya sa likuran. Bago ay bumalik sa akin ang kaniyang paningin.

"Ikaw ah. Sumisimpleng sulyap ka 'no?"

Pinangunutan ko siya ng noo. "Hindi ah...." I bit my lower lip.

"Aysus. Nako denai pa girl."

"Ewan ko sayo!" Hinarap ko na ang black board at nag simulang mag sulat. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni ginger.

Lumipas ang ilang minuto at break time na namin. Agad kong narinig ang ingay ng mga kaklase ko. Ang iba ay nagsitayuan at biglaan ng lumabas.

"Ginger! Pinapatawag ka ni Ma'am manalaysay."

"Huh?okay sige!"

Hinarap ako kaagad ni ginger. "Hoy Ria, samahan mo ako. Pinapatawag daw ako eh."

"Okay sige, samahan mo na rin ako mag CR." Inayos ko ang mga gamit ko saka sumunod sa kaniya sa pintuan.

Kumapit ako sa braso niya saka kamo naglakad.

"Ria!"

Napatigil kami sa paglalakad. Gosh ano ba naman 'to?

"Ria!" Pag-uulit na tawag sa 'kin ni carlo.

Nagkatinginan kami ni ginger habang nakatalikod pa rin kay carlo.

"Ria tawag ka."bulong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko saka niya ako binigyan ng makahulugang tingin.

"Puntahan mo na."bulong niya sa akin.

"Ria. Yung sa arts 'di pa natin tapos 'di ba?" Singit ni carlo na kinalabit pa ang braso ko.

Napapikit ako. Oo nga pala! Bakit ba nakalimutan ko 'yon!

Hinarap ko siya. "Oo nga pala. Sabi ko pala break time natin gawin. Sorry nakalimutan ko."

"Ah okay lang 'yon."

"Ah sige Ria una na ako ah?"singit ni ginger.

Napatingin ako sa kaniya. "Ikaw na lang mag-isa?"

"Oo ako na bahala. Baka makasalubong ko rin si joy."

"Okay sige."

Kumaway ako sa kaniya at naglakad na siya paalis na may makahulugang tingin.

"Tara na Ria. Para matapos na rin natin kaagad."

"A-ah o-okay sige."

Sabay kami na naglakad papasokng classroom. Pumunta kami sa upuan ko at kinuha ko ang eco bag na pinaglalagyan ng project naming dalawa.

"Ito na 'yung mga gamit. Kaunti na lang naman ang aayusin natin. More on dikit na lang ng papel." Paghaharap ko sa kaniya ng gamit.

Lumipas ang ilang segundo na tahimik lang siya. Kaya tinignan ko siya kahit labag sa loob ko.

Kumunot ang noo ko. "Tara na?gawin na natin." Ilalabas ko na sana ang gamit kaso ay nagsalita siya.

"Ah masyadong masikip dito at baka madumihan pa yung sahig. Sa may gilid na lang tayo sa labas. Para walang sagabal."

Nanlaki ang mata ko at kinabahan. "huh? S-sure ka?"

"Huh?oo bakit?"kinuha niya na sa kamay ko ang materials namin.

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now