CHAPTER 22

2.6K 83 53
                                    

Kevin's POV

Nanginginig ang kamay ko habang nag mamaneho papuntang hospital, kasama ko sa sasakyan sila Mom, Dad at si Mommy Lucia. "Slow down Kevin." Nag aalalang sabi nang aking ina pero diko sila pinakinggan at mas lalo ko pang pinatulin ang pag mamaneho ko.

Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Katherine at ang anak namin, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyareng masama sa kanilang dalawa. "Kevin please, slow down."

Bahagya ko nalang naipikit ang mata ko at napahawak nang mahigpit sa manubela nang sasakyan ko. "Mom, please! Sa mga oras na ito kailangan ako ni Katherine, kailangan ako nang asawa ko."

Natahimik naman si Mommy sa sinabi ko at rinig ko ang pag iyak ni Mommy Lucia habang di ito makapakali sa kinauupuan nila, ilang saglit lang ay nakarating na din kami sa hospital. Agad akong bumababa nang sasakyan at ganun ang mga kasama ko, patakbo kaming pumasok sa loob nang hospital.

"Katherine Kaye Mondragon-Lopez." Nanginginig na tanong ni Mommy Lucia sa information desk, agad naman hinanap nung nurse sa monitor yung pangalan ni Katherine.

Unti unti nakong nilalamon nang matinding kaba ko, para akong natutuliro na hindi ko maintindihan. "Faster!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil ang bagal niyang kumilos, nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

Naramdaman ko nalang ang pag tapik ni Daddy sa balikat ko na para bang sinasabi nila na kumalma ako, paano ako kakalma? Andito sa hospital ang asawa at anak ko!? Putangina!

"N-nasa ICU po siya Madam Lucia." Pagkasabi yun nang nurse ay agad akong tumakbo papuntang ICU at naramdaman ko nalang na sumunod na din sa akin ang mga magulang namin ni Katherine, bawat hakbang na nagagawa ko ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko.

Namuo ang mga luha sa mata ko at hinayaan ko itong umagos sa mukha ko, ang tanga tanga ko. Bakit hindi man lang kita nakita? Bakit nag bulagbulag ako sa nararamdaman ko sayo? Napaka tanga kong tao para gawin ito lahat sa iyo.

Nang malapit na ako sa ICU ay agad kong nakita ang Daddy ni Katherine, agad silang tumayo nang makita akong papatakbo sa kinaroroonan nila at sinalubong ako nang malakas na suntok dahilan para mapahiga nalang ako sa sahig.

*Boooogggssshhh.*

"Kevin." Nag aalalang tinig ni Mommy at nag madali silang lumapit sa amin, naramdaman ko nalang ang mga kamay nang aking ina na nakaalalay sa ulo ko habang nakita ko naman si Mommy Lucia na pumunta sa tabi ni Daddy Antonio para pigilan ito sa pagsugod ulit sa akin.

"Nag kamali ako, nagkamali ako na sayo ko pinagkatiwala ang anak ko Kevin! Binigo mo ako!" Galit nilang duro sa akin, nang mawala na ang konting pagkahilo ko dahil sa suntok nila ay pilit akong tumayo.

"K-kevin." Napatingin nalang ako sa aking ina nang tawagin ako nito at tila sinasabi nang mga mata nila na wag na akong sumagot pa pero ngumiti lang ako sa kanila tsaka ako tuluyang tumayo.

Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Mommy at dahan dahang lumapit sa mga magulang nang asawa ko, naramdaman ko nalang ang sarili ko nang unti unti akong lumuhod sa harap nila.

Narinig kong humahagulgol si Mommy mula sa likod ko pero diko sila pinansin, napahawak nalang ako sa mukha ko at dun ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko.

"I-i'm sorry Mommy and Daddy." Tumunghay ako at pinag kikiskisan ang dalawa kong palad habang sinasabi yun sa kanila.

Kita ko ang tindi nang galit sa mukha nang Daddy ni Katherine, napayuko nalang ako dahil hindi ko na kaya pang labanan ang mga titig nila sa akin. "I-i'm sorry, hindi ko po sinasadya."

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon