{Chapter 68-Past}

Start from the beginning
                                    

Sa tingin ko nag-uusap sila at nagkwe-kwentuhan dahil may mga pagkain pa sa center table.

Hindi ko alam kung kailan nakauwi si tanda pero hindi ko na yun inalam dahil sa nakita ko kanina.

Gusto kong malaman ang totoo. Kung totoo nga ba o nagkakamali ako.

Gulat na napatingin sakin ang tatlo. Naningkit ang mata ni jovan at tanda samantalang nangunot ang nuo ni jeigh.

Humarap ako kay tanda at binigay sa kaniya yung litratong nakita ko.

"Sabihin mo tanda. Ma-may relasyon ba nuon si mommy sa melendez na yun?"- deretsong tanong ko.

Nanlaki naman ang mata niya habang sina jovan ay nalaglag ang panga. Nakwento ko na din kay jeigh nuon ang bigla na lang pagpasok ng isang lalake sa bahay. Kaya alam na niya ang tinutukoy ko.

Saglit na natulala sakin si tanda at napatingin sa litratong inabot ko.

"What do you mean?"- tanong ni jeigh at napatingin sa katabi niyang si tanda.

Ng matulala si tanda sa litrato ay hinablot ni jeigh yun upang matignan din. Hindi naman na din napigilan ni jovan na tumayo at lumapit sa amin.

Titig na titig ako kay tanda habang sari-saring tanong ang namumuo sa isipan ko.

Kaya ba pumunta siya dito? Kaya ba kami ang tinignan niya at hindi si tanda? Pero bakit parang galit si tanda sa kaniya?

Anong ibig sabihin nun?

"Joremiah. Is it true?"- tanong ni jovan habang nakatayo sa harapan ni jeigh at nakatitig sa kausap.

Napahawak ito sa sentido at napabuntong hininga. "Yes."- walang pagdadalawang isip niyang sagot.

"Siya ba ang sinasabi ni mommy na naging first love niya?"- hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, he is."- napapabuntong hiningang tugon niya na mas lalong kinagulat namin.

"You said that man is dangerous right?"- tanong ni jovan, kunot ang nuo.

Si jeigh naman ay palipat-lipat ng tingin, hindi mawari kung anong magiging reaksyon o sasabihin.

"Shit. I don't understand."- nalilitong napailing ako sa kanila. "Anong malaking dinulot ng lalakeng yun sating pamilya para sabihin mong mapanganib siya?"- tanong ko.

Hindi naman nakaimik si tanda ng ilang segundo bago napagpasyahang magsalita na.

Pakiramdam ko pinipigilan ko ang paghinga ko dahil sa malalaman. Hindi pa kailanman ako naging ganito kasabik ngunit takot sa anumang maririnig.

Parang hinihintay mo na lang na mahulog ka sa bitag ng ibang tao at magugulat ka na lamang kapag nangyari yun.

"Ang dinadala niya nuon ay anak ni melendez."- paliwanag niya.

Parang nahulog ang puso ko sa sobrang gulat habang ang mga kamay ko ay pinagpapawisan. Namutla ako at nanginig ang tuhod ko.

Napanganga naman si jeigh at jovan dahil sa nalaman.

Natahimik ang pagitan namin hanggang sa kumibo na si jeigh.

"W-what?"- hindi malaman kung saan ito titingin. Kung sa litrato ba o kay tanda.

Kaya pala buntis si mommy duon at kasama ang lalakeng yun.

Bakit? Paanong nangyari?

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now