17

1.4K 17 2
                                    

Good morning <3
________

KEISHA'S POV

"Ano bang alam mo sa Nanay mo at sa akin?"

"Na niloko mo siya kaya iyon, nasira ang buhay niya. Laman siya ng bar at palaging lasing, kaya ito, ako ang naging bunga ng lintik na katangahan mo!"

Damn. Bakit ako umiiyak? Anong nakakaiyak, Kei?

"And who the fuck are you to blame me? Ako ba ang nakabuntis sa kaniya? Fucking no, right? Hindi kita anak!" Malakas na sigaw niya.

"Oo, hindi kita ama dahil wala akong tatay na katulad mo! Wala kang konsensya!"

"Hindi ko naman kasalanan na maharot talaga iyang Nanay mo! Bakit ba siya nagpapasok sa loob niya ng hindi niya naman pala kilala?! Iyan tuloy, ang anak niya ay lumaki ring maharot!" Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala kang kwenta! Asshole!" Sigaw ko pa saka tumayo.

Nanghihina na ang mga tuhod ko kaya wala akong nagawa kundi ang mapaluhod saka napahagulgol.

"Pwede ba, Keisha?! Wala na akong pakialam sa inyong mag-ina! Hindi kita anak! Wala akong anak na kagaya mo!" Aniya saka astang tatayo ng biglang may nagsalita.

JAYSHIE'S POV

"D-dad... Kei..." Sambit ko sa malamig na tono.

"J-Jayshie..." Halata ang pinaghalong gulat at kaba sa mukha ni Keisha ng makita niya ako.

"Son..." Sabi naman ng Tatay ko na napaka gago.

"I-Im sorry, Jayshie..." Umiiyak na sambit ni Keisha kaya sarkastiko ko silang nginisian.

"Sorry? Ngayon pa?"

"Son, I'm really sorry..." Sambit din ng Tatay ko kaya malakas ko siyang sinuntok. Kaagad kaming inawat ng mga tao rito sa lintik na coffee shop na ito.

"Dad... Fucking why?! Bakit Mom pa ni Keisha?" Tanong ko saka mabilis na pinunasan ang mga luha kong lumandas na sa aking mga pisngi.

Damn. I'm so weak.

"Anak, hindi ko naman anak ang taong mahal mo. Pwede pa rin kayo..." Wika niya kaya natawa na naman ako ng sarkastiko. Mababaliw talaga ako sa mga sinasabi nila.

"At sa tingin niyo pwede pa kami?" Seryosong tanong ko saka binalingan ang tahimik na umiiyak na si Keisha. "You're just using me..."

"Jayshie, I-Im sorry. 'Yun nalang kasi ang nakikita kong daan para makausap ko ang Daddy mo..." Sabi niya kaya sa sobrang galit ko, hinawakan ko mg mahigpit ang magkabila niyang braso.

"Damn, Keisha! I fucking trusted you!" Umiiyak na sambit ko saka mas hinawakan ang mga braso niya. Alam kong masakit iyon pero... Damn, I don't fucking care anymore.

"J-Jayshie, hindi ko sinabi sa iyo dahil alam kong mahihirapan ka lang na intindihin ako!" Malakas na sigaw niya.

"Anong mahirap sa niloko mo ako, Keisha?" Hindi ko na alam... Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang pagod na pagod na ako.

"Jasyhie! Ano ba?! Mahal na mahal ni Mommy ang Daddy mo. Sa kagustuhan ni Mommy na puntahan siya ng Daddy mo, gusto nalang niyang magpakatay para lang kahit daw sa burol niya ay naroon ang gagong Daddy mo!" Malakas na sigaw niya na nagpalakas lalo ng paghagulgol ko.

"Ah... So kasalanan pa namin?" Malamig na tanong ko.

"Wala kayong kwenta! Napaka hayop niyo!" Malakas na sigaw niya. "Ikaw! Buti nga mahal ka ng Mommy ko!" Sigaw niya sa Dad ko.

"Kei..." Damn. What did I do? She's crying.

"Pero ako?! Paano ako? Tangina, paano naman ako? Kahit kailan, hindi ko naramdaman na may Nanay ako. Kahit kailan, hindi ko naramdaman na may halaga ako. Dahil sa inyong lahat, nauhaw ako sa atensyon at pagmamahal na alam kong hindi ko kailanman mararamdaman."

"Keisha..." Usal ng Dad ko, hindi na rin alam ang gagawin.

"Tangina, kung gaano kayo kaswerte sa pagmamahal, 'yun naman ang minalas ko."

I'm sorry, Kei. We're so sorry.

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterWhere stories live. Discover now