[19] Flirt

543K 10.9K 976
                                    

[19] FLIRT

CHLOE'S POV

Kakatapos lang naming panuorin ang MAMA awards sa TV. Kanya-kanya na rin kaming bihis ng summer dresses (as if naman na summer ngayon). Ewan ko ba sa drama ni Ate Lie. Bakit naman kasi magsusummer sa kalagitnaan ng July? Like hello?! Tag-ulan kaya hahaha. Pero sa panahon ngayon na magulo ang weather, well, parang summer nga.

"Mga Ate, ayos lang ba ang damit ko?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Sandy, nakasuot ng above the knee summer dress. Tumango lang si Kaye Anne samantalang nag-thumbs up lang ako. Ngayon ko pa lang na-meet sina Sandy and Lovely though sinabi na sa akin ng aking beautiful bestfriends na dito nila nakilala ang dalawa. Feel ko naman ang kanilang personality, kaya gora lungs! Close-open agad hehehe.

"Ang tagal naman ni buntis sa loob," sabi ni Kaye Anne. She's pertaining to Gail which is currently inside the bathroom, changing her outfit.

Umupo ako sa tabi ni Kaye Anne at sinuklayan ang buhok niya. One fact about Kaye Anne; she's not conscious about her hair. "Ano ba naman yan, Kaye Anne. Ang ganda-ganda ng buhok mo pero 'di mo inaalagaan."

Inirapan naman niya ako pero in a pabiro way. "Chloe, inaalagaan ko naman ang buhok ko. Hindi nga lang masyado." Napa-'whatever' nalang ako. Ayokong makipagtalo sa kanya kasi baka masabunutan ko lang siya in the end. Charot!

Napalingon kaming apat nang marinig naming bumukas ang pinto ng bathroom. Lumabas naman si Gail wearing her floral pink knee-length dress. Pa-tube style siya tapos nakaladlad lang yung buhok niya. Naka-flip-flops nalang din siya at medyo may light make up siya. In short, she doesn't look like a preggy. She's so beautiful *u*

Lovely compliments happily, "Ate Gail, ang ganda mo!" Nag-smile lang si Gail tapos umupo na sa tabi ko.

"Waaaaaah! Ate Gail, ang gondo gondo mo tologo! As in, swear!" Sabi naman ni Sandy na halatang mesmerize na mesmerize kay Gail.

"Eeeh! Ano ba yan! Nambola pa kayo. In fairness, umubra naman kahit papa'no hahaha!" Tawa lang ng tawa si Gail habang binabrush niya yung buhok niya. Ako naman, nakatitig lang sa kanya. Sana 'pag naging preggy din ako, kasing ganda niya rin ako.

"Seriously, Gail, you don't look like pregnant. I mean, look at you," tinignan ni Kaye Anne from head-to-foot si Gail. "Wow, baka mamaya sa labas, mapagkamalan kang one of us. I mean, single ladies!"

"Yeah, baby! Gusto ko yan! Single ladies. I belong to the group!" I giggled. As if naman single ako. Hohoho.

Napataas naman ng kilay si Kaye Anne sa akin. "Mukha mo, Chloe. Lady ka lang, hindi ka single. Kami ang single nina Sandy and Lovely. Hahaha!"

Kfine.

Pagkatapos naming mag-ayos ng sarili namin. You know, girls. Cheche bureche sa katawan. Hindi naman ako ma-eklavu sa fashion ko. Kung ano ang available, gorabels lang. Aba, mas exaggerated pa nga sina Sandy and Lovely kanina kasi may pa-make up make up pang nalalaman.

Nakalabas na kami ng tuluyan ng kwarto namin. O nga pala, dun kami matutulog lima. May five single beds naman kaya oks na oks lang. Naramdaman ko na hinawakan ako sa braso ni Gail kaya napatingin ako sa kanya.

"Chloe, san na sila?" tanong niya. Siguradong ang X10 ang tinutukoy niya. Nag-shrug lang ako saka kami pumunta na sa event's place. Sumalubong sa amin ang malakas na party music, marami na rin ang guests at puro sila naka-summer outfit. Ka-echosan talaga ng ate ni Nathan oh ahahaha :D

"If it's not night right now, I'd probably wear my sun glasses," narinig kong sabi ni Lovely na ngayon ay katabi ni Kaye Anne. Napahinto kami nang mapansin namin na marami-rami na ngang tao. Jusmiyo! Nakaramdam ako ng hiya. Yeah, nahihiya din naman ako noh!

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon