Chapter 12

83.2K 866 82

CHAPTER 12

CRYSTAL

Umalis na talaga si Mark. Sabagay iniwan na naman niya ako dati kaya dapat sanay na ako. Pero iba ang dahilan niya ngayon eh. Sobrang nakakalungkot 'yung nararamdaman ko ngayon kaysa nung una siyang umalis papuntang Canada.

Maaayos din ang lahat, in time.
Sana nga pagbalik niya maging okay na ulit kami.

Ilang linggo na buhat nung umalis si Mark.

Umaga nang magising akong tumutunog ang cellphone ko hanggang sa biglang tumigil sa pagtunog.

Ang daming missed calls at text messages galing sa relatives ko abroad at mga kaibigan. Hala, birthday ko nga pala ngayon! Pero bakit wala man lang text o tawag ang asawa ko?

Pagka- hilamos ko ay bumaba na ako.

Nung malapit na ako sa baba ay na- surprise ako sa nakita ko.

"Happy Birthday!" Bati nila pagkababa ko. Lahat ng kasambahay namin. Pati si Mom at si Dad.

"Happy birthday iha." Bati nila Mom at Dad.

"Mom, Dad, thank you. Thank you." Sabi ko rin sa mga kasambahay.

"Akala mo nakalimutan na namin noh?" Sabi ni Mom.

"No Mom, hindi ko nga po naalala na birthday ko ngayon." Sabi ko.

Ewan ko nga ba kung bakit. Siguro dahil laging si James ang nasa utak ko. Kung mawala naman saglit siya sa utak ko ay si Mark naman ang naaalala ko.

"Gusto mo bang magpa- party mamaya? Ano'ng gusto mong gawin sa birthday mo?" Sabi ni Dad.

"Dad, tulad po ng dati, tayo- tayo lang. Alam niyo naman pong ayaw kong mag- entertain ng madaming bisita." Sabi ko. Ganun kasi ako.

"Anything you want iha. Invite your close friends, magpapa- handa ako ng dinner mamaya." Sabi ni Dad.

Debut ko nung una akong magpa- party sa madaming bisita kasi nung mga nagdaang birthday ko ay mas gusto kong lumalabas lang kami nina Mom at Dad para mag- dinner o kaya naman magsho- shopping lang ako maghapon. Mas gusto ko kasi ng tahimik noon. Pero ngayon, gusto kong makasama ang asawa ko pero ni hindi man lang niya naalala na birthday ko ngayon. Alam naman niya 'yun eh. First birthday ko pa naman 'to since I met him.

"Ah sige Dad, papupuntahin ko mamaya 'yung mga kaibigan ko." Sabi ko na lang.

Naisip ko sina Karren at James. Ayaw kong gamitin si Karren para lang makapasok dito sa bahay si James pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay siya lamang ang paraan para mangyari' yun. But it's not exactly about using her, gusto ko talagang bisita si Karren because she's a nice person and a friend that I want to have.

Busy lang talaga siguro si James kaya hindi niya naalala ang birthday ko kaya ako na lang ang gagawa ng paraan para makasama siya.

"Sayang wala si Mark pero napaka- sweet na bata. Tingnan mo iha 'yang mga bulaklak na nasa sala, galing pala sa kanya. Kahit malayo na siya ay ikaw pa rin ang naaalala." Sabi ni Mommy.

Napatingin ako sa mga bulaklak. Talaga bang galing sa kanya? Hindi na masama ang loob niya sakin? Na- touch naman ako. Ngumiti ako.

"Ganun po ba. Papupuntahin ko nga po pala 'yung kaibigan kong kaibigan din ni Mark. Si Karren." Sabi ko.

"It's all up to you iha." Sabi ni Dad.

"Ang totoo niyan, siya po 'yung fiancee ng anak ng mga Gutierrez? Si James Gutierrez?" Sabi ko.

"What? Bakit ka nakikipag- lapit sa kanila?" Sabi ni Dad.

"Pero Dad, mabuti po silang tao. Kaibigan ko po sila. Huwag po natin sanang idamay 'yung pagkakaibigan namin." Sabi ko.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!