Chapter Eleven

64.8K 963 6

CHAPTER ELEVEN

Kinakabahan ako, kailangan kong maging mahusay na aktres kapag kaharap si Jack Santaniel.

Sakay ako ng taxi, papunta sa condo niya. Kailangang maubos na lahat ng kaba sa dibdib ko. Ayokong magmukhang- kaawa-  awa sa harap niya.

Hindi niya alam na papunta ako ngayon sa kanya. Sana nandoon nga siya.

Nasa loob na ako ng elevator. Panay ang inhale- exhale ko para mawala ng husto ang kaba ko. Nandito na ako, nagbukas na ang elevator.

Naglakad na ako papunta sa unit niya. Nasa may pinto na ako. Magdo- door bell na sana ako ng biglang magbukas ito. Palabas si Jack at naka- porma. Halatang nagulat siya sa akin pero agad ding nawala. Mukhang wrong timing ako, may pupuntahan yata siya.

"Wow. Unexpected visitor." Sabi niya ng nakangiti.

"Mukhang wrong timing ako, babalik na lang ako sa ibang araw." Sabi ko.

Tsk, naiinis ako.

"You know what, hindi naman importante 'yung pupuntahan ko. Iyon ang sa ibang araw na lang. Come in." Sabi niya.

Niluwagan niya ang bukas ng pinto at bumalik na sa loob.

Ang kulet pero bahala ka, hindi ko naman lakad 'yun.

"At mukha namang hindi na makapaghihintay 'yang pakay mo. Sit down. Do you want coffee? Juice? What do you want?" Sabi niya habang papasok ako sa loob.

Bwisit pangiti- ngiti pa. Huwag na baka maibuhos ko pa sayo kapag hindi ako nakapagpigil. Sabi ko sa sarili ko.

"I want you to know na.. na p- pumapayag na ako.." Iyon na lang ang sinabi ko. Gusto ko na kasing madaliin ‘to.

"Pumapayag saan?" Tanong niya. 

Loko talaga siya, kahit alam na niya gusto pa niyang marinig ulit. Paulit- ulit lang ganun? Nakakainis talaga siya. Nakatingin talaga ng diretso sa mga mata ko. Buset!

"Please don't act like you don't know." Sabi ko.

"I just want to make sure. So, tell me how much do you want?" Sabi niya.

Eto na naman ang puso ko. Easy lang Zayl kahit ang baba na ng tingin niya sa sarili mo.

"I don't know. Alam kong alam mo na kung magkanong kailangan ko pero tatanggapin ko kahit magkano ang ibigay mo. Gusto ko ng tapusin 'to sa lalong madaling panahon." Sabi ko.

"Okay. Follow me." Sabi niya.

Tiningnan ko muna kung saang direksyon siya pupunta at nakita kong sa kwarto yata niya 'yun. Jusko, kinakabahan ako! Akala ko wala na kanina 'to, bakit bumabalik ka na namang kaba ka.

Tumayo na ako at sinundan siya. Nakapasok na siya sa loob ng kwarto samantalang ako ay papunta pa lang. Nakabukas ang pinto. Pagkapasok ko, nagulat ako sa nakita ko. Naka- boxer shorts na siya. Napalunok ako, sana hindi niya napansin. Nakalimutan kong kailangan ko nga pa lang maging artista. Paano ko kaya gagawin 'yun eh this will be my first. Bahala na. Heto na talaga 'to.

"Come here." Sabi niya na parang may itinatagong ngiti sa mga labi.

Kanina pa pala ako nakatayo sa may pinto ng kwarto. Come here- come here ka diyan! Tse!

Nakaupo siya sa kabilang side ng kama, sa may table na maliit. Hawak niya ang cellphone niya. May ka- text yata siya. Doon ako umupo sa kabilang side malayo sa kanya. Hooh! Ano'ng gagawin ko? Ngayon na ba talaga? Agad agad? Nakita kong ipinatong na niya 'yung cellphone niya sa side table. Tumayo siya at tumabi sa akin sa pagkakakaupo. Relax Zayl, relax.

Napatingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin. Matagal kaming nagtitigan at nararamdaman kong parang natutunaw na ako. Hinawakan niya 'yung kaliwang pisngi ko ng kanang kamay niya. The way he touches it, ang sarap sa pakiramdam. Parang gusto kong maiyak sa pagka- miss ko sa kanya, naku Zayl tama na 'yan! Mag- focus ka sa pag- arte dahil alam mong wala na naman siyang nararamdaman para sayo at alam mo ang habol niya lang sayo ngayon. Iyan ang sabi ng konsensiya ko.

Nakatitig pa rin kami sa isa't- isa at napansin ko na lang na palapit na ang mukha niya sa mukha ko. He's now going to kiss me, inilipat niya 'yung kamay niya sa batok ko para mailapit ang mukha ko at naramdaman ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin. Hindi ko napansing nakapikit na pala ako while also kissing him.

I remember the first time he kissed me, the first time we were together. Parang ingat na ingat siya sa ginagawa niya. Parang walang nagbago. It also feels like the first time.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!