Chapter 11

65.1K 965 3

CHAPTER 11

MARK

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo na akong tawaging bebe ko! Mahirap bang intindihin 'yun?!"

"Oo! Nahihirapan na akong intindihin ka Crystal! Hindi ko na alam kung bakit ka ganyan sakin! Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin!?"

"Hindi!"

Paulit- ulit na sa utak ko ang mga salitang 'yun habang nagda- drive ako ng kotse na walang tiyak na patutunguhan.

Ngayon ko mas naramdaman ang sakit nung ipamukha na niya sakin. Sh*t! Ang g*go ko lang! Nagmahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin! Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko.

Idiniretso ko ang kotse sa isang malapit na club at doon ibinuhos lahat ang sama ng loob. Nagpakalasing ako hanggang sa magsawa sa alak at nag- drive na lang ng nag- drive sa gitna ng kalsada.

Habang nagma- maneho ako, halos paliparin ko ang kotse. Epekto na rin ng nainom ko kaya sobrang lakas ng loob ko hanggang sa binilisan ko ng napakabilis ang takbo ng kotse at maibangga ko sa isang malaking puno.

CRYSTAL

"Nag- resign na nga ako mahal ko at dahil nga sa nalaman kong 'yun, sobrang sama ng loob ko kay Mark pero nagi- guilty ako kasi nasaktan ko siya dahil sa galit ko kahapon." Sabi ko sa kabilang linya.

Ikinuwento ko kay James ang tungkol doon.

"Mas mabuti ng ginawa mo 'yun para hindi na siya umasa. " Sabi ni James.

"I know mahal ko pero mahalaga rin naman siya sakin kasi siya ang bestfriend ko at ayaw ko ding magkaroon siya ng sama ng loob sakin." Paliwanag ko.

"Iha! Crystal!" Si Mommy habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Mahal ko sige na b- bye na, si Mommy nandito." Sabi ko at ibinaba ko na ang telepono.

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko.

"Mommy," sabi ko.

"Iha, hindi mo ba alam na isinugod si Mark sa hospital?" Si Mommy.

"Po? Ano pong nangyari?" Tanong ko.

"May nakapag- sabi sa aking kaibigan na may aksidente daw na nangyari kaninang madaling araw at si Mark daw ang may- ari ng kotse. Iha, malubha ang lagay ni Mark." Sabi ni Mommy.

"Saan pong hospital?" Kinakabahan kong tanong.

Pagkasabi ni Mommy kung saang hospital ay sumugod agad ako.

"Renz!" Tawag ko sa kapatid ni Mark nung makapasok ako sa hospital.

"Crystal," si Renz.

"Kamusta na siya?" Tanong ko.

"Sabi ng mga doktor malubha daw ang kalagayan niya. Hindi pa rin siya nagkaka- malay. Nakainom daw si Mark nung nagma- maneho. Sino bang kasama niya kagabi? May alam ka ba Crystal?" Tanong ni Renz.

"Nagpunta siya sa bahay kahapon pero umalis din agad siya. Hindi ko na alam kung saan siya nagpunta." Sabi ko.

Natatakot akong sabihing inaway ko si Mark kahapon. Diyos ko, pagalingin niyo po siya.

"Paano mo nga pala nalaman na na- aksidente siya?" Sabi ni Renz.

"May nag- balita kay mommy at natukoy na si Mark ang na- aksidente." Sabi ko.

Ilang oras na kaming naghihintay kung may pagbabago kay Mark pero wala pa rin daw ayon sa mga doktor.

"Umuwi ka na muna Crystal, tatawagan na lang kita kapag nandito na sina Mommy tutal papunta na rin ang girlfriend ko ngayon dito. Magpahinga ka muna." Sabi ni Renz habang magkatabi kaming nakaupo sa labas ng kuwartong kinalalagyan ni Mark.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!