Chapter Ten

62.6K 890 6

CHAPTER TEN

ZAYL'S POV

Minsan natatawa na lang ako, unti- unti ko ng natatanggap ang sakit ko at hinihintay ko na lang na tumigil ang paghinga ko. Naiinip na nga ako. Palagi lang akong nasa bahay, pero kailangan ko munang magkapera para maipatabi ko kay Bianca para kung sakali mang mawala na ako, may magagastos siya pagpapa- burol at libing sakin.

Naalala kong sinabi ni Bianca, gumawa daw siya ng kuwento kay Jack para i- dahilan sa ginagawa kong kahibangan. Hindi ko na tinanong kung ano'ng naging reaksyon ni Jack. Sana layuan na ako ni Jack. Ayoko siyang idamay.

Maghahanap na sana ako sa internet ng lalaki nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Tumayo ako para buksan ang pinto, baka si Bianca, pero may trabaho 'yun ngayon ah?

Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko ng makita ko si... si Jack?

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko.

"I asked your friend." Sabi niya.

Bianca, Bianca. Ano na naman 'to?!

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Sabi niya.

"Ano bang kailangan mo?" Sabi ko at tumalikod ako at naglakad papuntang sala.

Naramdaman kong sumunod siya.

"Huwag ka ng maghanap ng iba. Ako na lang, kahit magkano." Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapag- salita. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, parang nasasaktan ako. Pero ako naman ang may pakana nito eh. Magdusa ka Zayl!

Hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi dapat siya nandito! Hindi ko dapat siya kausap ngayon!

"Huwag kang mag- alala, wala na akong nararamdaman para sayo. Tulad ng sinabi mo noon, mga bata pa tayo." Sabi niya.

Parang gusto ko ng tumigil ang paghinga ko ngayon. Sa kanya mismo nanggagaling ang mga salitang 'yun? Para na rin niya akong pinapatay. Gusto kong umiyak pero kailangan kong maging matatag. Kaya ko to! Dapat nga matuwa ako kasi wala na siyang pakialam sakin!

"Kung wala ka na talagang nararamdaman para sakin, hindi ka na pupunta dito." Sabi ko.

Bakit parang hindi naman iyon 'yung nakikita ko sa mga mata niya nung huli kaming mag- usap? Assuming pa talaga ako eh sa kanya na nga nanggaling di ba.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong ibigay mo sa iba ang sarili mo samantalang akong unang naging nobyo mo ay nagtiis noon? Nandito ako dahil ayaw kong may makauna sayo maliban sakin. Kahit magkano magbabayad ako. I'm your first boyfriend at nakasalalay ang pride ko dito. Sabihin mo kung magkano at ibibigay ko just to have sex with you first!"

Hindi ko na napigilang sampalin siya. Bakit nagagawa niya sakin 'to?

"Umalis ka na. Umalis ka na!" Sinigawan ko siya.

Galit ako. Nagagalit ako dahil sobrang sakit. Ipinanganak ba ako para saktan lang? Pagkaalis niya, tuluyan ng nag- unahan sa pagpatak ang mga luha ko.

Iyak ako ng iyak. Mas masakit pa yata 'tong nararamdaman ko ngayon kaysa nung malaman kong mamamatay na ako. Wala na ba kayong gagawin sakin kung hindi paiyakin ako?

Nagkulong ako sa kwarto at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog ako. Bumangon ako at nakaramdam ng gutom. Kumain ako kahit walang gana. Kailangan kong kumain, ayokong mag- mukmok na lang sa natitirang oras ng buhay ko. Kailangan ko 'tong harapin. Hindi ko na sinabi kay Bianca ang pagpunta ni Jack dito.

Umiiwas ako dahil akala ko masasaktan ko lang siya iyon pala ako ang doble- dobleng masasaktan. Kung wala na siyang nararamdaman sa akin, patutunayan kong wala na rin akong nararamdaman sa kanya. Gusto niyang siya ang makauna sa akin? Sige papayag na ako mapatunayan lang sa kanya na pagkatapos nun, wala lang sa akin ang nangyari. Hindi naman siguro masamang hindi ipagkait sa kanya ang gusto niya, mawawala na ako, natulungan ko pa siya sa pride niya!

Kailangan kong kausapin si Bianca. Pinapupunta ko siya dito pagkalabas niya galing sa trabaho.

...

"Oh bakit pugto 'yang mga mata mo?" Tanong ni Bianca.

"Ah eh natulog kasi ako." Sabi ko. 

Ayoko ng ikuwento sa kanya 'yung masakit na mga sinabi ni Jack.

"Ah, so bakit mo ako pinapunta?"

"Pumapayag na ako na si Jack." Sabi ko.

"Ha? Sigurado ka na ba?"

"Oo. Huwag mo ng sabihin sa kanya. Ako na lang ang pupunta."

"Bahala ka, tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka." Sabi niya at tumango ako.

Nang makaalis si Bianca, nag- isip ulit ako. Buo na talaga ang desisyon ko. Pero hindi kaya dahil sa gagawin kong 'to, mas mapatunayan ko sa sarili ko kung gaano ko kamahal si Jack? Ewan ko, bahala na. Ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako.

Kung lumapit na lang kaya ako sa mga amo ni Inay? Hindi. Ayoko nang dagdagan pa ang utang na loob namin sa kanila. Isa pa, baka alam na nila ang sakit ko at baka kaawaan lang nila ako. Sasabihin ko na lang kay Bianca na kung sakali mang mawala na ako, pumunta siya sa mga amo ni Inay at i- kuwento ang nangyari sa aming mag- anak. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin kay Bianca ngayon 'yun dahil tiyak na lalapit agad 'yun doon huwag lang matuloy ang balak ko sa sarili ko. Kailangan ko muna 'tong tapusin.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!