Chapter 10

62.9K 891 1

CHAPTER 10

CRYSTAL

Pagkagising ko ang sakit ng ulo ko. Nalasing ba ako kagabi? Pero natatandaan ko naman lahat ng nangyari kagabi eh.

Inihatid ako ni Mark sa bahay. Nagising pa nga si Mommy pero mabuti na lang at nakaya ko pang makalakad at makaakyat papunta sa kwarto ko.

Hindi naman nagalit si Mommy dahil nag- dahilan si Mark kung bakit ako nakainom. Pero isa at kalahating baso lang ng cocktail talab na sakin. Hindi ko na naubos 'yung pangalawang baso kasi nga nagyaya na si James pauwe.

James? Naku, galit nga pala ang asawa ko sakin. Sinilip ko 'yung cellphone ko kung may text message o missed call niya pero wala eh. Kailangan ko talagang mag- paliwanag at bumawi sa kanya kaya nagmadali na akong maligo at umalis na ng bahay.

Naisip kong pumunta sa condo unit niya bago ako pumasok sa trabaho tutal mahaba- habang oras pa ang natitira bago ako pumunta sa trabaho.

May duplicate ako ng susi ng unit niya kaya makakapasok ako dun. Tulog pa tiyak 'yun. Napakaaga pa kasi. Nag- grocery ako bago pumunta ng unit niya. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang pagkain.

Nang makarating ako sa kusina niya ay sinimulan ko na ang pagluluto. Nag- prito ako ng hotdog, bacon at ham. May niluluto rin akong paborito niyang soup. Maingat ako sa bawat kilos ko para hindi siya maistorbo sa pagtulog.

Nang tinanggal ko 'yung takip ng kaserola para tikman na ang niluluto ko ay bigla ko itong nabitawan. May tumulo kasing mainit na liquid sa paa ko na galing sa takip ng kaserola.

"Ouch, ingat kasi Crystal." Sabi ko sa sarili ko atsaka pinatay na ang stove.

"Crystal?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Gising ka na pala mahal ko. Magbihis ka na para makapag- breakfast ka na." Nakangiti kong sabi sa kanya na parang wala akong atraso sa kanya.

Ang hot niya talaga. Nakatapis lang siya ng towel sa beywang. Maygad, kailangan ko munang magpa- good shot sa kanya bago ang lahat. Pero hindi pa siya kumikilos para magbihis. Magb- breakfast ba siya ng naka- towel lang?

"What are you doing?" Sabi niya sakin at hindi pa rin kumikibo.

Huminga ako ng maluwag bago nagsalita.

"Sorry." Iyon lang ang nasabi ko. Iyon naman talaga ang ipinunta ko dito, ang mag- sorry.

"For what?" Tanong niya.

"Mahal ko, alam kong galit ka sakin." Sabi ko.

"Dahil?" Sabi niya.

Bakit ba ganyan niya akong kausapin? Kailangan ko pa talagang ipaalala ang mga nagawa ko?

"Alam mo na naman 'yun mahal ko eh." Sabi ko na lang.

"Bakit pa ako magta- tanong kung alam ko?" Sabi niya.

"Tss, kailangan ba talagang sabihin ko pa? Hindi ba puwedeng sorry na lang?" Sabi ko habang nakanguso.

"I just wanna make it clear to you kung anong mga bagay na ikinaka- galit ko." Sabi niya.

"Alam ko naman 'yun eh." Sabi ko na lang.

"Pero bakit paulit- ulit mong ginagawa?!" Sabi niya na medyo nagtaas ng boses. Natakot naman ako bigla.

Hindi agad ako nakapag- salita. Aling paulit- ulit? Kagabi lang naman ako nakapag- inom eh.

"I told you to stop going with that guy! At anong ginawa mo? Sumasama ka pa rin sa kanya ng kayo lang dalawa at hindi ka man lang nagsasabi sakin!" Sigaw niya.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!