Chapter 51: MCC's History (Part IV)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Because I know the feelings Chloe wala rin akong kaibigan noong lumipat ako sa Cuthbert, and feel ko na mabuti kang tao." Pagdadahilan niya sa naging action niya sa akin before. Mas lalo akong napangiti dahil napakabuti talaga sa akin ni Amber.

"Hindi ko talaga inaasahan na nandito rin pala si Dwayne sa Cuthbert kaya nag pretend ako na hindi ko siya naaalala. Pero nang makita ako ni Dwayne tutol na tutol siya sa pagkakaibigan namin ni Amber kaya naisip ko na baka hindi na rin niya ako naaalala. Nagkatampuhan pa sila ni Amber dahil nga kinaibigan ako ng bestfriend niya, pero kahit na ganun hindi niya talaga sinuyo si Dwayne, ang katwiran niya ay hindi naman daw tama na hindi niya ako pansinin dahil lang sa ayaw ni Dwayne sa akin. Pagkatapos ay ipinakilala na ako ni Amber sa MCC, naging welcome ako sa kanila bukod kay Dwayne, matagal tagal silang hindi nagpansinan si Amber pero isang araw ay bigla nalang silang nagpansinan." May mga memories parin palang masarap alalahanin kagaya nito.

"Oo nga ngayon ko lang din naalalang itanong, paano nga ba kayo nagkaayos na dalawa mga one month rin kayo hindi nagpansinan noon." Tanong ni Clifford sa magbestfriend. Tama siya ako rin hindi ko alam kung paano nga ba sila nagkaayos.

"Wag mo nang itanong nakalimutan ko na." Sabi ni Amber sa kanya.

"Ikaw Dwayne naalala mo pa?" Inilipat ni Clifford ang tanong niya kay Dwayne.

"Hindi ko na rin maalala, basta nalang yata kami nag usap." Ako lang ba ang nakakaramdam na ayaw nilang pag usapan o hindi talaga nila maalala, pero two years ago pa lang ng mangyari yon. Gusto kong ulitin kay Dwayne ang tanong ko pero wala akong lakas ng loob dahil wala naman akong karapatan. Hindi ko alam kung anong tawag sa status namin ni Dwayne, sinabi niya ng mahal niya ako, ganoon din ako sa kanya pero nahihiya akong itanong kung ano nga ba talaga kami, kung anong tawag sa relasyon namin.

"Guys bago pa humaba ng humaba ang usapan mabuti pang magpahinga na tayo." Sabi ni Ms. Laura saming lahat. "But before we call it a day at bago tayo mag byahe pabalik ng Manila bukas gusto ko lang irecall natin yung mga napag usapan natin ngayong gabi."

"Laura pati ba naman dito ay kailangan pang mag recall? parang nasa klase parin kayo hehehe." Natatawang sinabi ni Sir kay Ms. Laura dahil nga gusto niyang irecall ang mga napag usapan ngayong gabi, but for me tama lang naman dahil maraming naging segway ang usapan may maganda kung lilinawin namin.

"Tigilan mo ako Blair Atwood baka gusto mong iwanan ka namin dito." Mataray na sinabi ni Miss sa kanya.

Inisa-isa muli ni Ms. Laura kung paano kami lahat napunta sa Cuthbert, tagal nang pamamalagi namin sa academy, kung paano nagkakila kilala ang bawat isa, maaaring koneksyon ng mga magulang namin, at ang advice niya sa lahat, na wala kaming kasalanan sa mga nangyayari ngayon, siguro nasabi niya to dahil na rin nga sa dinaramdam ni Kenna., Maaari daw na may malaking dahilan kung bakit kami ang napiling pag laruan ni Ahriman at yun ang susubukan namin alamin para matapos na ang lahat ng ito.

Ang hinihiling ko nalang wala ng mapahamak.

"Wesley naging malinaw ba sayo ang lahat dahil medyo magulo ang usapan." Nagtry mag confirm si Ms. Laura kay Wesley dahil nga aminin man namin dito o hindi ay malaki ang naiaambag ni Wesley sa grupo.

"Sa palagay ko ito na yung tamang oras para magfocus na tayong lahat sa pagalam kung sino nga ba si Ahriman." Sagot niya kay Ms. Laura.

Natahimik kaming lahat bago sila isa isang nagsalita.

"Ako rin gusto ko siyang makilala, gusto kong malaman kung anong pakay niya. Gusto ko siyang tanungin kung anong nasa isip niya, kung anong nararamdaman niya sa tuwing may namamatay dahil sa laro niya. Bakit itong MCC yung ginamit niyang way para masatisfied yung plesure na nararamdaman niya dahil sa laro." Naunang sumang ayon si Kenna na nasundan ni Craig at ng iba pa.

Ring.....ring .....ring

Napatigil kaming lahat sa pagsasalita ngayon dahil tumutunog ang cellphone ni Wesley.

"Good evening Sir Gregory." Si Sir Magnus Gregory kaya yung tumatawag sa kanya ngayon o iba.

"Sige po, bukas ay babalik na ako ng academy." Sagot niya sa kabilang linya.

Pinutol na niya ang pakikipag usap niya.

"Si Sir Magnus Gregory ba yung kausap mo? yung Professor niyo sa Psychology ni Kenna?" Usisa ni Dwayne sa kanya.

"Oo, hinahanap lang kung nasaan ako. Matagal na kasi kaming hindi nakakapag usap." Kibit balikat niyang sagot.

"Close pala kayo?" Nagaantay kaming lahat sa isasagot niya sa tanong ni Craig.

"Yeah, nung panahon na hinarap natin yung kaso ni Patrice Buenafar." Hindi na nasundan ang tanong sa kanya dahil inawat na kami ni Sir Blair na antok na antok na.

Binuhusan na nila ng buhangin yung apoy, kaya liwanag nalang ng buwan yung nagbibigaw liwanag sa amin. Bago kami pumasok lahat pinanood muna namin yung moon at mga stars.

"Tara na, maaga pa tayo bukas." Pagyaya ni Dwayne, isa-isa na kaming pumasok at nagpaalam para matulog.

Wesley's POV

Patapos na kami sa usapan ng mag umpisang tumunog ang cellphone ko. Natahimik silang lahat dahil dito.

"Good evening Sir Magnus." May mga panahon na nag uusap kami ni Sir Magnus Gregory pero nagulat ako sa pagtawag niya ngayon dahil masyado nang malalim ang gabi para tumawag siya.

"Iho pasensya na kung naabala kita, gusto ko lang sanang mag usap tayo sa lalong madaling panahon pero sa tingin ko ay mas mabuti kung sa personal. Tungkol ito sa mga napag usapan natin." Hindi ko man aminin pero nakuha ni Sir Magnus ang loob ko, naging interesado ako sa mga leksyon niya sa akin, naikwento ko rin sa kanya ang lahat ng bagay na kinaharap ng grupo, at bilang pinaka matagal na professor ng Cuthbert naging mahalaga na daw ang academy sa kanya kaya gusto niyang tumulong, kaya kutob ko na may nalaman na siya.

"Sige po, bukas ay babalik na ako ng academy." Sagot ko sa kanya, hindi ko na pinahaba ang usapan namin dahil ayoko nang magduda pa ang mga kasamahan ko ngayon.

"Si Sir Magnus Gregory ba yung kausap mo? yung Professor niyo sa Psychology ni Kenna?" Tanong ni Dwayne sa akin.

"Oo, hinahanap lang kung nasaan ako. Matagal na kasi kaming hindi nakakapag usap." Simple kong sagot.

"Close pala kayo?" Si Craig naman ang nagtanong, kagaya ko siya. Alam ko na hindi niya basta paniniwalaan kung ano man ang isasagot ko.

"Yeah, nung panahon na hinarap natin yung kaso ni Patrice Buenafar." Buti naman at wala ng muling nagtanong sa akin.

Matapos buhusan ni Clifford ng buhangin ang apoy ay nabalot na kami ng kadiliman dito sa tabing dagat, tanging liwanag nalang ng buwan.

Lahat sila ay nakaangat ang tingin at nakatitig sa buwan, pero sa iba ako nakatingin ngayon.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha kay Kenna. Hanggang ngayon malinaw parin sa alala ko yung mukha niya nong una ko siyang makilala kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataon ngayon na makitang muli ng personal ang mukha niya sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Gumaan yung pakiramdam ko, pero hindi ko maiwasan na may biglang maalala. Magkaiba sila ng mata ni Kenna, at wala talaga silang pagkakahawig pero bakit naaalala ko si Natalie sa kanya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon