"What?! As in, nakita mo talaga?!" Tumango tango ako kay Cherry na ngayon ay nanlalaki ang mata. Kakatapos ng dismissal namin at nasa may bench kami ng soccer field.
"Para naming hindi niyo alam na malagkit sa babae yang si Levi, hayaan niyo na. Jess, I assume you're okay. Don't lose yourself because of a man." Saad ni Lilly. Tumango ako at ngumiti. Ngunit alam nila agad na nagsisinungaling ako dahil dali dali nila akong niyakap.
"It's fine, Babe. Let's find some other boys nalang okay?" Pag-comfort ni Che. I smiled, I think I really need to stop this. Wala naman talagang pag-asa.
"By the way, may party si Dad mamaya. For sure, invited families niyo, bond tayo later!" Masiglang pahabol nito.
Our parents are all business partners and they are also childhood bestfriends kaya sobrang close namin. Napatigil naman ito ng mang-ring ang phone niya.
"Omg, pinapatawag ako! I'll go muna, see you nalang later." Saad ni Cherry at dali-daling tumakbo.
I silently read while Lilly was watching the soccer practice. Pinipigilan kong sumilip doon dahil andoon si Levi sigurado. Varsity siya eh, well kita naman sa katawan nito.
"Jess, bili ako food hah?" Tumayo ito at susunod na sana ako ng pinaupo ako muli.
"I-I can go by myself, mabilis lang!" Nagalinlangan ako ngunit tumango nalang at umupo muli.
"Levi! Rest tayo!" Napasinghap ako.
Huwag titingin, Jess maghunos dili.
"U-umm." Napatingin naman ako ng may magsalita sa harapan ko. Teka, Captain to ng basketball team. Yung kasama ni Che noon sa bar!
Tumingin ako sa kanya, hinihintay ang sasabihin.
"I'm Trev, yung friend ni Che." Saad nito habang kumakamot sa batok.
"Wala siya, pinatawag." I coldly said and continued reading.
"Sinabihan na ako na mahirap kausap, 'di naman sinabi na literal na robot." Bulong nito na narinig ko agad.
"Ano?" Pagkukunwari kong tanong ng may kunot-noo.
"Ah, ano. Sabi kasi ni Cherry, kailangan mo ng model?" Oh. I looked at him from head to toe. Now, I understand.
"Upo ka." Saad ko at pinaupo siya sa tabi. Inilabas ko ang ballpen at papel ko.
"Anong height mo?" Saad ko habang pinupusod ang buhok ko.
Hinintay ko ang sagot nito ngunit wala akong narinig. Tinignan ko ito ngunit nanatili itong nakatingin sa buhok ko.
"Height?" Saad ko ng medyo mas malakas.
"A-ah, 61." Umayos ito ng upo.
"Weight? "
"55 kg." Hmm, okay lang. Tinignan ko ito, sakto ang katawan. Mas busty lang si Levi- ah teka!
Umiling ako, bakit nanaman siya nasali?
"May mali ba?" Kabadong saad nito. Napatawa ako, he looks like hes talking to the dean.
"Wala, don't be too tense. Loosen up." I said, chuckling.
"Hay, kala ko may mali na." Saad nito at tumawa rin.
Inilabas ko ang tape measure ko at sinenyasang tumayo.
"Dito talaga? "
"Bakit? Gusto mo sa loob?" Saad ko, kailangan ko nang makuha ito dahil sisimulan kona mamaya ang mga disenyo.
"Hindi, dito nalang." Saad niya at ngumiti.
Inuna ko ang balikat nito, he has broad shoulders. Pagkatapos ang kamay, at ang bewang. Ibinalot ko ang kamay ko sa kanyang bewang, wow his tummy is hard.
"Aray!" Nagulat nalang ako ng may tumamang soccerball sa amin. Tumingin ako sa field at hinanap ang nagbato nito.
"Sorry po, out." Saad ng isa ngunit nagtaka ako. Ang soccer ay pasipa, kaya sa baba dapat galing ang bola. Ngunit sa taas ito nanggaling.
"Ingat nalang, pre. May babae dito." Saad ni Trev at hinarangan ako sa lalaki.
"Makabakod hah." Rinig kong bulong nito bago tumakbo.
"Sorry for that, Jess. Are you okay?" Saad nito at sinipat ako.
Tumango ako at tumunog ang phone ko. Andiyan na sundo ko.
I gave him my phone, "Bakit?" Takang tanong nito.
"Number mo, I'll contact you nalang." Tumango ito at nagsimulang magtipa.
"Okay na, alis na ako. Salamat." Saad ko at bumaba sa bench. Nakasalubong ko ang mga umiinom ng tubig na players sa may baba.
"Lev, baka malunod ka." Rinig kong saad ng isa ngunit di ko nalang pinansin.
"Jess!" Shit. Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ko mula sa player kanina.
Dahan-dahan akong lumingon at itinaas ang kilay. "Ano?" Saad ko.
"Anlamigg!" Saad ng ilan at nagkunwaring giniginaw. I rolled my eyes.
"Alis na ako." Saad ko at tatalikod na sana ng tawagan ako muli.
"Boyfriend mo yun?" Saad nanaman ng makulit na ito kaya mas nainis ako.
"Pakialam mo?" Inis na tinignan ko ito ngunit siya'y nanatiling nakangiti.
"Naku, sagutin mo nalang. Baka hindi na bola ang maibato ng isa." Saad niya ng may nakakalokong ngiti , lito ko itong tinignan.
"Ano?" I confusedly said.
"Back to practice." Maawtoridad na saad ni Levi at tumayo na.
"Volleyball ba practice natin, Cap?" Tumatawang sumbat nitong isa at kinindatan ako bago tumakbo palayo.
ESTÁS LEYENDO
A Line without a Hook
Novela JuvenilCOMPLETED She was a model student, everybody likes her but she doesn't like herself. She never had the confidence to show herself and what she feels. He is an unsure person, he never needed validation and always do what he wants to do. He was known...
