Natigilan ako nang mapagtanto kung ano mga sinabi niya.

Napawi ang ngiti ko.

I stared at her and raised my brow. "Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa tulad mong mapanghusga at pakialamera. Ano po, okay na ba? Ano next step ko for this day? Iyon ang kelangan mong sabihin sa akin dahil 'yon ang trabaho mo, hindi ang maging chismosa. Hindi ko nga tinanong sayo kung problemado ka ba kasi haggard mukha mo, ngayon pa lang. Ayon pala pinoproblema mo kasi pati problema ng iba kaya ganiyan hitsura," litanya ko.

Akala ko ay hahaba pa 'yon at handa naman ako pumatol pero agad siyang pinalitan ng ibang staff. Halos mapairap ako sa inis. Ang lakas manghusga, hindi naman alam ang pinagdaanan ko. Pati pananamit ko dinamay pa sa maagang pagkabuntis. Clothes would never be enough to define someone. Siya nga, propesyunal kung makapanamit, bunganga naman at isip, talo pa walang pinag-aralan.

Mabuti na lang no'ng pumila na ako para sa uniform ay kumalma na ako. Medyo mahaba ang pila dahil may kasabay yatang ibang grade level. Ramdam ko ang maraming mata na nakatingin sa akin. May mga nakapila naman na magulang at guardian kaya naisip ko na dahil siguro sa kagandahan ko kaya ako tinititigan. Matapos makakuha ng uniform ko ay tumambay ako sa canteen para maghintay at magpahinga.

I bought a bottled softdrink while waiting for the releasing of my registration form. Nangalumbaba ako habang iniisip ang mga posibleng pangyayari habang nag-aaral ako. This is a private school, dito ako pinapapasok ni Poseidon. Umaasa ako na walang mga bully rito. Hindi naman ako takot, lalo na kumpara sa mga magiging classmate ko ay mas matanda ako. Gusto ko lang maging payapa ang pag-aaral ko. Ayoko ng gulo at mga peste.

Mabilis naman na-release ang form ko. Napasimangot ako nang makita ang nakalagay roon na apelyido ko. Figueroa. Ayoko nito. I want to get rid of my father's surname. Ayokong magkaroon pa ng koneksyon sa kaniya. Sa tao na inasahan kong aalagaan ako at poprotektahan. But those hands of the man who promised to love and protect me are the hands that hurt me. I experienced hell from it. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Hindi ko makakalimutan ang mga suntok, sampal at sipa na natanggap ko sa kaniya. I would never forget how he grabbed my hair then hit my head on the wall. Na ang mga dugong dumaloy sa ulo ko ay hindi naging sapat para tumigil siya. I would never forget how he hit me with the metal of his belt. I would never forget how he hurt me despite of my hopeless and painful cries.

Sino ang makalilimot sa gano'ng halimaw? Na hindi na ako kinausap at kinumusta kahit kailan mula nang dumating ang bago niya. At ang oras na pupuntahan niya lang ako ay kapag sasaktan niya na ako. His brown eyes that used to look at me with so much love, adoration and care became emotionless. Mata iyon ng demonyo dahil walang awa kahit pa nakikita kung gaano na kalala ang lagay ng patpatin kung katawan noon.

And that evil stepmother of mine. Kahit anong tago ko para mailigtas ang sarili mula sa kamay ng demonyong ama, siya mismo ang nagdadala sa akin sa lalaking 'yon para saktan ako. When she got tired of chasing me and looking for me, she tied me in the basement. Pareho silang walang awa. Mas masahol pa sa demonyo.

I am so mad at them. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nakita ko sila muli. That is why I don't want to see them, ever again. Even just a glimpse of them. 

I flinched hardly when someone touched my shoulder. Nanlaki ang mata ko at naitulak ang may-ari ng kamay. When I looked up, I saw the familiar pair of dark blue eyes. Nasapo ko ang dibdib at kinalma ang sarili. 

"N-nabigla ako, sorry!" I said and tried to smile.

With his furrowed brows, it seems like he is not convinced.

"Are you okay?"

I nodded. Iwinagayway ko sa may mukha niya ang papel na hawak ko.

"Enrolled na ako. Narito na rin uniform ko." Ipinakita ko sa kaniya ang dala kong plastic bag na naglalaman ng unform ko. I beamed at him. "Excited na ako pumasok next week! Bakit ka pala pumunta rito?"

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon