"Oo nga. Ang ingay n'on. Ang OA. Bakit nga pala 'yun pinugutan ng ulo?" tanong ng pangalawa.

"Hindi matamis ang binibentang mangga," sagot n'ong una saka humalakhak.

Naikuyom ni Fenris ang kanyang mga kamay. Last year? Last year, she worshipped that bastard.

She had no idea.

"Five Knights," bulong ni Reid na mabilis na sumilip.

Nagkatinginan ang mga kasama ni Fenris na para bang nagkaintindihan ang mga ito. Pero bago pa man niya makuha ang nangyayari ay nawala na sa tabi niya si Linus kaya mabilis siyang napasilip.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang napakabilis na kilos ni Linus at halos hindi na niya ito masundan ng tingin. He grabbed two men at pinag-umpog nito ang mga 'yun. The remaining three attacked Linus at the same time using their long swords but he was too fast. He moved like water. Napaka-fluid ng kilos nito nang umilag sa tatlong espada. He extended his right hand and grabbed the neck of one of the Knights. Wala pang isang segundo at nabali na iyun.

Napaatras ang dalawa. They looked terrified.

"K-Knight Blood, a-ano'ng ginagawa mo? Magkasama tayo. We are the same," anang isa.

Mas tumalim ang tingin ni Linus sa dalawa. "I am not like you. I don't kill innocent people."

One swift move and Linus burried his fangs on both of the men's necks. Wala nang buhay ang mga ito nang bumagsak. Linus looked so satiated as blood trickled down his chin.

Bumalik si Fenris sa pagtatago sa gilid ng van. What did she just witness? Ganito ba talaga si Linus?

He looked like... a monster.

Hindi n'ya maiwasang makaramdam ng takot. He could kill her with a snap of his fingers.

"Let's go," untag ni Reid sa kanya kaya gulat na napatitig si Fenris dito. At nang tumayo ito ay wala sa sariling sumunod na lamang siya.

Nakatitig lang ang dalaga sa likod ni Linus habang nasa unahan nila ito. He was so different from her.

"We're here," mahinang sabi ni Linus at saka lang napansin ni Fenris na ilang dipa na lang ang distansya nila mula sa building na pag-aari ng asawa ni Maryan.

The lobby was abandoned when they entered the building. Sana naman walang pagala-gala na Knight or witch dito. Sumakay sila ng elevator at agad ni pinindot ni Linus ang floor ng penthouse. Sa pagkakaalam ng dalaga, itong elevator na ito ay hindi tumutuloy sa penthouse nang walang code.

"Just be alert. I can't hear anything in this building but we still need to be vigilant," ani Linus.

"Got it," sagot ni Reid.

Hindi sumagot si Fenris. Nakikiramdam lang siya sa paligid. Lalo na kay Linus na focused na focused sa pinto ng elevator. Ni hindi siya nilingon nito kahit na nakatayo lang ito sa kanan n'ya habang nasa kaliwa si Reid.

Then they heard the ding of the elevator. Mabilis silang lumabas, weapons out and ready. Well, except Linus who went right to a door.

"This is Yani's storage," anito. Nakita ni Fenris ang floor to ceiling na shelves sa bawat dingding ng silid na 'yun. Punung-puno ng kung anu-anong mga anik-anik ang storage room na 'yun. May iba't ibang laki at kulay ng nga kristal, may mga natuyo nang mga dahon, may mga patalim, mga feathers.

The Knights of St. HarfeldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ