“Anong sinabi mo?”
“WALA!”
“Eh bakit mo ko sinisigawan?! Ikaw na nga ‘tong binalikan ko diyan.”
“Ah, utang na loob ko pa pala sa’yo yun. Edi wow. Si Seth, nagka-sprain, di makalakad. O ano na? Tara na.”
Naiinis ako! Sana nadelay man lang yung pagdating niya ng kahit 5 minutes.
Hindi siya kumibo ng ilang segundo, saka niya sinabing:
“Fine. But you know what? Next time you run into a mess, don’t expect me to be there.”
And with that, narinig ko na tinutulungan niya si Seth tumayo. I’ve been bad, alam ko. Pero if you were in my position, andun na eh. Hinihintay ko na lang ang sagot ni Seth. Nabigla lang naman ako.
At hindi ko alam kung dahil sa pagkabigla ko na yun, kaya may kumirot sa may puso ko nung sabihin niya sakin yun. Magso-sorry nalang ako sakanya mamaya.
Lumabas na ako at hinintay sila sa may labasan. Walang nagsasalita sa amin. Paglabas nung dalawa, habang sinusuportahan pa din ni Chris si Seth, napansin ko na basang basa siya.
Bakit kaya? Malakas ba ang ulan kanina? Umaabon lang naman ah.
“Nasaan si Raizza? Napansin mo ba siya?” Tanong ni Seth kay Chris.
Kahit sinabi ko na ang totoo, si Raizza pa din. Kung sabagay, kahit ako man yun, na may biglang magsasabi na may karelasyon ako na di ko maalala, sigurado hindi rin ako maniniwala agad. Pero hindi ako susuko!
“Nasa port na.” Maikling sagot ni Chris.
————————————
Pagdating namin sa port, tumakbo agad si Raizza kay Seth, sabay yakap.
“Okay ka lang? I’m sorry, akala ko ikaw si Chris kaya siya yung nahatak ko nung nagkagulo ang mga tao. I’m so sorry.” At kung hindi pa ba naman medyo masakit ang ginagawa nila, eh hinalikan niya pa si Seth sa harap ko. Tumingin ako sa paligid para hindi ko makita ang pagmamahal nila sa isa’t isa kasi feeling ko sasabog ang dibdib ko sa selos.
Napahinto naman si Raizza ng mapansin ako sa likuran nung dalawa. Lumapit siya sa akin.
“I’m glad you’re okay.” Panimula niya, tsaka niya ako niyakap at sinabing: “Buti nalang at mahal na mahal ka nitong si Chris at kahit sobrang lakas ng ulan kanina, tumalon siya pababa nung tour bus nung ayaw na siya pababain, mabalikan ka lang.”
Nabigla ako sa sinabi niya at automatic napatingin ako kay Chris na tumitingin buong paligid, maliban lang sakin. Ang sama pala talaga nung ginawa ko. Kung ako din yun, maiinis din ako sa sarili ko.
Pagakyat namin ng boat pabalik sa Manila Bay, napansin ko na same pa din ang upuan naming lahat. So nakaramdam na ako ng awkwardness. Syempre, nakokonsensya kaya ako sa ginawa ko sakanya. Humarap ako sakanya at napansin ko na naka-earphone siya.
Kinalabit ko siya at ni hindi man lang siya humarap sakin. Naku, patay na. Bumalik na naman si Chris sa pagiging suplado niya. Kinalabit ko pa din siya at hindi niya pa rin ako pinansin, kaya nagsalita na lang ako.
“I’m sorry, Chris. Ako yung mali, alam ko. Kanina, sinabi ko na sakanya na ako yung girlfriend niya, yun yung time na pumasok ka. Pero sa inakto niya kanina, mukhang hindi pa din siya naniniwala. Kaya, salamat. Salamat at dumating ka bago pa ako napahiya. Salamat at binalikan mo ako.”
Alam ko naman na hindi niya ako naririnig, pero kinailangan ko lang talaga sabihin sakanya yun.
Matapos ang ilang minuto, nakakaramdam na naman ako ng hilo. Pinikit ko ang mata ko para pigilan ang pagduduwal, at di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nung may kumakalabit sakin na babae.
“Miss, gising na po. Andito na po tayo, nagbababaan na po yung iba.” sabi nung crew nung ship na sinasakyan namin.
Napatingin ako sa paligid, wala na halos tao, nandun na sa may pinto pababa. Pag tingin ko sa tabi ko, wala na si Chris. Iniwan lang ako na natutulog, hindi man lang ako ginising. -________-
Tatayo na sana ako nung may napansin ako na nalaglag. Pinulot ko ito nung nakita ko kung ano yun.
Origami ng isda. =)
At kung natuwa ako nung nakita ko ito, mas natuwa ako nung pagkuha ko nito, nabasa ko na may nakasulat sa gilid nito.
Don’t forget.
Tumakbo ako palabas ng boat at hinanap ko si Chris agad. Naabutan ko naman siya na pasakay ng kotse niya.
“Chris!” Sigaw ko sakanya.
Huminto naman siya pero hindi siya humarap sa akin. Nung makalapit na ako, tsaka lang ako nagsalita at niyakap siya patalikod naramdaman ko naman na nanigas siya.
“Salamat. I won’t forget. Kung kinakailangang kidnapin ko siya maalala niya lang ako, I will!”
Hindi sumagot si Chris, as expected, pero natuwa ako nung sinabi niya na:
“Sakay na.”
“Naku, wag na nakakahiya. Magta-taxi na lang ako pauwi.”
“Sakay na sabi eh.”
“Kaya ko na umuwi magisa, Chris. Wag ka magalala, ikaw talaga.”
“Sino may sabi sayo na ihahatid kita. Di mo ba nabasa text sayo ni Brent? May practice ngayon, emergency.”
DU LIEST GERADE
After Everything Has Changed.
Romantik“Tatlong taon. Sa tatlong taon na yun, parte ka ng kung sino ako. Bawat hinga ko, bawat kilos ko, kahit saan ako magpunta, hindi kumpleto pag wala ka. Para kang parte ng katawan ko. Di ako mapakali pag may mali, pag may kulang. Sa pang apat na...
