Chapter Nine

61.9K 889 8

CHAPTER NINE

ZAYL'S POV

"Good evening. A- ako 'yung... yung.." Hindi ko masabi ng diretso.

Mabuti na lang at nagsalita na 'yung lalaki.

"What's your name again?" Tanong niya nang nakatalikod pa rin.

Sinabi ba ni Bianca ang pangalan ko? Puwede namang hindi na. Hindi ko nasabi sa kanya na maggawa- gawaan na lang ng pangalan. Pero siguro tiningnan nung lalaki ang background ko para masigurong hindi ako masamang tao. Sana hindi niya nalamang may sakit ako. Hindi naman siguro.

"Zayl, Zayl Rodriguez." Sabi ko.

Magsisinungaling pa ba ako eh malapit na akong mamatay.

Ipinatong nung lalaki ang baso sa mesa at umikot paharap sa akin.

Medyo madilim pero sapat na ang liwanag na nandito para maaninaw namin ang isa't isa.

Napatitig ako sa kanya habang nanlalaki ang mata. Kilala ko siya! Hindi ako nagkakamali, kahit matagal ko na siyang hindi nakikita, alam kong siya 'yun. Gulat na gulat ako. Kaya pala medyo pamilyar ang boses.

Sa mga oras na ito, parang gusto ko ng maglaho ng parang bula.

Siya nga, si Jack Santaniel!

"Zayl Rodriguez." Ulit pa niya sa pangalan ko.

Lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ko dahil mas lalo akong nakasigurong siya nga si Jack.

"Jack....?" Mahina kong sabi.

Gusto ng pumatak ng luha ko pero pinipigilan ko.

"Bakit mo ginagawa 'to? Ano'ng nangyari sayo sa America?" Tanong niya.

Hindi ko na napigilan na bumagsak ang luha ko pero agad ko itong pinahid. Hindi ako makapag- salita. Hindi ko 'to napaghandaan. Hindi ko inaasahang magtatagpo pa kami. Nakakahiya, sobra!

"Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ni Jack.

"W- wala na sila. Kamamatay lang nila. Naaksidente sila sa America." Sabi ko pero 'yung luha ko tuluy- tuloy pa rin sa pagpatak habang pilit kong inaayos ang pagsasalita ko.

Hindi ko alam kung bigla siyang naawa o talagang nag- alala siya sa biglang pagbabago ng reaksyon niya. May pakialam pa ba siya sakin?

"I'm sorry to hear that pero hindi ko pa rin maintindihan.Why are you doing this to yourself?! Are you out of your mind?!" Singhal niya sakin.

"Hindi mo ako maiintindihan dahil wala kang alam sa pinagdadaanan ko ngayon!" Hindi ko na rin mapigilang mapasigaw dahil na rin sa bigat ng nararamdaman ko.

"Then, tell me para maintindihan ko." Sabi niya sa mababang tono.

"I have to go." Iyon lamang ang nasabi ko at akmang aalis na ako nang magsalita siya.

Wala akong balak sabihin sa kanya, wala.

"Ganyan ka naman eh, kapag hindi mo na kayang makausap ang isang tao, bigla ka na lang nagwa- walk out. Minsan, sana maisip mo rin na hindi kailangang mang- iwan kung may problema ka." Sabi niya.

Shit. Naalala ko na naman 'yung nakaraan. Nung nakipaghiwalay ako sa kanya. Alam kong pinatatamaan niya ako dun. Napapikit ako at nagpahid ng luha atsaka nagtuluy- tuloy na sa paglabas. Iyak ako ng iyak sa loob ng elevator hanggang sa taxi at hanggang sa makauwi ako mag- isa.

Gusto kong komprontahin si Bianca. Bakit niya ginawa sa akin 'yun? Tatawagan ko siya. Hindi ako mapakali sa nangyari.

"Pumunta ka sa bahay ngayon pakiusap." Hindi na ako naghintay ng sagot niya, pinagpatayan ko na siya ng cellphone.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!