Chapter 9

62.2K 894 7

CHAPTER 9

Simula noon madalas na kaming magkausap sa cellphone at madalas ding magkita hanggang sa makilala na namin ng lubos ang isa't isa. Mabuti na lang at walang alam ang mga magulang namin sa pagkaka- mabutihan namin noon ni James dahil nalaman naming magkaaway pala ang mga magulang namin. Kaya mas pinili naming itago na lang hanggang sa naging kami, hanggang ngayon.

"Gusto mo bang tulungan kita?" Natauhan naman ako nung magsalita si Mark.

Kanina pa pala akong nakatitig sa alimango habang inaalala ang nakaraan.

"Hindi na, kaya ko na." Sabi ko na lang.

Pagkatapos naming kumain ay napag- kasunduan nina Karren at Mark na pumunta sa isang club. Nung una ayaw ko pero napilitan na ako dahil nangulit si Karren. At syempre pumayag na rin si James.

"Umiinom ka ba Crystal?" Tanong ni Karren sakin nung nasa club na kami.

"Hindi siya umiinom, Karren." Sabi ni Mark.

Ngumiti naman ako at napatingin kay James. Hindi ko na mabasa ang mga nasa isip niya. Hay parang gusto ko na ngang uminom.

"Kahit cocktail? Sige na ngayon lang naman eh?" Sabi ni Karren.

"Huwag mo na siyang pilitin." Napatingin ako sa nagsalita.

Si James ang nagsalita.

"Ano ka ba, konti lang naman. And besides may maghahatid naman sa kanya. Di ba Mark?" Narinig kong sabi ni Karren.

Ayaw talaga siguro akong painumin ni James. Alam niya rin kasing hindi talaga ako nag- iinom eh. Pero nahihiya akong tumanggi kay Karren.

"Okay sige konti lang." Sabi ko ng nakangiti. Bahala na.

Nung napatingin ako kay James, matalim na naman ang tingin niya sakin.

"Cheers!" Sigaw ni Karren samin nung medyo talab na 'yung mga iniinom namin.

Actually, kami lang yata ni Karren ang talab. Si Mark ngumingiti lang pero si James kanina pang seryoso. Grabe nakailang bote na ng sanmig light si Karren pero ako hindi ko pa nauubos ang isang basong cocktail. Medyo talab na rin nga ako pero tahimik lang ako kasi kailangang mag- behave.

"Are you okay?" Tanong ni Mark sakin.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Excuse me, magc- cr lang ako." Sabi ni Karren.

"Karren, sasabay na ako." Sabi ko.

Naiihi na rin kasi ako at ayaw ko ring maiwan kaming tatlo.

"Sige halika." Sabi ni Karren sakin.

"Ay may tao pa." Sabi ni Karren nung makarating kami sa may labas ng cr.

"Crystal, ano? Masarap ba ang cocktail?" Tanong niya sakin habang naghihintay kaming may lumabas ng cr.

Tumango lang ako at ngumiti kahit ang totoo ay napapaitan ako sa lasa.

"Mapagkakatiwalaan ka ba?" Maya- maya'y tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya.

"Huh?" Sabi ko na lang.

Ngumiti siya at nagsalita.

"Ang hirap palang magpanggap." Sabi niya.

Guilty naman ako doon. Pero bakit ba siya nagsa- salita ng ganun. Nahihirapan na siyang magpanggap na kasintahan ni James I'm sure. Pero mas mahirap naman 'yung pagpa- panggap namin ni James eh.

"Magpanggap?" Patay malisya kong ulit sa sinabi niya.

"Oo. Ang totoo niyan, nagpapanggap lang kami ni James na magkasintahan. Eto kasing si James, pinagpanggap akong girlfriend noon para matigil na daw 'yung trip ng papa niya na ikasal siya sa babaeng hindi niya kilala. And the worst part is, ako pala 'yung babae. Nagulat din ako noon. We have decided na sakyan na lang muna namin sila tutal hindi naman namin pareho gusto." Sabi niya.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!