Chapter Eight

63.9K 999 4

CHAPTER EIGHT

JACK'S POV

Hindi ko matanggap nung iwan ako ni Zayl ilang taon na ang nakaraan. After she broke up with me, nagpapalit- palit na ulit ako ng girlfriend at wala akong sineryoso sinuman sa kanila.  

Lagi akong napapaaway. Kung saan may inuman, nandun ako. Lagi akong niyayaya ng mga kaibigan ko kahit saang bar at minsan may mga schoolmates kami na nandun. Madami silang masasamang sinasabi tungkol kay Zayl. Alam ba nilang kaya kong pumatay ng tao ma- protektahan lang ang babaeng mahalaga sa akin? Kaya madalas akong  mapaaway noon. Ano'ng kasalanan ni Zayl sa kanila para husgahan at maliitin siya at ang pamilya niya? Kahit kailan hindi ko inisip ang estado nila sa buhay.

Simula nung malaman ng mga magulang ko ang mga ginagawa ko, binigyan na nila ako ng warning. Pero nagpatuloy pa rin ako. Minsang umuwi ako ng madaling araw at lasing na lasing, hindi ko alam na gising pa pala si Daddy. Sinadya pala niyang hintayin ako. Nung makita niya ang hitsura ko, napagbuhatan niya ako ng kamay. Hindi ko sinabi sa kanila kung bakit ko ginagawa 'yun. Gusto kong protektahan si Zayl kahit siya ang dahilan ng lahat ng ito.

Minsan kinausap ako ni Mommy, pinayuhan niya ako. Pinilit niyang sabihin ko ang dahilan ng paglalasing ko. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Alam kong maiintindihan ako ni Mommy dahil mahirap lang ang pamilya niya noon.

"Iho, huwag mong sirain ang buhay mo ng dahil doon. Hindi lang dapat sa kanya umiikot ang mundo mo. Tama siya, mga bata pa kayo, madami pa kayong makikilala. Kung 'yun ang gusto ng tadhana para sa inyo, makisakay ka na lang. Ang mahalaga ay hindi ka nagkulang. Move on. Live your life. Kung kayo talaga, Diyos na ang gagawa ng paraan para maging kayo ulit." Natatandaan kong sabi ni Mommy noon.

Natauhan ako doon sa sinabi niya, kaya pumayag na akong  sa ibang bansa na tapusin ang pag- aaral ko. Para na rin makalimot at makapagsimula ng panibagong buhay. Ayoko ring nakikitang nahihirapan sina Mommy ng dahil sakin.

Ilang taon akong nawala sa Pilipinas. Nakatapos ako ng pag- aaral. At nung naisipan kong bumalik, sinabi ko sa barkada ko na babalik ako sa Pinas. Sakto namang online ako, nag- post 'yung sinabihan kong barkada na babalik nga ako. Ewan ko pero na- trip- an kong i- like.

Maya- maya, may nag- message sakin. Tinatanong kung natatandaan ko pa siya at nagbigay ng contact number para tawagan ko at may sasabihin daw siyang importante. Bianca ang gamit na pangalan ng nag- message sakin. Tiningnan ko 'yung picture. Naaala ko na. Siya 'yung matalik na kaibigan noong high school ni... ni Zayl. Ewan ko, pero sa tuwing maiisip ko ang pangalan niya, hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pa.

Bukas. Bukas ako pabalik ng Pilipinas.

..

Nang makabalik ako, dumiretso ako kina Mommy at Daddy para magpakita. Pagkatapos nun, pumunta na ako sa binili nilang condo unit para sa akin. Palagi rin naman akong binibisita nina Mommy nung nasa ibang bansa pa ako.

Naalala ko 'yung kaibigan ni Zayl, na nag- message sakin. Nag- online ako para kuhanin 'yung number sa inbox ko. Nung mailagay ko sa phone ko, nag- isip muna ako kung ida- dial ko nga. Naisip kong baka nga importante kaya napag- desisyunan ko na i- dial na nga.

"Hello?" Sabi nung babae.

"Si Jack 'to." Sabi ko.

Nagpasalamat siya at tumawag ako. Nakikipagkita siya sa akin para makipag- usap. Hindi ba puwedeng dito na lang sa phone? Sabi ko sa isip ko. Sabi niya, importante daw talaga at kung busy daw ako ngayon, kahit daw bukas. Ayoko nang ipagpa- bukas pa. Gusto ko ng malaman kung gaano kaimportante ang sasabihin niya kaya sinabi kong magkita na kami ngayon. Tinanong niya kung nasaan ako at sinabi ko naman, atsaka siya nagsabi ng lugar na pagtatagpuan namin. Malapit lang naman pala kaya umalis na ako sa unit ko.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!