Chapter 8

64.1K 1K 3

CHAPTER 8

Maaga akong pumasok sa trabaho. Nadatnan kong sinesermonan ng manager ang isang empleyado doon sa restaurant na pinagta- trabahuhan ko.

"Nagpa-paalam ka ngayon sakin na hindi makakapasok bukas? Aba, mas madami pa ang araw na hindi mo naipapasok sa isang linggo!" Sabi nung manager.

"Mam pasensiya na po, maysakit po kasi ang tatay ko at walang magba- bantay. Nagsa- salitan lang kami ni Nanay sa pagbabantay. Magtitinda po sa palengke si Nanay bukas dahil mabili po ang paninda niya bukas." Sabi nung babaeng empleyado.

Hindi ko maiwasang marinig samantalang busy naman ang mga kasama ko.

"Iyan na lang palagi ang dahilan mo sa isang buwan mo dito. Maghanap ka ng paraan para makapasok bukas! Hindi puwedeng palaging ganyan." Narinig kong sabi ng manager.

Nagsisimula na akong gumawa pero nag- uusap pa rin ang dalawa.

"Malakas po kasi talaga ang tinda ni Nanay bukas sa palengke mam at malaki ang kita kaya ako na lang po ang pipirmi sa bahay para magbantay kay tatay. Bukas lang po, maawa na po kayo pakiusap. " Sabi nung empleyado.

"Oh please, hindi puwedeng kami ang mag- adjust sayo. Maraming may gusto ng trabaho at anytime puwede ka na naming palitan." Sabi nung manager.

"Mam nakikiusap po ako, kailangan ko po ng trabaho. Huwag niyo naman po akong tatanggalin." Sabi nung empleyado.

"Alam mo ba sa ginagawa mo, nagugulo ang schedule ng mga kasama mo sa trabaho! Bigla- bigla ka na lang magsa- sabi ng hindi papasok, okay lang sana kung isa o dalawang beses mo ginawa pero hindi eh, simula nung pumasok ka dito ganun ka na. Kaya kung hindi ka papasok bukas, huwag ka na ring pumasok kahit kailan!" Iyon lamang at umalis na ang manager.

Tumingin siya sakin at tumango bago umalis. Nakita rin kasi niya akong napatingin sa kanya. Naiwan 'yung kausap nung manager. Nilapitan ko kasi umiiyak.

"Okay ka lang?" Tanong ko kahit alam kong hindi.

"Mam, tulungan niyo po ako, alam kong mali pero huli na po ito, kakausapin ko na po si Nanay. Mahihirapan po akong maghanap agad ng trabaho kapag tinanggal ako dito." Umiiyak niyang sabi.

Naaawa ako. Gusto ko siyang tulungan pero paano?

"Hayaan mo susubukan kong kausapin sila." Bigla ko na lang nasabi.

"Salamat po." Sabi niya.

Sh*t ano ba itong ginawa ko, bakit ba ako nangingialam.

"Miss Mendez, puwede po ba kayong makausap?" Tanong ko dun sa manager. Ka- edad siguro ito ni Mommy.

"Okay sige dito po tayo." Sabi niya.

"Ano po 'yun chef Gomez?" Tanong niya sakin.

"Tungkol po doon sa pinagsabihan niyong empleyado kanina. Baka po puwedeng bigyan pa natin siya ng second chance?" Sabi ko.

Alam kong bago lang ako dito kaya dapat kong igalang ang desisyon niya pero wala namang masama kung makikiusap ako.

"Chef, ilang beses ko na siyang pinagbigyan pero paulit- ulit lang naman ang ginagawa niya." Sabi niya.

"Pero maysakit po ang tatay niya at kailangan niya ng trabaho." Sabi ko.

"As I've said, hindi dapat trabaho ang nag- a- adjust sa kanya. Kailangan po natin ang mga taong mas makakatulong dito sa restaurant. Marami pang ibang aplikante ang naghihintay para magka- trabaho." Sabi niya.

"Pero nangako naman po siya na huling beses na daw ho ito." Sabi ko.

"Chef, trabaho po nating mapaunlad ang restaurant at kailangan natin ng magagaling na tauhan para magawa ito. Hindi mo 'yun magagawa kung maaawa ka sa mga taong hindi naman kawalan dito. Excuse me po." Sabi niya at umalis na.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!