As promised... Sorry late nga lang:) I dedicate this chapter to you, kayeballeta8:) Thanks for your support:) 

___________________________________

Karina

Pagpasok niya sa sala ng kanilang bahay, nangiti agad siya ng nakita. Patakbo siyang lumapit at yumakap sa nakatalikod na lalake. Pinagsiklop pa niya ang mga kamay sa dibdib nito at idinikit pa niya ang pisngi sa likod nito.

            "I knew it, uuwi ka din."

            "Na-miss mo na ba agad ako?"

            Napakalas siya ng yakap. Iniharap niya ito sa kanya at parang gusto na naman niyang maiyak ng makitang hindi pala ito ang inaasahan niyang dumating. Hindi iyon si Ethan.

            "Akala ko." Malungkot na sabi niya.

            "Akala mo 'yung asawa mong basagulero?" Tanong ni Nathan.

            "Don't call him that." Inis na lumayo siya rito at umupo sa long couch.

            "Anong gusto mong itawag namin sa kanya? Professional Boxer?" Sabad ni Jaime na kasunod niyang pumasok kasama si Katrina.

            "Isa ka pa!" Inirapan niya naman ang kanyang bayaw.

            "Karina, I saw what you did. Good thing it was not Ethan. How could you embraced him with open arms?"

            Wala siyang maisagot sa kapatid. Somehow, Katrina was right. Dapat hindi nga ganoon ang reaksyon niya pero kanina, iyon ang sa sinsabi ng instinct niya na gawin niya.

The hell with her pride!

Gusto niyang iparamdam kay Ethan ang kaligayahan at pagmamahal sa pagtupad nito na pangakong uuwi ito kahit anong away pa ang mamagitan sa kanila.

"Oo nga, yayakapin mo agad?" Sabi ni Nathan sa tonong inis. Umupo ito sa tabi niya.

Hinampas niya ito sa braso. "You sounded as if it was a crime."

"Oo, it's crime not to love yourself first. Asan naman ang self respect mo kung pagkatapos kang iwan ng asawa mo over his friend, tatanggapin mo agad siya na parang walang nangyari."

Ouch! Nathan nailed it right straight to her heart.

"You should have at least sugar coated it, you brute!" Tukoy niya sa walang pasintabing pagsasalita nito sa kanya. "You weren't here when it happened, papaano mo nalaman?"

"I called him and told him what your husband did to you." Jaime admitted.

Inirapan niya muli si Jaime.

"Kaibigan mo ako kaya kailangan sabihin ko sa iyo ng diretso para magising ka. Ilang beses ka na bang sinasaktan ng lalaking 'yan? Pakawalan mo na." Dagdag pa ni Nathan.

"Nate, huwag naman ganoon. Asawa pa rin naman siya ni Karina." Katrina disagreed. Her sister sat on the single couch. "But Kari hear his explanation first on why he did that to you and don't forgive him just yet."

She knew Kat and Nate were right but all these talks were useless. Wala naman si Ethan. Walang kailangang patawarin at hinggan ng paliwanag. Wala pa rin ito hanggang ngayon.

Nagbanta na namang bumagsak ang panibagong luha sa kanyang mga mata.

"See, how much your feelings for him affected you?" Inis na sabi ni Nathan.

Pero magkaganoon man, umusog ito palapit sa kanya para maakbayan siya. At mabilis naman na niyakap niya ito sa bewang.

"Nate I love my husband so much. I really do." She started to cry on his chest.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!