Matagal-tagal na rin ako no'ng huli kong sakay sa isang pribadong kotse. Ang huli ko ay noong buhay pa si Mama. Wala namang kaibahan 'to sa taxi, pero nakakapanibago pa rin.

Tinapik lang ako ni Maria, kaya naman medyo nahimasmasan na ako.

Kinakabahan ako, pero pakiramdam ko ay maayos lang naman kami. Andito rin naman si Maria kaya alam kong ligtas ako sa kapahamakan.

Tumingin lang ako sa labas ng bintana para naman maibsan ang pagkaka-inip ko.

Hindi ko nga pala alam kung saan kami pupunta, pero pamilyar naman sa akin ang dinadaanan namin kaya ayos lang. Wala pa rin akong ideya kung ano ba ang ginagawa ko rito at tinatawag ako ng Mayor. Hindi naman nakasaad sa papel na kakausapin ako ng Mayor, pero ano'ng kailangan niya sa akin?

Paano niya ako nakilala? Imposibleng ako ay kilala ng isang tanyag na tao. Kung ikokompara sa kanila, wala lang ako.

Huminto kami sa isang pamilyar na lugar. Dito nagkakaroon ng mga kaganapan sa lugar namin. Isang sikat na hotel kung saan napaka-prestiliyoso lamang ang nakakapunta.

Bumaba si Jackson sa kotse at agad kaming pinagbuksan. Sumunod naman ako sa baba at yumuko bilang pag-papasalamat.

Kinuha ng valet ang susi ng kotse, habang iginiya naman kami ni Jackson papasok ng hotel. Nakasunod lang sa likod namin ang mga kasama niyang lalaki na wala man lang kibo.

Pumasok kami sa isang pribadong silid kung saan pwedeng ganapin ang isang pagpupulong.

"Maupo kayo," tinuro ni Jackson ang silyang mayroon.

Inikot ko ang tingin ko. Malaki ang espasyo. Malinis at hindi masakit sa mata ang kulay na kulay kayumanggi.

Umupo ako sa isang silya habang umupo naman sa tabi ko si Maria. Sa harap namin pumunta si Jackson at doon umupo, habang ang ibang mga lalaki ay nakatayo lamang sa may pinto.

Umubo si Jackson na naging sanhi upang mapunta sa kanya ang aming atensyon.

"I won't make this long. The Mayor of the City is asking you, Ms. Fabia–" tinaas niya ang kanyang kamay. "–to work for him," pagpapatuloy niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng sinasabi niya?

Bago pa kami makapaniwala ni Maria, nagpatuloy si Jackson sa pag-uusap. "This is sudden, but you must know that the Mayor hires girls to sing for them, and we've been eyeing you for a while now."

"T-Teka, paano niyo ako nakilala?" Ang kaisipan na may nagbabantay sa akin ay nakakakilabot. Hindi ko man lang naramdaman na may nagmamasid na pala sa akin. Gaano katagal na ba nila akong pinagmamasdan sa malayo?

"Because of your Mother, Ms. Fabia. She's a great musician and she once worked with the Mayor when he was still a representative."

Napatango ako. Hindi ko na maalala. Madami ang taong nakakasalimuha ko na kilala si Mama dahil nag trabaho siya sa kanila noon. Kaya siguro hindi na ganoon kasurpresa sa akin na kilala ng Mayor si Mama.

"Hmm... what do you think, Viana?" Siniko ako ni Maria at bumulong. Napatingin ako sa kanya, pero agad din naman napaiwas ng tingin.

"Should I explain further?" tanong ni Jackson na agad kong ikinatango. "By accepting our terms, you will live at the Heights House, together with some of the recruits. Of course, you'll still go to school, and the Mayor will shoulder your expenses. The work is on Monday until Thursday, and by Friday, you can go home, but be sure to go back by Sunday evening."

Nagkatinginan kami ni Maria.

"You will still receive a salary with working, and that would be 5,000 pesos a week. There will be schedules, and you will also be given an allowance for school. This consist all the details about the job."

Glamanour HeightsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ