Chapter 2: Missing... Pet?

6K 92 6

A/N:

Hayyyyyss..... ayun... so ito na ang 2nd chap alam kong nabo-bore na talga keu sa story na 'to pero talgang magiging excited na to sa sususnod na mga chap kea pag pasensyahn lng ng konti ano??  hehehe

 

anywhoo.. here it goes enjoy!!!

 COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL

(RINA POV)

“THIS is flight 108 domestic flight from Ilocos to Manila of AE Airways has landed. Please take off your seatbelt and be guided by our crew thank you.”

Nakahinga na rin saw akas ng maayos si Rina saka niya tinanggal ang earphone na nakapasak sa tenga niya bago may lumapit sa kanyang isang flight attendant at ito ang nagtanggal ng seat belt niya bago inabot sa plane compartment ang backpack niya. Iyon lang naman kasi ang madalas niyang dalhin tuwing naga-out of town siya. Ayaw kasi niya ng masyadong maraming bitbitin.

Matapos niyang isukbit ang kanyang bagback sa balikat ay saka naman niya binuksan ang iphone niya na tadtad ng messages at missed calls mula kay Marlon. Sigurado siyang kaninapa 'yon naiinip sa pagaantay sa kanya dahil na-delay ang flight niya ng halos isang oras.

Hindi tuloy niya mapigilang mapangisi nang makita nga niya ang binata sa arrival area. Nakakunot noo ito at animo anumang oras ay papasabugin na ang buong airport dahil sa mga tingin nito. Hindi tuloy niya masisi ang ibang mga tao kung bakit pilit ng mga ito iniiwasan ang binata. With his looks he look like a model but with his face right now mas more on mukha itong papatay ng tao.

“Ba’t ba ang tagal ng lintik na eroplano na yan mag-land?” naiiritang tanong nito sa kanya nang makalapit siya rito.

“Hello to you too.” She said sarcastically before she walked forward and she knows even that he just irritably rolled his eyes on her.

Isang magarang Chevrolet Camaro ang nakaparada sa mismong labas ng arrival area at hindi niya mapailing kahit kalian talaga ang hilig ng mga ito sa show off. Sa malamang at sa hindi ay may binayaran itong tao para hindi na  mag-park pa sa parking lot. Kahit kalian talaga ang katamaran nito walang kupas. She sigh before she slide on the car’s passenger seat.

“San tayo?” 

Pinagtaasan muna niya ito ng kilay bago sumagot. “Sa mansion, saan mo naman ako sa tingin mo pupunta?”

He just shrugs. “Malay ko ba kung gusto mong pumunta sa Palace.” Ang palace na timutukoy nito ay ang Majestic Palace na café and restaurant na itinayo nila ni Reese mag ka syoso silang dalawa roon at madalas na nandoon ang kaibigan.

“Saka ko na langsiya pupuntahan. Iuwi mo na muna ako.” Hindi man niya aminin ay talagang pagod na siya galing sa byahe.

My Midnight Kiss (MBIAV 2)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!