Chapter 1

3.5K 122 27
                                    

"Ate! Ate! May naghahanap sa'yo bilis!" excited na tawag sa akin ng kapatid ko.

"Sandali lang Allejo at may hinahanap din ako." Sagot ko sa kapatid habang kinakabahan na sa paghahanap nung alkansya ko.

"Ate, ano bang hinahanap mo?" tanong ni Allejo at tinulungan na rin ako sa paghahanap.

"Yung alkansya ko Allejo. Nakita mo ba kung nasaan? Ang alam ko kasi ay nilagay ko iyon sa pinakatuktok ng tokador pero wala naman dun."

"Ate yung kulay brown ba 'yon?"

"Oo! Nakita mo ba kung nasaan?" excited na tanong sa kapatid.

"Ate nung isang araw pumasok dito si Tiya Lia at may kinuha siyang kulay brown na lagayan. Hindi ko kasi alam kung ano yun kaya pinabayaan ko nalang." saad nito.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabing iyon ng kapatid ko. Nasa alkansyang iyon lahat ng naipon ko sa mga raket ko. Napakalaking halaga na ang naipon ko don!

Agad akong lumabas sa kwarto namin ni Allejo at patakbong pumunta sa likod ng bahay kung saan nagsusugal sina Tiya Lia.

"Tiya, nasaan yung alkansya ko?" mahinahon ngunit mariing tanong ko sa kanya.

"Doon ka nga muna Ale at natatalo na ako dito." taboy niya sa akin habang nakatingin sa mga barahang hawak niya.

"Tiya, nakita daw kayo ni Allejo na kinuha ang alkansya ko, saan niyo po iyon inilagay?" mariing tanong kong muli.

"Ang ingay naman Lia, paalisin mo nga yang pamangkin mo, hindi ako makalaro ng maayos." wika ng kasama nitong nagsusugal.

"Mamaya na tayo mag-usap. Umalis ka na muna dito." Medyo inis ng sinabi ng tiya ko.

"Hindi ho ako aalis hangga't hindi niyo sinasabi kung asan ang alkansya ko." Wika kong muli.

"Bwesit na bata to! Wala na yung alkansya mo! Kinuha ko na lahat ng laman at ipinambili na ng mga kailangan sa bahay! Natalo ako nung isang araw kaya iyon muna ang pinambili ko. Okay na?!" bulyaw nito.

Bigla akong natigilan ng marealize na ang perang ginamit namin kahapon sa pamamalengke ay galing sa sariling pera ko!

"Bakit mo iyon ginawa TIya? Nagbibigay naman ako sa'yo ng pera kapag sumasahod ako ha pero bakit nanakawan mo pa ako? Hindi pa ba sapat ang binibigay kong pera sa inyo?" mariing wika kong muli sa kanya. Natigilan na rin ang mga kasamahan nitong nagsusugal at napatingin nalang sa aming dalawa ng tiyahin ko.

"Walanghiyang bata 'to, ako pa ang pinagsasabihan mo! Hoy para sabihin ko sa'yo palamunin ko lang kayo ng kapatid mo dito sa pamamahay ko kaya wala kang karapatang magreklamo! Lumayas ka sa harapan ko at baka kung ano pa ang gawin ko sa'yo."

"Kahit kalian ay hindi kami naging palamunin dito, nagtatrabaho ako para may pangkain kami ng kapatid ko kaya huwag mong isusumbat yan sa akin. At huwag mo ring sasabihing pinapatira mo kami dito dahil alam kong hindi mo pag-aari ang bahay na 'to."

"Huwag kayong mag-alala, dahil aalis na kami ng kapatid ko dito at kahit kalian ay hindi na kami babalik pa!" pagkasabi ko nun ay agad akong tumalikod at pumasok muli sa bahay para ayusin ang ilan pang mga gamit.

Natigilan ako sa pagpasok nang masulyapan sina Mr. Reyes, yung lalaking tinulungan ko kahapon. May kasama rin itong babae na sa tingin ko ay staff din sa Eastwood University Taekwondo Team katulad niya.

"Pasensya na po kayo sa mga narinig niyo." wika ko bago pumunta sa harap nila.

"I'm sorry to hear that Alessia." ani Mr. Reyes.

"Hi, Alessia, I'm Christine Castro, one of the sponsors of Eastwood University Taekwondo Team. Naikwento sa akin ni Mr. Reyes ang tungkol sa buhay mo kaya sumama ako sa kanya ngayon to tell you that we will provide not only you but also to your brother a full-time scholarship. Meaning hanggang sa pareho kayong makagraduate sa Eastwood University ay libre ang lahat para sa inyong dalawa. Iyan ay kung papayag kang maging myembro ng Taekwondo Team.

Alluring Fighter (Sporty Princess #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon