Where are you babe?

440 13 2
                                    

Days had passed, hindi na kami nakakapagkita ni Tey. Bigla nalang siyang naglaho. I tried contacting her pero wala. Lagi rin akong nagpupunta ng bahay nila kaso ang sabi nila wala daw sila dun ng mga magulang niya. Hindi naman sinasabi kung nasan sila. Di naren siya pumapasok eh. Ano na kayang nangyari sa kanya? Nag aalala nako. Parang kelan lang ang saya namin ah. Wala naman kaming hindi napagkasunduan. San kaya nagsusuot ang babaeng yun?

Baby nasan ka na ba? Nag aalala nako






--





Days turned to weeks, months and year walang Tey na nagparamdam.Teyng ina niya. Naiinis ako sa kanya di man lang niya nagawang magpaalam pero mas nananaig paren ang pagkamiss ko sa kanya. Haayy kelan ko kaya uli siya makikita. Namimiss ko na yung ka clumsyhan niya, kaabnormalan niya, yung mga tawa niya yung sweetness niya, yung yakap niya







"Gagu ka Tey, Subukan mokong ipagpalit sa iba malilintikan ka talaga sakin" Kausap ko yung larawan niyang naka smile ng todo. Haayy namimiss ko na talaga siya.





"Oh baby girl kausap mo na naman yang pobreng picture frame na yan. Baka matuluyan ka niyan" Si daddy. Inamin ko na rin kase sa kanila na meron akong babaeng kinababaliwan pero di ko sinabi kung sino yun. Tanggap naman daw nila ako kahit anu pako. Akala pa nga nila nung una Phase lang toh, pero hindi sinabi ko rin na sa isang babae lang ako ganito.





Kung hindi lang din siya ang makakatuluyan ko




Ode, Pipilitin ko paren noh.




Hahah! Pero balik tayo sa parents ko



Oha ! Sinong may ganyan na supportive parents? Swerte natin. ♡




"Namimiss ko na kase talaga siya Dad ehhh"




"Aw ang baby ko may iba ng baby, marami namang iba jan






nagkakandarapa sayo. Guys and Girls. Bat di mo nalang ibaling sa iba ang Feelings mo"





"Dad, you dont understand, Kung ganoon lang kadali bakit hindi diba?, Kaso madali lang sabihin mahirap gawin. Saka hayaan niyo na ko. Baka lumipas din to." Hindi, hinding hindi to lilipas. Alam ko sa sarili ko, malabo mangyari yun.



Siya lang talaga ang may kakayahang patibukin ang puso ko to the nth power.



"Okey sige ikaw ang bahala basta baby girl, nandito lang kami ng Mom mo. Pag kinakailangan pikutin yan kung sino man yang kinababaliwan mo sabihin mo lang ah. Kami ng bahala. Marami kaming connections"





"Hahaha! Sira ka Daddy, Oo gusto ko yan. Let's just talk about it some other time." Natawa naman ako kay daddy andaeng kalokohan. Makita lang kita Tey, di nako magdadalawang isip na pikutin ka.

Kikidnapin kita



Haha para wala ka ng kawala. Ang Possessive ko ba? Wala eh, ang akin ay AKIN.





Tey, babe nasan kana ba? Miss you so damn much.

~

The Promise (TaeNy) [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon