~♥~ Flashbacks (33) ~♥~

Mulai dari awal
                                        

Napailing iling ako.

(。•́︿•̀。)

Minsan namamalayan konalang na makatagal na'kong nakatulala. Maghapon na'kong tulala. Nasa isang sulok at hinahayaang magpalamon sa sakit at paghihirap.

'Hinayaan konalang na diktahan ako mg bumubulong sa'kin.'

Sa totoo lang kapag nangyayare 'yon ay hindi ko nararamdaman ang sarili ko. Malalaman ko nalang na gabi na pala. Hindi nanaman ako nakakain. Binugbog nanaman ako ni dade kasi maghapon lang akong tulala.

'Akala nya hindi ko sya pinapakinghan. Pero mali sya. Hindi na ako ang kumokontrol sa sarili ko ng mga oras na'yon.'

Alam mo 'yung nanginginig kana nga sa takot at sa bumubulong sa'yo bubugbugin kapa?

'Napakahirap ng pakiramdam kong 'yon.'

Sa ngayon kinain na ang sistema ko ng bumubulong na'yon.

'Nagpapasalamat ako kung maayos ako ng limang oras sa isang araw. Limang oras nalang ang itinatagal ng sarili ko sa katawan ko. Kagaya ngayon.'

Natawa nalang ako sabay tulo ng luha. Lintik na luha. Pati sarili ko inaayawan na'ko, noh? Pati sarili ko iniwan ako. Pari katinuan ko umalis na sa hirap ng pinagdadaanan ko.

'Mangako ka sa'kin na tatatagan mo ang loob mo. Tatagan mo at kaya mo'yan. Kasama mo akong lalaban, hindi kita iiwan.'

'Mangako ka sa'kin na tatatagan mo ang loob mo. Tatagan mo at kaya mo'yan. Kasama mo akong lalaban, hindi kita iiwan.'

Natawa nanaman ako.

'N-nasan kana? L-lalaban? K-kasama ka k-kuya P-prince? N-nasaan ka? T-tatatagan kopa ba ang loob ko? N-nahihirapan n-nako. N-nakakapagod.'

Napapikit ako ng mariin.

(✖╭╮✖)

Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit nanaman 'to. Para nanaman akong nakalutang. Dahan dahan akong tumayo dito sa sulok para uminom ng tubig.

'Ayoko pang mag pakontrol kung mangyayari nanaman 'yon. Napaka aga pa para do'n. Kaaga aga nawawalan nanaman ako ng gana.'

Dahan dahan kong hinawakan ang pitsel at nagsalin sa basong walang kulay. Transparent. Pumikit ako habang umiinom ng mariin.

'Nakaramdam naman ako ng kaginahawaan kahit papaano.'

Nang matapos akong uminom ay tinitigan ko ang kwarto ko.

''Tong kwartong 'to ang naging sandalan ko ng mga panahong nag-iisa ako.'

Pumunta ako sa kama at dahan dahan akong humiga. Napatingala ako at lumunok. Ngumiti. 'To yata ang kauna-unahang ngumiti ako. 'Yung ngiting galing talaga sa puso ko. Tanongin nyo kung bakit?

'Dahil nararamdaman kong nanghihina na'ko. Nararamdaman kong hindi na'rin magtatagal ang katawan ko. Pagod na pagod na sya. Nice. Makakapag pahinga narin ako.'

(^ω^)

Huminga ako ng malalim. Naisip kona hindi man lang pala ako nagkaroon ng kaibigan dito.

'Ano kayang pakiramdam ng may kaibigan? 'Yung may kasama?

Hayyst.

**BOOOGGSHH!** Hulaan nyo kung sino?

'Nagtataka nga ako kung bakit hindi nasisira 'yang pintong 'yan, eh.'

(๑¯ω¯๑)

'Til The Perfect DayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang