"Tss huwag na nga muna nating isipin." Sabi niya at binuksan na ang makina at pinaandar na.

"Wait lang, saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa condo ka muna. Ihahatid din kita mamaya dito." Sabi niya.

Hindi na ako nag- salita. May susi naman ako ng buong bahay. Binitbit ko kanina baka kasi may mag- lock ng front door. Sinabihan ko naman ang guard na huwag maingay at may kaibigan lang akong may problema.

Nung makarating kami sa condo unit ni James, puro kami lambingan at ang sarap nga pala sa pakiramdam na kasama ang mahal mo.

..

Matapos kong matutunan ang mga tinuro ng head chef sa restaurant ay nagsimula na nga akong magtrabaho. Wala pa ring bago samin ni James. I'm still his hidden wife.

"Iha, may event bukas at kailangang kasama ka namin ng daddy mo para makilala na nila ang unica iha namin." Sabi ni Mommy nung nasa bahay na ako galing sa trabaho.

"Mom, may trabaho po ako bukas." Sabi ko.

"Ano bang oras ng uwi mo?" Tanong niya.

"Mga 6 pm po siguro." Sagot ko.

"8 pm pa tayo aalis so makakapag- handa ka pa iha." Sabi niya.

"Ano po bang meron dun?" Tanong ko.

"Maraming businessmen na pupunta dun. At may mga kaibigan din kami ng daddy mo na gusto kang makilala." Sabi ni Mommy.

"Mommy, alam niyo namang hindi ako sumasama sa inyo kapag mga ganung event." Sabi ko.

"Kailangan mo ng sumama samin iha. Gusto kong makakilala ka at makilala ng iba't ibang tao. Sayang naman ang ganda ng anak ko di ba?" Si Mommy.

"Pag- iisipan ko po." Sabi ko na lang at umakyat na ako.

Nasa restaurant ako at nag- iisip kung mag- o- overtime para hindi makasama kina Mommy sa event na 'yun nang biglang tumawag si James.

"Hello mahal ko," sabi ko sa kabilang linya.

"Mahal ko, may pupuntahan nga pala kaming event mamaya. Kasama ko si Karren." Sabi niya.

"Ganun ba? Bakit kailangang kasama 'yung 'fiancee' mo?" Sabi ko na may pagtatampo pero nagbibiro lang naman ako.

"Tss huwag ka ng magselos mahal ko. Kailangan siya doon kasi nga ang alam nila fiancee ko siya at isa pa, nandun din ang mga magulang niya. It's just all about business." Sabi niya.

"Hindi po ako nagseselos pero alam mo ba, isinasama ako ni Mommy. I'm sure diyan din ang sinasabi niyang event." Sabi ko.

"Posible kasi CEO rin ang daddy mo eh." Sabi niya.

"Ayoko sanang sumama pero sasama na ako para mabantayan kita." Sabi ko.

"Mahal ko, don't you trust your husband?" Sabi niya.

"Biro lang. Gusto lang kitang makita." Sabi ko.

Sumama na nga ako kina Mommy at Daddy.

"Hi! Mr. and Mrs. Gomez. " Bati nung babae na mas matanda siguro ng ilang taon kay mommy.

"Hi Miss Buenaventura!" Bati ni Mommy. Nakangiti lang ako sa kanila.

"I'd like you to meet our daughter, Crystal. " Sabi ni Daddy.

"Finally, nakilala din kita iha. I'm Dina Buenaventura. You can call me Tita Dina tutal close naman kami ng parents mo kahit masyadong pormal ang tawagan namin." Nagtawanan sila at napangiti naman ako.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!