Chapter 7

54.2K 703 8

CHAPTER 7

CRYSTAL

Sh*t! Baka nga pumasok siya dito sa loob ng bahay namin. Hindi puwede, hindi siya puwedeng makita ng kahit sino dito sa loob ng bahay.

Kahit tulog na ang parents ko, natatakot pa rin akong mahuli kami kung sakaling papasukin ko siya dito sa bahay. Wala na akong nagawa kung hindi ang puntahan nga siya sa labas. Naka- pajama lang ako nung lumabas.

Nakita ko na ang sasakyan niya at napansin kong bumukas ang passenger's door bilang pahiwatig na pumasok ako ng kotse.

Nasa driver's seat si James kaya pumasok na ako ng kotse. Hindi siya nagsa- salita nung makapasok ako, kaya ako na ang nag- umpisa.

"Kung gusto mo na talagang magpa- kasal sa iba, sana man lang sinabi mo na agad sakin para maipa- walang bisa na ang kasal natin." Sabi ko ng mahinahon pero naiinis.

"Tss ano bang sinasabi mo? Mahal ko, wala akong balak gawin 'yun. Alam mo namang sinasakyan lang namin ni Karren ang plano ng mga magulang namin." Sabi niya.

"Hanggang kelan kayo sasakay? Nagmu- mukha na akong tanga! James, alam ko naman 'yung sitwasyon niyo pero sana man lang sinasabi mo sakin kung anong mga plano niyo!" Sabi ko.

"Biglaan ang nangyari, kanina ko lang nalaman na may ganun silang plano. Sasabihin ko naman sayo pero kanina ka pang hindi sumasagot sa mga tawag ko hanggang sa makita kitang kasama mo ang lalaking 'yun!" Sabi niya.

"Nakita mo kami ni Mark?" Tanong ko.

"Nagpunta na ako kanina dito at nakita kong pumasok ka sa kotse ng lalaking 'yun! Hindi ko na kayo sinundan dahil gulung- gulo na ang isip ko kanina dahil nga sa engagement na 'yun dagdag pa ang pagsama mo sa lalaking 'yun. At sinabi naman sakin ni Karren kani- kanina lang na nandun pala kayo at umalis na agad. Doon pala kayo papunta nung makita ko kayo kanina." Sabi niya.

"And obviously, hindi ko alam that time na kayo pala ang ie- engage. Kung alam ko nga lang sana hindi ako sumama papunta dun! Basta na lang kasi akong niyaya ni Mark." Sabi ko.

"Basta ka na lang kasing sumasama." Sabi niya.

"Eh ano bang gagawin ko? Bestfriend ko si Mark at ang alam niya wala akong nobyo. Hinahanapan niya ako ng dahilan pa kung bakit ayaw ko sa kanya, alangang sabihin kong, Mark tigilan mo na ako, may asawa na ako! Ganun ba?" Sabi ko.

"Kung kina- kailangan." Sabi niya.

What? Seryoso ba siya? So aamin na nga ako? May tiwala ako kay Mark pero hindi pa niya puwedeng malaman. Mas safe kung kami lang dalawa muna ang may alam.

"James alam mong hindi pa natin puwedeng ipaalam kahit kanino. Kailangan muna nating mag- isip para pag- handaan lahat ng mangyayari." Sabi ko.

"Minsan naiisip ko, harapin na kaya natin silang lahat? Kung hindi sila pumayag, lumayo na lang tayong dalawa." Sabi niya.

"Paano 'yung mga pangarap mo sa magiging mga anak natin?" Tanong ko.

Kasi di ba napag- usapan na rin namin 'to noon eh.

"Sa ngayon, ikaw lang muna ang pangarap ko. Hindi ka nila puwedeng ilayo sakin dahil hindi ko na matutupad ang pangarap ko sa mga magiging anak natin kapag nagkataon." Sabi niya.

"James, natatakot ako. Gagawin ni Daddy lahat makuha niya lang ako sayo kapag nalaman niya." Sabi niya.

"Makukuha ka nila kung sasama ka sa kanila." Sabi niya.

Iyon na ba ang ibigsabihin ng ipaglalaban ko siya? Handa na ba talaga akong harapin lahat ng pinasok ko?

"Pero mahal ko," sabi ko na lang pero hindi na niya ako pinatapos.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!