Chapter 6

64.3K 963 8

CHAPTER 6

CRYSTAL

"Hello, mahal ko!" Nae- excite kong sabi sa kabilang linya.

"Uhm, good news?" Hula niya.

"Yes! May trabaho na ako!" Sabi ko.

"I'm happy for you, my love." Sabi niya.

Pinilit ko kasi siya na payagan na rin akong mag- trabaho tutal wala rin naman siyang magagawa dahil pumayag na rin naman sina Daddy. Hehe pero hindi ko sinabi sa kanya na si Mark ang nag- suggest na doon ako pumasok.

Ayun, tinawagan ko si Mark kinabukasan after niya akong kausapin about dun sa Korean restaurant na sinasabi niya. Sinabi ko nga na pumapayag na ako.

Gusto ko sanang mag- celebrate kaso busy naman si James. Naisip ko si Mark tutal utang na loob ko pa rin ang suhestiyon niya kaya iti- treat ko na lang siya for lunch. Sana hindi siya busy.

JAMES

Nasa condo na ako. Alam na rin ni Crystal na nakalipat na ako dito. Hindi ko pa siya maisama dito dahil panay ang sulpot ni Mama dito.

Nag- text nga pala si Papa na pumunta daw ako ng maaga dun sa five star hotel na sinabi niya. May investors daw na ipakikilala sakin before the event. Ano kayang event 'yun. Hindi ko na tinanong basta pupunta na lang ako. I'm sure it's all about business.

Pagkatapos kong ma- meet ang mga sinasabi ni Papa na mga tao ay bigla namang nag- ring ang phone ko. Si Karren.

"Hello, James?" Sabi sa kabilang linya.

"Why?" Tanong ko.

"Susunduin mo ba ako dito sa bahay?" Sabi niya.

"Why should I?" Nagtataka kong tanong.

"Wow! Thanks for being such a gentleman!" Sabi niya.

Nagtaka lang naman ako, wala naman kasi kaming usapan.

"I mean, bakit kita susunduin? Ano'ng meron?" Tanong ko.

"Sh*t James! Wala bang sinabi sayo ang parents mo about this damn engagement party of us!?" Sabi niya.

"What? Wala akong alam." Sabi ko.

"Tss. Kaya pala hindi ka man lang tumatawag sakin para mag- react about it. Ano'ng gagawin natin mag- uumpisa na mamaya?" Tanong niya.

Iyon 'yung sinasabi ni Papa na event? Bakit wala man lang silang sinasabi sakin na engagement party pala?

"I can't! Hindi puwede." Sabi ko.

"Bwisit ka James! Bihis na bihis na ako tapos aayaw ka?" Sabi niya.

"Eh bakit ba hindi mo man lang sinabi sakin?" Sabi ko.

"Eh akala ko nga kasi alam mo na kasi sabi ni Papa nag- usap na daw sila ng papa mo so I thought sinabi na nila sayo. Atsaka malay ko ba, di ba sabi mo ikaw ang bahala, sabi mo sakyan lang natin sila so akala ko okay lang sayong sakyan natin 'yung engagement party na 'to kasi hindi ka naman tumatawag sakin para mag- react. Iyon pala wala kang alam." Sabi niya.

"Okay, susunduin kita." Iyon na lang ang nasabi ko.

Pinuntahan ko si Papa para kausapin.

"Bakit wala man lang kayong sinabi sakin na may engagement party na magaganap ngayon?" Sabi ko kay Papa.

"James, hindi ba sinabi sayo ng girlfriend mo? Kasi sabi ng papa niya sakin eh sinabi niya na sa anak niya so I thought napag- usapan niyo ng mag- kasintahan." Sabi ni Papa.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!