29 "The Only Rose Among The Thorns"

42.9K 746 32
                                          

29

"The Only Rose Among The Thorns"

Rockpile Jewelry and Gift Shop

Maaga akong dumating sa store kasi wala yung professor ko sa last subject. Pag dating ko dun andun si boss kausap ang mga morning shift. Malungkot sya na parang mainit ang ulo. Pagpasok ko ng pinto nakita nya agad ako.

Lumapit sya sa'kin, "Torrence mabuti at maaga ka. May problema kasi tayo."

Kinabahan naman ako sa narinig ko. "Ano po yun ma'am?"

"Dun na tayo sa office magusap." Naglakad sya papuntang office na nandun lang din naman sa loob. Sinundan ko sya.

"Please close the door." Umupo sya at may tiningnan na files from her computer. "Maupo ka."

Bihirang mangyaring makausap namin ang boss kaya kinakabahan ako sa sasabihin nya.

"I'll go straight to the point, Torrence." Nagbuntong hininga sya. "Mahina na yung sales natin this past few weeks. And today, wala pa tayong kahit anong benta. Kapag nagpatuloy 'to, eh wala na akong choice kundi ipasara na 'tong store at magbenta na lang online. Mas malakas kasi ang kita online." Nalungkot ako sa narinig ko.

Tumingin sya sa'kin ng diretso. "And kapag nangyari yun, mawawalan na kayong lahat ng trabaho.

Napalunok lang ako sa narinig ko. Mawalan daw ng trabaho? Malaki impact nun sa'kin.

"Sabihhin nyo lang po kung may maitutulong ako, gagawin ko po." Nanginginig ang boses ko. Matagal na ako dito sa work at malaki ang naitutulong nito sa'min ni papa. Hindi lang ako makapaniwala na kung kailan mas pinalakihan ni boss 'tong store tsaka naman walang customer.

"Simple lang. Walang uuwi hangga't hindi tayo nagkakaroon ng sales. Okay?"

"Po? Nagbibiro lang po kayo di ba?" Medyo nagulat kasi ako sa sinabi nya.

Nakatingin lang sya ng diretso sa'kin. Walang kahit anong reaction. Seryoso lang yung face nya.

"Sabi ko nga po seryoso kayo." Sabay bawi dun sa sinabi ko kanina.

"Good. Sige, magtime in ka na."

Tumayo ako at nagpunta na sa locker para magpalit ng uniform. Seryoso ba sya sa sinabi nya? Miracle ata ang kelangan para mangyari yun.

Maya-maya dumating na din si Kyle. Nagpang-abot kami sa locker.

"Oh ang aga mo din?" tanong ko sa kanya.

"Tinawagan kasi ako ni ma'am. Kelangan daw tayo dito ngayon. It's now or never daw. Naglalaba pa naman ako ng damit sa bahay." Nagmamadali syang magbihis habang nagsasalita.

"Grabe, wag naman sanang magsara 'to. Laki ng tulong sa'kin ng work na 'to." Nalulungkot na ako sa mga naiisip kong pwedeng mangyari.

Papunta na sana kami sa counter ng biglang tumunog ang cellphone ko.

:) calling...

Sino nga ba 'to? Si Cliff nga ba? Hindi pala ako sure.

"Tara na Torrence, para makarami na tayo ng benta." Pagyaya ni Kyle sa'kin.

"Mauna ka na. Sasagutin ko lang 'to." At sinagot ko nga yung call.

"Hello?" Hesitant yung voice ko dahil hindi ko sure kung sino nga ang natawag.

"Hey, Torrence, si Cliff 'to."

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Si Cliff, tinatawagan na ako.

"Ah, hi. Talagang tumawag ka like you promised." Nahihiya kong joke.

"Of course. By the way, what time ba ang out mo? Gusto sana kitang yayaing magdinner."

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon