I'm trying to find ways to fix this, but this is getting out of hand. It's hard to choose, must be careful! My life's getting Out of Control.
[Haikyuu Fanfiction]
Disclaimer: I do not any of Haikyuu Characters it all belongs to Haruichi Furudate. I...
"Yes, indeed he's a great player. But he's funny sometimes." Aniya at tumawa ng bahagya.
"He keeps on nagging Oikawa that he should've join Shiratorizawa." Dagdag pa niya.
Napalingon ako kay Oikawa. Wow. I think Oikawa is a great player too, imagine being persuaded by a captain of an Academy. "Bakit naman po niya hindi tinanggap?" Usisa ko.
Si sir Mizoguchi naman ang sumagot, "Kung tama ang pagkakatanda ko ay tinalo ng Shiratorizawa ang school kung saan nag-aral si Oikawa ng Junior High."
Tumango tango ako dahil doon. I don't get it. Anong connection?
Nanahimik na lang ako at ipinagpatuloy ang pagbuklat ng notebook.
PAGKATAPOS paalalahanan ni coach Irihata ang team ay lumabas na ito ng gym kasama si sir Mizoguchi, kakatapos lang ng training nila at pakiramdam ko ay mamamatay ako sa pagod. Naubos na kasi 'yung laman ng water jag kaya kailangan kong bumili sa labas ng tubig dahil sarado na ang cafeteria. Natagalan pa ako sa pagbalik kasi nahirapan akong buhatin ang dalawang galon ng tubig.
Natigilan ako sa pag-aayos ng mga inuman nila ng maramdaman kong nakatingin sila sa 'kin. Tinignan ko sila ng may pagtataka, "What?" Usal ko.
"Wala ka bang message sa 'min manager?" Nakangiting saad ni Hajime.
"Yeah, something like words of encouragement?" Untag ni Oikawa.
Kailangan pa ba 'yon? "Ang dami niyong alam, magbihis na nga kayo." Saad ko.
Nagulat ako ng magreklamo ang ibang miyembro ng club. "Ang cold naman ni manager" saad ng isang first year.
"Come on, Yuumei. Simpleng 'good job' lang, ok na." Gatong ni Matsukawa.
"Kailangan pa ba kasi 'yon?" Saad ko at pilit iniiwasan ang mga tingin nila.
Magsasalita pa sana si Oikawa pero inunahan na siya ni Hajime. "Sige na guys, 'wag niyo na siya pilitin. Maglinis na tayo para maka-uwi na."
Lumungkot naman ang mukha ng ibang members at tumugon na lang sa sinabi ni Hajime. Naiwan si Hajime at Oikawa sa harap ko. At dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Oikawa kanina ay hindi ko siya matignan ng mata sa mata.
Should I apologize?
Nagitla ako ng marahang tumawa si Oikawa. "Good job, manager. You did well today." Saad niya habang si Hajime naman ay ngumiti at nagthumbs up. "Welcome to the team, Yuumei." Sabay nilang saad.
Agad na nag-init ang mukha ko at itinulak silang dalawa. "Cringe naman! Magbihis na nga kayo, tulungan niyo silang mag linis." Usal ko.
Napatawa na lang sila pareho at umalis na para tulungan ang ibang miyembro.
Ako naman ay napahawak na lamang sa dibdib ko, it was beating so fast. Ganito ba talaga kapag flattered ka? Huminga ako ng malalim at pilit na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
That was the warmest welcome I ever had in my life.
----------
Message:
Hello! I'm really really sorry kasi hindi ko na-update 'to. Akala ko kasi na update ko siya last week kaya 'di ko muna inupdate huhu.
I hope you're all great.
Gusto ko rin sana i-promote 'yung story ng sister ko. Titled as "The Other Half" Haikyuu Fanfic din siya which she mainly focus on Kageyam Tobio. Uwu
Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
Here's the link: https://my.w.tt/NGg08EdLbbb
And another shameless plug. This facebook account of mine feels dead hsjshs. Add friend niyo 'ko.
Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.