“Eh, kayo ba ni... Levi?”


Napalingon si Rai kay Reena nang marinig ang tanong nito kaya kinabahan ito pero bigla siyang tumawa. Tumawa siya nang malakas na tila ba nagsabi ng sobrang nakakatawang biro si Reena sa kaniya.


“We’re not in any kind of relationship,” sagot ni Rai pagkatapos humalakhak.


“I consider him as a friend but I don’t think he thinks of me the same way,” sagot pa niya kaya naman napalingon si Reena sa field at hinanap si Levi Del Fierro.


Sa paningin ni Reena ay mukha ngang hindi pareho ang pagtingin nila sa isa’t isa. As Rai has mentioned, she considers Levi a friend but as for Levi, Reena thinks he feels... something more.


Hindi eksperto si Reena pagdating sa ganitong mga bagay pero tuwing nakikita niya si Levi ay lagi itong nakatingin kay Rai kapag hindi ito nakatingin, bahagya rin itong ngumingiti kapag tumatawa si Rai at kita sa mga mata nito ang concern kay Rai tuwing tinitingnan niya ito.


“I think he likes you,” saad ni Reena.

“Who?” tanong naman Rai na napalingon kay Reena.

“Levi,” sagot ni Reena at muli, tumawa si Rai na para bang nagbibiro ang kausap niya.


“Don’t be silly,” natatawa pa ring saad ni Rai kaya naman napailing-iling na lang si Reena. Mukhang hindi talaga ito maniniwala kahit anong gawin niya.



Nagpatuloy lang sila sa pagku-kuwentuhan hanggang sa dumating si Kylo kaya naman napairap si Reena sa hangin. Istorbo.


“Looks like you got along well,” ani Kylo na tapos na mag-training at maligo.


“In-invite tayo ni Rai manood ng play nila next week,” sabi naman ni Reena at pinakita ang tickets na binigay ni Rai sa kaniya kani-kanina lang.

“Woah, Aladdin musical? Thank you, Venus!” tuwang-tuwang saad ni Kylo kaya napailing-iling na lang si Reena. Para talagang bata.


Nahagip ng mga mata ni Reena si Levi na katatapos lang maligo at nagpupunas ng buhok habang naglalakad papunta kung nasaan ang bag nito. Nakatingin si Levi kay Rai at nakumpirma na nga ni Reena na iba talaga ang tingin nito kapag kay Rai ito nakatingin.


“You’re welcome,” narinig ni Reena na saad ni Rai kaya nabalik ang atensyon niya kanila Kylo.


“Pumunta kayo, ah? Aasahan ko kayo roon,” sabi ni Rai.

“Oo naman! Kami pa pinakamalakas na papalakpak para sa’yo roon,” sagot ni Kylo kaya natawa na lang si Reena.

“Oh, sige na. Una na ako. Ingat kayo!” nakangiting paalam ni Rai sa dalawa at bumaba na.


“Kamusta?” tanong ni Kylo habang pinapatuyo ang basa niyang buhok gamit ang tuwalyang nakapatong sa balikat niya.

“Ayos naman. Istorbo ka lang sa amin ni Rai,” sagot ni Reena kaya natawa ang binata.

“So, mas gusto mo na siya kaysa sa akin?” tanong pa nito.

“Hindi naman kita gusto,” sagot ni Reena.

Ouch!” daing ni Kylo at humawak pa sa dibdib niya na akala mo ay sinaksak siya ni Reena roon.


“Grabe ka naman manakit ng damdamin, Reena Dela Luna!” pag-iinarte niya kaya napailing-iling na lang si Reena at tumayo na.


“Hindi mo talaga babawiin ‘yung sinabi mo?” tanong pa niya kaya natawa na lang si Reena.


“Grabe, ganiyanan talaga?” narinig pa ni Reena na sabi ni Kylo pero patuloy lang siya sa pagbaba sa bleachers. Sumunod naman si Kylo sa kaniya at sinabayan siyang maglakad.


Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now