Ako ay nakamaang lamang. Surely, he doesn't mean that. Mag sha-shopping ako! Alangan namang bubuntot-buntot siya sa akin!

"Hindi ka ba kikilos diyan? Sakay na kako." supladong turan nito. Sumandal sa kanyang sasakyan, tinanggal ang wayfarer at pinagkrus ang dalawang braso. May konting kunot sa kanyang noo pero ang mga mata ay kumikinang sa galak.

"Salamat na lamang Lawrence pero magtataxi ako. Marami akong gagawin today at ayokong makaabala sa'yo."

"Hindi ka abala Emerald. And besides, wala naman akong gagawin. Gusto kong samahan ka, kaya sumakay ka na and stop making alibi coz I won't buy it." kunot-noong sabi nito sa akin.

"Lawrence, seriously I don't need-----"

"Emerald, it's either you ride in my car willingly or I will get you inside myself." putol niya sa sasabihin ko.

I sighed as I walked into his car. Wala talaga akong lusot sa lalakeng ito. Lahat ng rason at dahilan ay meron siya. At dahil naiinis ako, pahihirapan ko siya sa pagsunod sa akin mamaya!

Pagkasakay ko sa expensive car niya, agad siyang lumapit sa upuan ko. Napasiksik ako sa gilid dahil sa lalim ng titig niya sa akin. Halos isang pulgada na lamang ang layo ng mukha niya sa akin at bigla na naman nagliparan ang mga paru-paro sa aking tiyan.

"Fasten your seat belt, baby." he said huskily at naamoy ko ang mabango niyang hininga. Nakatunganga lamang ako. Naipon ang hangin sa lalamunan ko as he fastened my seatbelt. Siya na ang nagkusa. Pagkatapos ay parang sinadya niyang ibangga ang ilong niya sa ilong ko. Gad! Our lips almost touched!

Tumikhim ito at saka umayos ng upo bago pinaandar ang sasakyan. Nagtanong siya kung saan ang tungo ko. Sinabi ko naman sa kanya na gusto kong mamili ng ilang gamit sa Abreeza Mall. Tumango lang ito at hindi na nagsalita.

Pagkapark niya sa sasakyan ay umibis agad ako. I changed my mind. Ayoko siyang isama sa lakad ko.

"Lawrence, salamat pero pwede na tayong maghiwalay dito. Kaya ko naman ang sarili ko eh."

Pero parang walang narinig ito at hinila lamang ang aking braso ng marahan. Pumasok kami sa elevator para makarating sa 4th floor ng mall. Medyo siksikan na at halos puno na ito.

"Let's eat first. Nangangayayat ka ata. Mahirap ba ang trabaho mo? Sabi ko naman sa'yo you can stay at your office all day and I won't mind at all." wika ni Lawrence, hindi alintana ang pagsinghap ng kababaihan sa loob ng lift. I just rolled my eyes upward for their reaction at sa sinabi ni Lawrence. Nakakabanas!

"Whatever. You are so bossy." I hissed quietly.

"Because I am the Boss, baby." He smirked mischievously.

Medyo nagkatulakan sa loob kaya napadikit ako kay Lawrence. Nagulat na lamang ako ng gumalaw ito at hinila ako sa harap niya yakap-yakap ng dalawang bisig nito. Mahigpit ang yakap niya at gusto ko na agad kapusan ng hininga.

Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko at bumulong. "Baka may biglang manghipo sa'yo, makakapatay pa ako."

I swallowed. Kumagat-labi ako at yumuko para itago ang pamumula ng aking pisngi. "Okay...." ang sabi ko lamang.

Pumasok kami sa isang mamahaling Italian restaurant at umupo sa pandalawahang mesa. We never did this before, ang mag date publicly. Dahil ako lagi ang tumatanggi sa paanyaya niya. Ayoko kasi na may makakita sa amin at baka magawan pa siya ng issue. It's always been his welfare I'm worrying about.

Umorder ako ng spaghetti bolognese at isang fresh orange juice. Samantalang siya ay Risotto.

"Pizza, you wanna add?" tikhim niya.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang