Chapter Six

61.9K 907 5

CHAPTER SIX

BIANCA'S POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko para pigilan siya sa gusto niyang gawin. Nalilito na ako. Nasasaktan ako sa gusto niyang mangyari sa sarili niya. Alam kong kapag sinabi niyang buo na ang desisyon niya, hindi na talaga siya magpapapigil. Bakit ba ang tigas ng ulo mo Zayl!?

Si Zayl lagi ang naiisip ko kahit nasa trabaho ako. Nagtataka na nga ang mga tao sa bahay kung may problema ba daw ako. Sinasabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko.

Dalawang araw na akong hindi tine- text o tinatawagan ni Zayl. Pupunta ako sa apartment, baka kung ano ng nangyari sa kanya. Hindi ko siya kayang tiisin lalo na sa kalagayan niyang 'yun.

"Kung nagpunta ka dito para pigilan ako, sorry Bianca hindi na talaga mababago ang desisyon ko." Sabi niya pagpasok ko.

Nanonood siya ng tv. Grabe ka Zayl! Huhu nababaliw na ba ang kaibigan ko? Desidido na nga talaga siya.

"Pumapayag na ako." Sabi ko. Parang ako yata ang nababaliw dahil sa pag- kunsinti sa kanya.

Masakit man sakin, wala na akong choice, ayokong bigyan pa siya ng sama ng loob. Matatanggihan mo ba ang taong mamamatay na?

"Pero gusto kong bigyan mo ako ng ilang araw para makahanap." Sabi ko pa.

Hay, ano ba 'tong pinasok ko. Naaawa naman akong gawin niya 'yun mag- isa. Alam ko talagang gagawin niya 'yun kahit hindi ko siya tulungan eh.

"Salamat Bianca." Sabi niya at niyakap na niya ako.

Pag- uwi ko, nagkulong muna ako sa kwarto. Binuksan ko 'yung laptop ko. Saan ba ako maghahanap. Hay isip- isip. Nag- online muna ako.

Wait, totoo ba 'to? Si Jack babalik na ng Pilipinas bukas? Nag- post 'yung barkada niya tungkol sa paguwe ni Jack at ni- like naman ng Jack. So totoo nga.

Paano kung kay Jack na lang? Ang alam ko milyonaryo daw ang pamilya nun, atleast lagay ang loob ko. Pero ayaw ni Zayl na magkakilala sila nung tao tapos kay Jack pa. Kaysa naman sa hindi kakilala di ba? Basta kakausapin ko si Jack.

Litung- lito na ako, ayokong ipagkatiwala si Zayl sa ibang tao. Alam kong ayaw ni Zayl dahil mag- ex sweethearts sila ni Jack plus hindi pa naging maganda ang paghihiwalay nila noon. Pero may tiwala ako kay Jack Santaniel.

Nag- message ako kay Jack.

Hi Jack! Kilala mo pa ba ako? May gusto lang kasi akong sabihin sayong importante. Sana tawagan mo ako sa numerong ito pagbalik mo dito ng Pilipinas. 09777777777.

Iyon ang sabi ko.

Kinabukasan, um- absent muna ako sa trabaho. Umaga pa lang nag- online na ako, baka kasi mag- reply si Jack Excited lang? Binigay ko na nga ang contact number ko eh. Hehe basta hindi ako mapakali. Alas kuwatro na ng hapon wala pa ring reply.

Maya- maya ay nag- ring ang cellphone ko.

"Hello?" Sabi ko.

"Si Jack 'to." Sabi sa kabilang linya.

Kinakabahan ako grabe.

"Salamat at tumawag ka Jack. Ah eh puwede ka bang makausap? Puwedeng magkita tayo ngayon?" Sabi ko.

"Tungkol saan ba ang pag- uusapan natin?" Sabi sa kabilang linya.

"Basta importante. Please. Kung busy ka ngayon, okay lang kahit bukas." Sabi ko.

"Ngayon na lang, saan ba?" Sabi niya.

Tinanong ko kung nasaan siya ngayon at saka ko sinabing sa isang restaurant na malapit sa lugar naming dalawa kami magkita.

Ang laki ng pinagbago niya. Mas gwapo siya ngayon. Pasensiya hindi ko mapigilan eh.

"What do you wanna tell?"
Tanong niya nang mapansing hindi pa ako nagsasalita.

Kinakabahan kasi ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"May kaibigan kasi ako." Pagsisimula ko.

"Kailangan niya ng tulong. She wants to sell h- her virginity. Alam kong ang weird, pinigilan ko na siya pero wala akong magawa eh." Pagpapatuloy ko.

Tama ba itong sinasabi ko? Hay, kaya ko 'to. Patawarin mo ako Zayl kung kay Jack ako lumapit.

"So, ano'ng maitutulong ko?" Tanong niya.

"P- puwede bang i- ikaw na lang?" Naiiyak na ako dahil na rin sa kahihiyan.

Napansin yata ako at parang naawa sa akin pero agad din niyang binawi at biglang napatawa sa sinabi ko.

"Ako? You're asking me to buy her what? Her virginity? Sorry ha pero nagpapatawa ka ba? Hindi ko kailangang bumayad ng isang babae para lang ibigay ang pangangailangan ko bilang isang lalake. Meron ba talagang ganyang klase ng babae? Selling her virginity? Tss." Sabi niya.

Yabang! I know! I know! Kahit ako nababaliwan sa kaibigan ko! Paano kaya kapag nalaman niya kung sinong kaibigan ang tinutukoy ko? Kung alam mo lang. Kung alam mo lang!

"Alam ko 'yun Jack. Pero ikaw lang talaga ang alam kong makakatulong sa kanya."

Hindi ko na nasagot 'yung tanong niyang kung may ganung klase ng babae. Oo meron, ang kaibigan kong si Zayl! Sa totoong buhay may mga ganun naman klaseng babae, para kumita ng pera eh handang ibigay ang sarili pero kakaiba 'tong kaibigan ko, nababaliw na yata, mamamatay na at lahat eh, pero ako naman si gaga, para sa kaibigang mamamatay na, sige larga!

"Ako? I can give money pero she doesn't need to give me herself. Hindi ako ganung klase ng lalake. Sino ba 'yang kaibigan mo?"

Patawarin mo ako Zayl, napasubo na ako dito. Hindi ko naman sasabihin 'yung sakit mo.

"Si Zayl, si Zayl Rodriguez. Hindi niya alam na lumapit ako sa'yo. Ayoko siyang ipagkatiwala sa iba. Please Jack tulungan mo siya."

Hindi ko na mapigilang mapaluha. Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko. Hindi siya makapagsalita.

"Tawagan mo na lang ulit ako." Iyon lamang at tumayo na ako at umalis.

Sana tumawag ulit siya.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!