Chapter 5

62.2K 912 4

CHAPTER 5

CRYSTAL

"Mom, Dad, naiinip na po ako dito sa bahay." Sabi ko while having our breakfast.

"Kagagaling mo lang ng ibang bansa, saan mo pa ba gustong mag- punta iha?" Tanong ni Daddy.

Galing nga ako ng ibang bansa at 'di nila alam na may tinagpo akong lalaki doon at nagpa- kasal. Hay, salbaheng bata.

"Hindi po 'yun ang ibig kong sabihin. Gusto ko na pong maghanap ng trabaho." Sabi ko.

Palagi kasi nilang sinasabi na okay lang kahit hindi na, para hindi ako mahirapan dahil 'yung ginagawa naman nila eh para sakin lahat. Pero kung sa company naman namin eh welcome na welcome ako.

"Hon, why don't you give our daughter a position in our company?" Si Mommy.

Ilang taon na nung maka- graduate ako pero hanggang ngayon hindi ko pa nagagamit ang pinag- aralan ko kasi pinagbigyan ko sila na magtrabaho sa company namin pero umayaw din agad ako.

"If that's what you want. Bibigyan kita ng mas mataas na posisyon kumpara sa dati." Sabi ni Daddy.

"Dad hindi po 'yan ang ibig kong sabihin, ayoko na po sa kompanya natin." Sabi ko.

Nung pumasok kasi ako sa kompanya namin mas na- realize ko lang na wala talaga akong kainte- interes sa ganung trabaho.

"What?" Tanong ni Daddy.

"Dad wala akong interes sa pagpapatakbo ng company natin kaya nga hindi ko sinunod 'yung gusto niyong kurso para sakin, at isa pa gusto ko pong ituring ako na parang normal na empleyado. 'Yung hindi kikilalanin na anak ng may- ari kaya ayaw ko rin sa company natin." Sabi ko.

Isa rin kasi 'yan sa naiisip ko, ayoko ng special treatment dahil lang company namin 'yun.

Pagka- graduate ko kasi dun ako agad sa company namin napadpad at malayo naman sa kursong tinapos ko ang naging trabaho ko. Ang gusto kasi nila noon eh Business Management ang kunin kong kurso pero sinuway ko sila kasi Culinary ang tinapos ko at pagka- graduate ko eh pinakiusapan ako ni Daddy na mag- work muna sa company namin para daw atleast may idea ako sa business namin. Sumunod naman ako, nag- training ako ng ilang araw, kasi nakokonsensiya naman ako kung hindi ko pa pagbibigyan.

Anak daw ako ng may- ari. Iyan ang palaging naririnig ko, oo totoo naman pero nakakarindi na. Maayos naman 'yung treatment sakin pero dahil nga anak ako ng may- ari parang nahihiya na silang makipag- kaibigan sakin. Ayoko ng ganun kaya mas pinili ko na lang umalis hanggang sa kinunsinti na lang ako ng parents ko na mag- lustay na lang ng pera kasi ayaw naman nila akong pagtrabahuhin sa iba.

Anong silbi ng pagcu- culinary ko kung ipagsisiksikan nila ako sa opisina kaharap palagi ang computer o kaya ay laptop? Kaya naman ang ginawa ko na lang, pasyal dito, pasyal doon, out of the country, bahay, out of town, with our kasambahay. Nito nga lang ako hindi nagsama ng alalay nung nagpunta akong Paris kasi nga may plano kame ni James. Isang libong pilit bago nila ako  pinayagang umalis ng bansa na walang alalay.

Nakakasawa na, pakiramdam ko wala na akong silbi sa mundo. Paano ako magg- grow bilang tao? Alam mo 'yung pakiramdam na bukas naman ang pinto pero pakiramdam mo nakakulong ka?

"Iha don't be too hard for yourself." Si Mommy.

Hindi naman sa pinapahirapan ko ang sarili ko, gusto ko lang naman mag- explore. I just want to experience challenges. I want to be the better version of myself.

"Mom, alam ko po ang ginagawa ko at iyon po ang gusto ko." Sabi ko.

"Ano na lang ang iisipin ng mga nakaka- kilala sakin? Bakit ba lalayo ka pa to think na ang company natin ang isa sa malalaking kompanya sa bansa?" Si Daddy.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!