Bumuntong-hininga ito at lumingon din sa akin matapos sumulyap sa puntod. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa paraan nito ng pagtingin sa akin, may takot sa mga mata nito at hindi ko iyon naiintindihan kung bakit.

"She's the mother of my child." Kumabog ng malaka ang dibdib ko. Tumingin ako sa puntod kung saan nakasulat ang pangalan ng namatay at birthday kasama kung kailan siya namatay.

"N-Nanay ni Simon?" tanong ko at muling bumaling sa kaniya ng tingin. Tumango siya. "Papaano siya namatay?"

"She died when she gave birth to Simon," sagot nito.

"Papaano kayo nagkakilala?" Nakatingin na ako ngayon sa puntod. Palaisipan sa akin kung ano ang itsura ng Nanay ni Simon pero alam kong maganda ito, walang-wala akong laban. Sa matres pa lang ay talo na ako.

"She's also studying at our University. She's a former Miss University when I was in first year."

Napansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa. Wallet pala niya iyon at may kinuha siya roon. Humarap ako ng makita kong isang litrato at inilabas niya. Ibinigay niya iyon sa akin kaya tinignan ko naman.

"Siya iyong babae sa condo mo? 'Yung kasama mo sa picture?" tanong ko at pinagmasdan mabuti ang litratong nasa kamay ko.

Ang ganda niya. Mayroon siyang medyo kulot na buhok at maganda hugis ng mukha. Ang ganda rin ng mga mata nito na bumagay na bumagay sa kaniya. Parang nahiya ako bigla dahil sa istura ko, medyo chubby ang pisngi ko at babae siya. Ano'ng laban ko? Baka multuhin pa niya ako pagnagkataon.

"Nabuntis ko siya accidentally," sabi pa nito kaya inangat ko ang tingin ko.

"You mean, nabangga mo siya ng pagkalalaki mo?" Sumulyap ako sa puntod at nag-peace sign.

Tumawa si Hugo kaya muli akong napabaling sa kaniya. "No. We're both drunks that time and we didn't know what happened next. Pero alam naming dalawa na ako ang ama ng dinadala niyang bata."

"Ah-eh, may naging relasyon ba kayo?" Para akong broadcaster sa mga tanong ko.

Nagulat ako ng umiling siya. "We're just good friends." Tumingin siya sa puntod ni Athena. "Nang malaman naming buntis siya ay sinabi namin sa mga magulang namin iyon. They support us, kung ano ang magiging decision namin."

Tahimik lang akong nakikinig sa kuwento niya.

"Plano naming magpakasal kapag nanganak siya but I never thought na hindi niya makakaya ang panganganak kay Simon. I asked her parents that I will take care of Simon and they agreed. Pinagsisihan ko ang lahat ng nangyari, until now."

Nakikita ko ang pagsisisi sa mga mata niya. Ang sinseradad sa kaniyang boses. Ibang Hugo ang kaharap ko ngayon, isang Hugo na may malambot na puso kahit na matigas ang pangangatawan nito.

"Hindi natin hawak ang mangyayari sa hinaharap. Ang magagawa lang natin ay tanggapin kung ano man 'yun." Tumingin ako sa puntod bago tumingala.

Maganda ang langit, asul na asul at may konteng ulap. Hindi naman mainit dito dahil na rin sa simoy ng hangin.

"Alam ko na kahit nasaan man siya ngayon ay masaya na siya. Ramdam ko rin na pinapatawad ka na niya kung sa tingin mo'y kasalanan ang nangyari sa inyo. At saka, blessing si Simon, hindi siya kasalanan." Humarap ako sa kaniya.

Lumakas ang hangin kaya natatangay ang ilang hibla ng buhok kong medyo may kahabaan na. Tumatakip iyon sa aking mukha. Nagulat ako dahil inayos niya ang buhok ko upang 'di ito humarang sa mga mata ko. Namula tuloy ang magkabila kong pisngi.

"And you, too. You changed everything to me. You made my whole life in something that I didn't expect. Kaya kita dinala rito dahil I want you to know me and gusto ko sa harap mismo ng puntod ni Athena..." Kinabahan ako sa sinabi nito kaya hindi ako sumagot at hinintay kung ano pa ang sasabihin niya. "Gusto kong malaman mo na mahal kita, Aki."

Naramdaman ko ang panunubig ng magkabila kong mga mata hanggang sa unti-unting bumuhos ang mga luha mula rito. Dumaloy iyon pababa sa aking pisngi kaya't hinawakan ni Hugo ang magkabila kong mukha. Gamit ang hinlalaki nito ay pinunasan niya ang mga luha mula rito, luha na ibig sabihin ay saya.

"Why are you crying again?" marahan niyang tanong at hindi pa rin binibitiwan ang mukha ko.

"K-Kasi pinapasaya mo ako," sagot ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya sa mukha ko at marahan iyong ibinaba. Magkahawak na kami ng kamay habang magkaharap sa harapan ng puntod ng ina ni Simon.

"You also made me happy, Akierra Shane Velasco," malumanay niyang sabi.

Ngumiti ako at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Siguro sapat na rin ang araw na nakilala ko siya at ayoko na rin namang patagalin pa ang lahat. Dito mismo sa puntod ni Athena, ang ina ng anak nito. Mangangako ako sa kaniya.

"Alam mo, pinapangarap ko lang noon na balang araw magkaroon ako ng kaibigan. Lumaki kasi akong ni isang tao ay walang lumalapit sa akin, walang kumakausap o pumapansin man lang. Pero nang makilala kita, I mean, noong makita kita. Do'n ko napagtanto na hindi lang pala ako ang walang kasama sa campus tuwing recess o lunch."

Nakatingin lang siya sa akin at alam kong nakikinig ito sa mga sinasabi ko kaya nagpatuloy ako.

"Kaya siguro pinagtagpo tayo dahil gumawa rin ako ng paraan para mapalapit sa 'yo." Tumawa ako sa sinabi ko pero itong kaharap ko'y seryoso lang ang ekspresiyon sa kaniyang mukha.

"Nandito na rin naman na tayo kaya sasabihin ko na rin sa 'yo..." Sumeryoso na ako. "Dito sa puntod ng ina ni Simon, ipinapangako ko na aalagaan kita at ang anak niyong dalawa. Gusto ko ring malaman mo na mahal kita."

Lumiwanag ang mukha niyo. "You mean, sinasagot mo na ako?" Tumango lang ako kaya bigla siyang tumayo at nagtatalon. "YES! FCK! WOOH!"

Natawa ako dahil sa tuwang ipinapakita niya.

Tumigil din naman siya sa pagtatalon at lumuhod sa harapan ko. Muli niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at tumingin sa mga mata ko.

"You don't know how much happiness I felt, right now! I'm so happy that finally, you're mine."

"Ako rin... Masaya ako dahil akin ka na," sagot ko.

Pinaliit niya ang distansiya ng aming mga mukha. Hindi pa rin napuputol ang tinginan naming dalawa. Kaya't dahan-dahan kong ipinikiy ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko ang labi nito sa aking labi.

Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko, saksi ang mga patay sa sementeryong ito kung gaano ako kasaya ngayon.

*****

Happy Halloween sa inyong lahat!

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now