Her Past Life:One

640 117 139
                                    

Sofia's POV

"Hoy Ate! Gising na!"-Enzo

"Hhhmmm..."-ako

"Ano bayan! Tulog-Mantika!Yuck!"-Enzo

"Ito na!Ito na!Babangon na oh, sige na layas!"sabi ko sa kapatid ko. Siya si Enzo nakababatang kapatid ko, 11 years old at siya ang palaging gumigising sa akin. Ewan ko ba kung bakit maaga palaging gumigising yun, eh dati naman sabi niya ayaw na daw niya mag-aral pero ngayon Woww ayos na ayos ah, sino kayang pinopormahan nito?(Smirk)

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan?!"-Enzo

"Wala! Sige na layas!" at lumabas na siya ng kwarto ko. Hayyy ang sungit talaga ng kapatid ko. Hindi ko alam kung saan nag-mana eh mabait naman sila Mom and Dad char jOkE ... Sila mama at papa hehe...Hindi kami mayaman, hindi rin kami poor hehe sakto lang. Hayyy kwento ako ng kwento dito, makaligo na nga!

A Few Minutes Later...

Phone ringing...(Anpanman-BTS)

"Waiting for you, Anpanman! Waiting for you, Anpanman! Nega nuchi nega lak la! Hello?"

"Hoyy Manang!" sabi ng kaibigan ko na si Jianna

"Oh? Napatawag ka?" Sabi ko sa kanya. "7:43 na! Nasa-"

Toot-toot-toot

Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya at tumingin ako sa orasan. Hala!Patay! Agad akong nagbihis at hindi ko na alam ang sinusuot ko dahil nagmamadali na akong bumaba sa sala.

"Oh, Good morning anak" nakangiting sabi ni Mama,"Ma nasaan si Enzo? Late na kami" sabi ko kay mama.

"Oh,Kanina pa umalis anak."

"Ha! Patay sakin yung batang yun, sige na ma! Bye!"

"Bye anak, take care!"

Agad akong lumabas sa bahay at naghintay ng masasakay na angkas pero may dumaan na sasakyan sa harap ko. Akala ko kidnapper, Si Liam pala hehe..

"Oh? Late ka din?" sabi ni Liam kaibigan ko.

"Oo HAHAHA"-ako

"HAHAHA apir!" -Liam

"Dali sakay na!" pumasok na ako sa sasakyan niya. "Huwag ka nang magmadaling magdrive tutal late parin naman tayo HAHAHA"

"HAHAHAHA" tawa ni Liam. Siya ang kauna-unahang kaibigan na nakilala ko sa University of Carat for short UC. Magkaklase kami since high school hanggang sa nakilala pa namin ang iba pa naming mga kaibigan, si Jianna yung tumawag kanina hehe siya ang pinakamaingay sa aming anim. Oo, tama ang nasa utak mo kaibigan HAHAHA.

Sa pagiging daldal ko dito ay nakarating na kami sa school namin, sa UC. Agad nagpark si Liam sa parking lot . Pagkarating namin sa labas ng classroom naming ay nakita namin ang mga kaibigan naming na naghihintay sa labas"

"MAYY GHHHADDD!!! why the two of you so tagal?"Dinig namin ang sigaw ni Ynnah. Isa siya sa mga close friend namin. "Oh? Bakit kayo nandito sa labas?" tanong ni Liam

"Hinihintay namin kayo" sagot ni Lucas. "Ha?!"sabay namin ni Liam

"Hakdog"-Kendric

"Oo, Kaya sabay-sabay tayong papasok na late hehe..."-Jianna

Pagkasabi ni Jianna ay biglang bumukas ang pinto, Hala patay si Prof.

"Ehem"ubo ni prof

"For the third time, pumunta kayo sa Guidance Office...NOW!" sabi ni Prof. Clark. Siya ang pinakastrict na guro sa buong UC. Kinatatakutan siya ng lahat na estudyante dahil sa pagiging mahigpit na guro pero hindi tumatalab ito kay Kendric na kanina pa kumakanta ng...

"Chillin' like a villain, yeah, ra ra ra "-Kendric

O diba? Chill na chill lang siya habang ngumunguya ng bubble gum habang kaming lima dito ay nakayuko.

Habang kami ay papunta sa Guidance office ay may nakita akong babae na naka maria clara na humihingi ng tulong sa mga batang naglalaro ng bato bato pik.

Titingin sana siya sa amin kaya agad kong iniba ang tingin ko, at pagtingin ko ulit sa pwesto niya ay wala na siya.

"Ayos ka lang?"tanong ni Lucas kaya sinabi ko sa kanya na ayos lang ako


-Guidance Office-

"You may leave Professor Clark" ma awtoridad nasabi ni Ma'am Marcia at agad lumabas si Prof Clark.

Pagkalabas ni Prof ay agad tumatawa si Ma'am Marcia. Nagkatinginan kaming anim at pabulong na sabi ni Ynnah na "Anong tinatawa-tawa niya dyan?"sasagot sana din ako ng pabulong kay Ynnah pero agad sinabi ni Ma'am na hindi daw siya baliw at sinabi niya na masyado daw kaming seryoso at gayahin daw namin si Kendric na chill lang.

"Edi Meow"-Kendric

"Sige maari na kayong lumabas HAHAHA"

"Po?" tanong ni Jianna.

"Oh?Ayaw niyo yun? Sige perm-"

"Ah hindi po Ma'am! Salamat po talaga hulog kayo ng langit hehe"agad na sabi ni Jianna

"Sige lumabas na kayo para makapag-wattpad na ako hehe"-sabi ni Ma'am Marcia. Matanda na si Ma'am Marcia pero feeling teenager parin pero mas maganda nga yun kasi hindi siya masyadong strict kagaya ni Prof. Clark.

Lumabas na kami sa Guidance Office at pumunta na agad sa canteen kasi recess na namin.

A few Minutes Later....

Nagkahiwa-hiwalay na kami dahil magkaiba na kami ng subject ngayon.

"Sige una nako,bye!" -Jianna

"Ako rin,bye!"-Ynnah

"Kami rin ni Liam, una na kami"-Kendric

"Sige sige bye!"sabi ko,kukunin ko na sana ang bag ko pero agad kinuha ni Lucas."Tara na,sabay na tayo" sabi ni Lucas. Kukunin ko na sana ang bag ko pero nakita ko na naman ang babae na nakita ko kanina pero ngayon ay nakatingin na siya sa akin.

"Sino ba ang tinitingin mo? Ayos ka lang? Pwede kitang dalhin sa clinic kung gusto mo" Sabi ni Lucas.

"Ayos lang ako, Kilala mo ba yung babaeng nakamaria clara ?" turo ko sa pwesto ng babae.

"Huh?Wala namang babaeng nakamaria clara dito,sigurado ka bang ayos ka lang?"

"Oo naman ayos lang ako hehe"

******

HeartyMaye:Hi guys! I hope you like it! Don't forget to follow and comment:)

Her Past Life(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon