Chapter Five

73.2K 879 32

CHAPTER FIVE

Ayokong mainip. Sabi ko kay Bianca i- text ako tuwing wala siyang pasok. Kung puwede nga lang na swelduhan ko na lang siya para samahan ako, gagawin ko. Pero baka sabihin ang yabang- yabang ko atsaka baka magtaka sa sobrang galante ko. Gusto ko lang namang sulitin ang natitirang araw ng buhay ko ng nakakatulong sa kapwa. Kung alam nga lang niya.

Kapag may time niyayaya ko na lang silang mag- anak na kumain sa labas at mamasyal.

Minsan sa sobrang inip ko, niyaya ko siyang pumunta sa casino. Napadaan kasi kami at naalala ko ang ilan kong kakilala sa America na madalas mag- casino. Sa totoo lang, ayoko ng sugal pero naku- curious ako sa loob nito base na rin sa kuwentuhan nila.

Niyaya ko si Bianca. First time naming pumasok doon. Basta ang alam ko nag- e- enjoy daw doon ang mga tao. Na- curious ako kaya sinubukan ko. Gusto ko lang namang mag- enjoy kung totoo nga.

Sabi nila, kapag niyaya mo daw ang isang tao doon, galit ka daw sa kanya kasi parang itinutulak mo daw ang isang tao sa masamang bisyo. Sabi ko sa sarili ko, hindi naman siguro lahat. Gusto ko lang naman maging masaya at magpasaya. Atsaka gusto ko lang maglibang. Lalo pa sa kalagayan kong ito. Ewan ko rin, depende siguro sa tao.

Dumadalas ang punta namin doon. Kahit palaging talo okay lang, masaya naman. Natutuwa kasi akong maglaro sa mga slot machines doon lalo kapag nagbo- bonus. Pero hindi biro 'yung naipapatalo ko. Napapanganga na lang si Bianca. Pinagsabihan niya ako pero hindi ako nakinig. Sabi ko, hindi na mahalaga sakin ang pera, ang importante masaya tayo.

Binibigyan ko ng pera si Bianca para sa pamilya niya. Tuwing may makikita akong mga bata sa kalsada na nanghihingi, bigay lang ako ng bigay tapos magtatawag pa sila kaya madami silang nabibigyan ko. Ang sarap sa pakiramdam ng nakakatulong ka at nakakapagpasaya ka ng tao. Tuwing sisimba ako, palagi akong nagdo- donate ng pera.

Wala akong pakialam sa mga naibibigay ko, ang mahalaga masaya akong nakapagbibigay sa ibang tao. Aanhin ko ba ang pera sa kabilang buhay? Hindi ko na iniisip ang bukas, basta ang alam ko kahit anong oras puwede na akong mawala.

Bihira ng sumakit ang ulo ko, kapag puyat na puyat lang ako.  

Nalagpasan ko na ang dalawang buwang taning. Umabot na ng apat na buwan. Ngunit ang pera ko malapit na yatang maubos.

Nagtataka siguro si Bianca kung bakit hindi na ako nagyayaya sa kung saan- saan. Naisip kong magtipid na. Pinaasa na naman ako, umasa akong dalawang buwan na lang ang itatagal ko sa mundo pero bakit? Bakit?

Alam kong dapat pa akong magpasalamat at matuwa sa nangyari pero nauubos na ang pera ko. Kailangan ko ng lumipat ng tirahan. Nagpatulong ako kay Bianca na maghanap ng apartment. Nung una nag- suggest siyang sa kanila na lang ako tumigil pero ayoko. Tinanong niya ako noon dahil akala niya dalawang buwan lang ako dito sa Pinas, sabi ko, dito na ako for good. Hindi na ako aalis. Natuwa naman siya kahit may pagtataka.

"Kasi bakit ngayon lang naisipang umalis ng hotel? Bakit hindi ka na lang bumili ng house and lot?" Tanong ni Bianca.

House and lot? Lot nga wala na akong pambili. Labas kasi ako ng labas ng pera wala namang pumapasok pero hindi naman ako nagsisisi sa mga pinagkagastusan ko. Ang alam ko kasi, mawawala na ako. Ano bang nangyayari sa akin? Kailan ba ako mamamatay?  Ayokong mag- trabaho, sinong tatanggap sa katulad kong may sakit? Pero hindi ko talaga ine- expect na mae- extend pa ang buhay ko to think na wala naman akong iniinom na gamot. Ito na ba 'yung himala?

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Bianca. Sasabihin ko rin sa kanya sa tamang panahon.

"Ah eh kasi, may gusto na akong bilhin kaso hindi ko pa nakakausap ang may- ari." Pagsisinungaling ko about sa suhestiyon niyang house and lot.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!