Chapter 4

73.5K 884 21

CHAPTER 4

CRYSTAL

"Bebe ko! San ka ba galing?" Si Mark.

"Ah e nagtatakbo kasi ako bigla kanina dahil sa takot." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Akala ko ikaw 'yung hawak ko kanina, ibang babae pala. Pinuntahan pa nga kita sa kotse, akala ko nandun ka. Hindi naman kita matawagan dahil naiwan mo pala sa kotse ang phone mo." Sabi niya.

Oo nga pala ngayon ko lang naalala.

"Ganun ba? Pasensya na Mark." Sabi ko.

"Galit na galit nga si Renz dahil sa nangyari. Sabi nila, sinadya daw patayin 'yung ilaw, pero wala naman kaming maisip kung sinong puwedeng gumawa nun at kung bakit."

Tss, it's James for sure.
Ilang minuto pa kaming nagtagal doon at maya- maya'y nagyaya na rin akong umuwi.

Sakay na kami sa kotse nung makatanggap ako ng text message galing kay James.

From: Mk

Sabihin mo sa lalaking 'yan mag- ingat sa pagda- drive. Kung hindi mananagot siya sakin!

Haha. Natatawa ako sa loob- loob ko. Nag- reply na lang ako ng "Yes sir!" hehe.

"Bebe ko, salamat ha, pasensya na rin sa nangyari kanina." Sabi niya nung makababa kami ng kotse.

Nasa may gate na kami ng bahay namin.

"Okay lang Mark. Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Tanong ko.

"Ah hindi na. Magpahinga ka na bebe ko." Sabi niya.

"Ah Mark, may pakiusap sana ako sayo." Sabi ko.

"Kahit ano bebe ko." Sabi niya.

"Huwag mo na sana akong tawaging... bebe ko?" Sabi ko.

"Huwag lang 'yun." Agad niyang sagot.

"Pero Mark-" sabi ko pero hindi na niya ako pinatapos.

"Bakit Crystal? May masama ba dun? Tinanggap ko namang kapatid na lang talaga ang turing mo sakin kahit masakit pero huwag mo naman akong pagbawalan sa bagay na nagpapasaya sakin lalo at napakaliit na bagay lang naman." Sabi niya.

Hay, ano ba 'tong ginawa ko at pabigla- bigla ako. Nako- konsensiya tuloy ako pero kung masaya siyang tawagin akong ganun, ang asawa ko naman hindi. Ano ng gagawin ko? Mahalaga sakin si Mark at siyempre si James.

"Mark, hindi ko naman gustong saktan ka. Ayaw ko lang umasa ka dahil mas masakit 'yun di ba?" Sabi ko.

"Tama na bebe ko, magpahinga ka na. Goodnight." Sabi na lang niya at bigla akong hinalikan sa pisngi.

Hay, paano ko ba ipapaliwanag kay Mark? Pakiramdam ko kasi umaasa pa rin siya.

Nang makapasok ako ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tulog na siguro sina Mommy.

Nakapag- shower na ako at nakahiga na sa kama ko nang tumawag si James.

"Mahal ko." Sabi ko sa kabilang linya.

"Anong oras ka nakauwi?" Tanong niya.

"Kanina pa po. Actually, nakapag- shower na ako at nagpapahinga na. Ikaw nasa bahay ka na ba?" Sabi ko.

"Opo mahal ko." Sagot niya.

"Baka wala ha." Sabi ko.

"Tss, sabi ko naman sayo dito na kita iuuwi para alam mo." Sabi niya.

"Nagbibiro lang ako mahal ko. I believe in you." Sabi ko.

"I know you do." Sabi niya.

"I love you." Sabi ko.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!