Chapter 10

7 0 0
                                    

Ilang linggong lumipas, abalang-abala ang pagtuturo ni Maicy bilang music teacher sa mga mag-aaral. Minsan niya pinakanta ang mga kanta galing sa subject na music textbook sa mga mag-aaral. Naisautak kaya ang mga mag-aaral hindi lamang ang tamang pagtono at pag-tiyempo ng pagkanta kundi pati na rin ang pagsusulat ng nota? Kahit mahinahon siyang tinatrato nang matino sa kanila, ang mas mahalaga ay kailangan talaga maitaglay ng kani-kanilang sipag at tiyaga.

Bago matapos ang music lesson ayon sa nakatakdang oras sa pagtuturo, ipinagbilin ni Maicy sa mga mag-aaral na maging mapagkumbaba bilang role model sa kanilang sarili. Ang mga isyu tungkol kay Aira ay hindi niya ibinabalita sa kanila dahil musmos pa lang ang pag-iisip nila.

Oras na ang uwian galing eskwelahan. Paglabas ni Maicy ay laking gulat niya nang nakita si Bessy na nakasulyap sa kanya.

"'Andito ka na pala, Bessy?!" ang gulat na sabi ni Maicy.

"Yup," ang sabi ni Bessy, "'andito lang ako dahil meron na akong update sa 'yo."

Nang naghawak niya ang dalang smartphone, ipinakita sa display nito para kay Maicy.

"Ayon sa balita na nabasa ko sa Twitter page ng Silahis Records pati na si Aira," ang ipinagpatuloy na sabi ni Bessy, "mamayang gabi na raw ang public appearance ang paglabas ni Aira sa mga fans niya sa labas pagkatapos ang pagpardon niya sa mga management ng Silahis Records."

"Talaga?" sabi ni Maicy. "Reliable nga ba ang source nito? Ang pangamba ko lang na hindi baka totoo ang sinasabi nila."

"Huwag kang mag-alala, Maicy," ang tugon na sabi ni Bessy, "kung hindi totoo man o hindi, ang mas mahalaga ay dapat talaga makapunta doon para sigurado, pero kailangan din tayo magmamasid kahit nakabalabal tayo para hindi tayo kilala sa mga tao."

"Ano 'yon?" ang tanong ni Maicy.

"Eto," sabi ni Bessy na bitbit niyang dalang cardboard bag, "meron akong dala na damit-pambabae na pang-Muslim, binili ko ito galing <insert name of place in west Metro Manila area>."

"Anong gagawin natin itong isusuot?" ang puna na sabi ni Maicy. "Baka ang hingala nila sa atin nagmukha tayong terorista."

"Ha, ha, ha, ha!" ang hagiktik na tawa ni Bessy. "'Wag mo na isipin 'yon, meron na namang mababait na Muslim na ginagalang nila sa atin in reality. 'Yung iba, ginawang terorista ang taong Muslim-simba-kuno! Ha, ha, ha, ha!" ang muling hagiktik niya, pati na rin ang pagtawa ni Maicy. 

"By the way," ang patuloy pang sinabi ni Bessy, "'di ba ang plano natin ay dapat tayo magmasid kay Aira? Pag-uwi niya dapat tayo magbuntot na sumunod sa kanya pagsakay natin ng kotse ko para malaman kung ano ang kinaroroonan ng bagong bahay ni Aira. Gets mo?"

"Talaga?" ang hanga niyang sabi ni Maicy. "Tama ang ideya mo, iyan ang expect ko lang kung nasaan siya ngayon, tapos balak ko talagang mag-usap nang masinsinan kay Aira."

"O ano, pwede ba nating mag-start ang plano natin?" tanong ni Bessy.

"O sige," sagot ni Maicy, "gawin na lang natin ang makakaya. 'Wag sanang mabunton 'yung hinihingala na balak natin."

********************

Pagsapit ng gabi, mahigit sangdaang mga babaing fans ang nakatayo na nakaharap sa opisina ng Silahis Records dahil nasasabik silang makita muli si Aira. Sina Maicy at Bessy naman na nakadamit-pambabae na pang-Muslim pati na ang pangtakip nito sa mukha ay nakamasid sa pintuan ng opisina ng naturang record company sa likuran ng naturang katao.

"Sigurado ka ba sa plano natin?" tanong ni Maicy.

"Huwag kang mag-alala," sabi ni Bessy, "pasalamat na lang hindi nila makilala sa atin. Tignan natin kung

Kahiyas Singers: Reunion of The Lost Young Pinay Pop Music GroupieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon