Chapter Four

81.4K 992 13

CHAPTER FOUR

Yakap- yakap ako ni Tita Claire. Mabuti na lang at nakilala ko siya. Malaking bagay na may nagko- comfort sa akin ngayon. Pero hindi na mababago ang sinabi niya sa akin na may cancer ako. Two months to live my life? Ang sakit- sakit. I'm only 22.

"Ssshhh... Iha magdasal tayo. Hindi ka pababayaan ng Diyos." Sabi ni Tita Claire.

Ang hirap tanggapin. Wala na akong dapat hintayin, himala lang. Hindi na ako naghintay ng sasabihin pa ng doktor. Si Dra. Charie Sanchez daw ang doktor. Kinakausap niya ngayon si Tita Claire. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong tumakas, takasan ang katotohanan. Ayoko na dito. Gulung- gulo na ang utak ko.

Nakasakay na ako sa eroplano pabalik ng Pilipinas.

Tumakas ako sa hospital nung mga oras na 'yun. Nakakahiya man pero iniwan ko na si Tita Claire. Ayoko ng awa. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagtago ako sa hotel, gusto kong mapag- isa nung mga oras na 'yun.

Ipinagbili ko ang bahay at lupang ipinangalan sa akin, wala akong itinirang ari- arian. Sa Pilipinas na ako titira. Bitbit ang abo ng mga magulang ko. Gusto kong maging masaya sa loob ng dalawang buwang taning sa akin.

Nang maayos ang lahat ng kailangan ko para makaalis, agad- agad akong umalis pabalik ng Pilipinas.

Hindi ko pa rin mapigilang umiyak. Nagtitinginan na 'yung mga pasahero. Pero nangako ako sa sarili ko na pagbaba ko sa eroplanong ito, kakalimutan ko na ang sakit ko.

Naalala ko 'yung address ng amo ni Inay na ibinigay ni Dra. Ayoko ng pumunta doon. Baka sinabi na ni Dra. ang kalagayan ko. Ayaw ko ng awa. Ayokong kaawaan ako. Sobra- sobra na ang naitulong ng mag- asawa sa amin, ayoko ng dagdagan pa.

Sa hotel ako tumuloy. Sa dami ng pera ko kahit dito na ako tumira ng ilang buwan. Hindi na ako nag- abalang bumili ng condo unit. Kasi hindi na rin naman magtatagal ang buhay ko.

Ang dami kong gustong gawin. Nagpunta ako sa isang bahay ampunan at nag- donate ng pera, sa simbahan, pati sa mga pulubing nakikita ko.

Sa dami ng pera ko ngayon, iniisip ko pa rin kung paano ko 'to uubusin sa loob ng dalawang buwan. Hindi ko na inisip na magpagamot o magpa- chemoteraphy. Ma- e- extend lang ang buhay ko pero andun pa rin 'yung sakit. Ayokong sumugal. Aasa lang ako. Ayokong umasa.

Gusto kong maging masaya na lang, tanggapin kung hanggang saan na lang talaga ang buhay. Wala na ang pamilya ko, wala akong kilalang kamag- anak.

Bumili ako ng mga bagong gadgets. Pati bagong kotse. Binuksan ko 'yung laptop ko at nag- online. Nag- message ako kay Bianca, bestfriend ko simula nung high school. Sabi ko magkita kami. Kinuha ko 'yung contact number niya at tinawagan siya.

"Zayl?! Ikaw na ba talaga 'yan? Ang ganda- ganda mo. Ilang taon ka na kasing hindi nag- a- update sa facebook?" Sabi ni Bianca. Nandito kami sa mall.

"Ang laki din ng iginanda mo, how are you?" Sabi ko ng may lungkot sa mga mata.

Ewan ko kung napapansin niyang may pinagdadaanan ako.

"Wow pa- english- english na lang. Ang sosyal mo na at parang ang yaman mo na nga. Ako, tumigil ako. Nagkasakit kasi 'yung kapatid ko pero isang taon lang at nagtuloy na rin ako, vocational nga lang. Nagta- trabaho ako bilang service crew sa isang restaurant ngayon."

"Ganun ba. Halika kain tayo." Sabi ko.

Pagkatapos naming kumain, nagyaya akong mag- shopping. Pinapili ko ng pinapili si Bianca. Nung una nahihiya pero sabi ko magagalit ako kapag tumanggi siya.

"Salamat talaga Zayl ha. Ang bait- bait mo talaga."

"Wala 'yun." Sabi ko.

"Ah Zayl, kasama mo rin ba sina Tito't Tita?"

"Wala na sila eh." Sabi ko.

Alam ko ng itatanong niya 'yun, ayaw ko lang sabihin hangga't 'di siya nagtatanong.

"You mean?? Omayghad? Kelan pa? I'm sorry."

Kinuwento ko sa kanya kung paano at kailan nawala ang mga magulang ko. Iyon lang, dahil sa ngayon gusto ko munang sarilinin ang mga problema ko.

"Nakikiramay ako Zayl. Wala kasi kaming balita sa'yo."

"Okay lang. Mas pinili ko na rin muna kasing manahimik. Ganyan talaga ang buhay." Sabi ko ng may pait.

Gusto kong maging matatag. Huwag kang masanay na nandiyan palagi sila, dahil darating ang panahon na iiwan ka rin nila. Sarili mo lang naman talaga ang maiiwang mag- iintindi sa'yo. Kailangan lang maging matatag, sulitin ang panahong nabubuhay ka.

Sabi nga nila. You never know how strong you are, until being strong is the only choice you have. Kaya kailangan kong maging malakas.

"Zayl nandito lang ako ha, if you need a friend."

Ngumiti ako at niyakap siya.

"Bianca may ipapakiusap ako sa iyo."

"Ano iyon?"

"Huwag mo munang sabihin sa mga naging classmates natin na nandito na ako."

"Wala na rin naman akong contact sa mga 'yun. Pero bakit, ayaw mo bang makita nila na successful ka na? Na ang dating mahirap, milyonarya na ngayon?"

"Basta.. Eh 'di kung may makita tayong kakilala, hi sa kanila." Nagtawanan kami.

"Ganun. Baka naman may iniiwasan ka lang."

"Ano?" Tanong ko.

"Si Jack."

Nagulat ako sa sinabi niyang pangalan. Jack? Sino pa nga bang Jack? Ang lalaking sinaktan at iniwan ko noon. Ang lalaking minahal ko or should I say, mahal ko pa rin hanggang ngayon.

"Ano ka ba, matagal na 'yun. Mga teenager pa kami nun." Sabi ko na lang.

Gusto ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero sa sarili ko kahit matagal na 'yun, siya pa rin talaga ang laman ng puso ko. 

Sa ilang taon kong ipinamalagi sa ibang bansa, ni hindi man lang ako tumanggap ng manliligaw, siguro dahil busy rin ako sa pag- aaral at nung makatapos naman ako, nagpursige akong mag- trabaho.

"Pero alam mo Zayl, simula nung umalis ka, hindi na ulit nag- seryoso si Jack sa mga babae tapos madalas pang mapaaway."

"Kamusta na siya ngayon?" Hindi ko napigilang itanong.

"Balita ko sa Paris nagpatuloy ng pag- aaral at hindi pa bumabalik dito sa Pinas hanggang ngayon."

"Ganun ba."

"Oh bakit parang nalungkot ka?"

"Baliw. Halika na nga."

"Saan ka ba nakatira ngayon?"

"Sa hotel, dalawang buwan lang naman ako dito."

"Babalik ka na sa America?"

"Y- yeah." Pagsisinungaling ko. 

Hinatid ko si Bianca sa bahay nila. Nagpakita ako sa mga magulang niya at nakipag- kuwentuhan saglit. Nagpaalam na rin ako pagkatapos.

Hanggang kelan ko itatago ang lihim ko? Kahit paulit- ulit kong sabihing tama na, ayoko ng isipin, pero kapag mag- isa na lang ako, pumapasok pa rin sa utak ko.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!