Chapter Three

92.9K 1.1K 14

CHAPTER THREE

Ang bilis ng panahon, malaki na ang tiyan ng Inay.

Kalalabas ko lang galing ng trabaho. Susunduin nila ako ngayon dahil naisipan naming mamili ng gamit ng baby.

Inay 

calling......

"Hello Inay nasaa--."

"Anak?! Zayl?! N- nawalan ng p- preno 'y-yung kotse...."

"Inay! nasaan na kayo?? Diyos ko a- ano'ng gagawin ko?" Sabi ko.

Natatakot ako. Ano nang nangyayari?

Narinig ko na lang na may malakas na ingay.

"Inay! Itay! Inay sumagot kayo!" Sabi ko sa kabilang linya.

Iyon ang huli kong naalala dahil nawalan na ako ng malay.

.....

"Zayl, are you okay?" Tanong ng ka- trabaho ko nung bumalik ang malay ko.

"Where's my parents? I wanna go to them? Where are they? Please help them. Please." Sabi ko ng litung- lito.

"Zayl.... I heard what happened about your parents. I am sorry to tell you that.... that...."

"Tell me what happened to them!?" Naiiyak ko ng sabi.

"They're gone."

"No.." Sabi ko ng nanlulumo.

Agad akong umalis pagka- tanong ko kung saan dinala ang mga magulang ko.

Nagpunta ako sa ospital na pinagdalhan sa mga magulang ko.

"Diyos ko..." Hindi ko na mapigilang mapahikbi sa nakita ko.

Nakatakip na sila ng puting kumot.

"Inay... Itay... Bakit nangyari sa inyo 'to? Ano'ng kasalanan niyo? Bakit niyo ko iniwan.... Magkakaroon pa ako ng kapatid di ba??? Diyos ko.... Bakit nangyari sa kanila 'to.. Ni hindi niyo man lang ako nabigyan ng pagkakataong makasama ang kapatid ko... Napakasakit..." Yakap- yakap ko ang wala ng buhay nilang katawan habang umiiyak ako.

Litung- lito ako. Ang bilis ng pangyayari. Ang saya lang namin kahapon pero sa isang iglap lang napawi na ang lahat ng magagandang ala- ala dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sabi ng mga police sinadya daw tanggalin ang break ng kotse namin. Pero sino'ng gagawa nun? Wala naman kaming kaaway. Wala na akong pakialam basta ang alam ko, napakasakit.

....  

Napagdesisyunan ko na ipa- cremate sila. Ipinaubaya ko na sa mga police ang imbestigasyon. Kahit ano namang gawin ko, hindi na maibabalik ang buhay ng mga magulang ko. 

... 

Nagulat na lang ako na sa akin nakapangalan ang bahay na tinitirhan namin at mas nagulat ako sa iniwan ng inay na malaking pera sa bangko. Hindi ko inaasahang makakapag- ipon siya ng ganito kalaking pera.

Ang dami kong tanong. Gusto kong kontakin 'yung mga amo niya pero ni pangalan at tirahan nila ay hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung alam na nila ang nangyari. 'Yung doktora namang kapatid ng amo ng Inay na nag- opera sa  Itay, wala daw ngayon sa bansa.

Ang dami kong iniisip, ni hindi na ako makakain. Nag- resign na ako sa trabaho dahil plano ko ng bumalik sa Pilipinas. Palagi ko pa rin silang naaalala. Ang bilis ng buhay ng tao. Pinaasa lang ako.... Gumaling ang itay, gumanda ang buhay namin, nakatapos ako ng pag- aaral, magkakaroon pa sana ako ng kapatid pero sa isang iglap lang nawala ang mga mahal ko sa buhay.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!