Chapter 2

93.3K 1.1K 11

CHAPTER 2

CRYSTAL

Gising na kaya ang mahal ko? Matawagan nga. Pero ilang beses ko ng kinokontak, hindi pa rin sinasagot ang tawag ko.

Hay, ang hirap naman ng ganito. May asawa ka nga pero malayo naman sayo.

Nasa sala kami ni Mommy ng biglang tumunog ang cellphone ko. Naku si James na yata 'to! Tatayo na sana ako palayo kay mommy nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag.

Ibang number eh. Hindi naka- register, sino kaya 'to? Sasagutin ko ba?

"Hello? Sabi ko sa kabilang linya.

"Crystal?" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Do I know you?" Tanong ko.

Si Mommy naman ay napatingin sakin. Sigurado akong hindi 'to ang asawa ko dahil sa boses at hindi 'yun gumagamit ng ibang number sakin.

"Bebe ko nakalimutan mo na ako?" Sabi sa kabilang linya.

Bebe ko?

"Mark!" Nae- excite kong sabi.

Siya lang ang tumatawag ng ganun sakin, bata pa lang kami.

"Akala ko nakalimutan mo na ako. Dalawang taon lang naman ako nawala eh." Sabi niya.

Two years ago nung magpasya siyang magpunta sa Canada dahil sa nagkasakit niyang ama. Si Mark ang bestfriend ko since birth. Hehe.

"Baliw, hindi. Nagtaka lang ako. Kailan ka pa dumating?" Sabi ko.

"Kahapon lang. Mabuti naman at 'yan pa rin ang number mo bebe ko. Nasa bahay ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ko.

"Papunta na ako diyan. Bye bebe ko." Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero naibaba na niya.

"Iha si Mark ba 'yun na bestfriend mo?" Tanong ni Mommy.

"Yes mom. Actually papunta na daw po siya dito." Sabi ko.

"Talaga? Mabuti naman at miss ko na rin ang batang 'yun." Sabi ni Mommy.

Actually, ka- close ni Mark ang mga magulang ko. Magkakaibigan din kasi ang mga magulang namin.

"Bebe ko!" Tawag ni Mark sakin pagkapasok niya ng bahay namin.

Niyakap niya ako agad.

"Tita Rita, kamusta na po?" Tanong niya kay mommy at niyakap din.

"Mabuti naman. Kamusta na ang daddy mo iho?" Tanong ni Mommy.

"Okay na po siya. Malakas na po ulit." Sabi ni Mark.

"Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik ng Pilipinas." Si Mommy.

"Aba opo! Para naman madiskartehan ko na itong anak niyo." Sabi niya habang tumatawa.

Ano daw? Napanlakihan ko naman siya ng mata dahil sa biro niya. Ang alam niya kasi wala pa akong boyfriend eh hindi niya alam may asawa na ako.

"Mark." Saway ko.

"Ewan ko nga ba dito kay Crystal. Ang daming gustong manligaw, binabasted naman. Baka kako ikaw lang ang hinihintay." Si Mommy.

"Mommy!" Sabi ko.

"Totoo ba bebe ko? Nagpapakipot ka lang yata sakin ha?" Sabi niya.

"Baliw!" Sabi ko at hinampas ko siya.

"Baka tumandang dalaga ka na niyan iha. Huwag naman po sanang mangyari." Si Mommy na medyo may pagka- oa.

Nakakainis naman, ayoko ng ganitong usapan. Kung alam lang nila na may asawa na nga ako!

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!