"Ikaw talaga! ate Edel na lang para naman na din kitang nakababatang kapatid Sel" sabi nito sabay tapik nito saking balikat. "Maswerte si Rozan sayo dahil maasahan at mabait kang kapatid" puri nito kaya't napamulahan ako ng mukha sa papuri niya.
"Ah- h-hindi naman po ate Edel he he he" alanganing napangiti ako sa kanya. "Sige na po ate papasok narin po ako" paalam ko rito. At nagpaalam narin itong mag uumpisa na ang kanilang klase.
"Ba-bye baby Luan!" kumaway naman din ang pamagkin ko at inantay ko silang makapasok sa loob ng paaralan bago ako tumalikod paalis.
Alasdiyes imedya ng mag simula ang klase namin sa arts, sa katunayan ito lang ang subject na pinaka gusto ko sa lahat, hindi dahil sa magaling ako kundi...
"Wala raw si ma'am Fuegero!"
sigaw ng kaklase kong lalaki na si Milo hahaha! bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya.
"Ano ka ba naman Milo! di ka pa nasanay lagi namang wala Yun hahaha!" natatawang sabi ng kaibigan nitong si Charles kaya't nagtawanan na rin ang iba ko pang mga kaklase.
Gaya ng dati ay kanya kanya silang mundo, may nagkacutting class at pupunta sa mall o kung saan para maglakwatcha o di kaya'y pupunta sa canteen para kumain, mag pupunta sa library ang mga honor student para mag aral at may mga naglalandian sa last row! ay jusko! (・-・;)ゞ nakakadiri!
Napairap na lang ako at yumukyok sa mesa. Inilagay ko ang earphones ko sa tenga at mamimili na sana ako ng tugtog na pampatulog. Unti-unti na kong makakatulog pero---
"Hoy ghorl!" \(◎o◎)/ malakas na yugyog nito kaya't napa angat ako ng ulo! Aish!
"Anak ng--!" (눈‸눈) sinamaan ko ito agad kaya't napapahiyang nagkamot ito ng pisngi.
"He he he -- Peace!" nakangiting nag peace sign pa ito na tila nagpapaawa. "Sorry na ghorl! may sasabihin kasi ako!" malaki ang pagkakangiti nito na animo'y nanalo sa lotto.
"Ano ba kasi yun Daf? at bakit parang kumikinang pa yang mata mo?" takang tanong ko habang nakahalukipkip ang mga braso.
"EEEHHH ! k-keshe se Cloade keshe---" maarteng pagpapaliwanag nito habang magkadaupang palad pa ang mga kamay.
"Umayos ka nga wala ko maintindihan!" kinurot ko ng marahan ang hita nito kaya't napahiyaw ang gaga! (-____-)
"A-aray! inaya niya aw! ouch! ako maging p-partner aray! Sel!" muntik nako matawa dahil sa mabilis na pagsabi niya non ng walang kaartehan haha!
"Oh! edi natuwid mo yang sinasabi mo!" ngisi ngising sabi ko kaya't napanguso siya.
"Napaka sadista mo kaya walang nanliligaw sayo! hmp!" pagtataray nito.
"psh-- inaya ka ba niya sa ano? partner sa?" pag iiba ko ng usapan dahil paniguradong uusisain na naman nito ang lovelife ko at aasarin na naman ako nito sa lalaking taga kabilang section na may sapak sa utak tsk! ( ̄ヘ ̄;)
"San pa ba edi sa grand ball!" exaggerated ang pagsasabi niya non. "Wag mong sabihing nakalimutan mo!?" napaface palm pa ito na parang malaking kasalanang nakalimutan ko ang tungkol sa grandball.
ฅ^•ﻌ•^ฅ CHAPTER 1
Start from the beginning
