Chapter 1

97.3K 1.3K 6

CHAPTER 1

Philippines.

"Salamat naman iho at umuwi ka na." Si Mama na nasa sala.

Huminto ako sa paglalakad, aakyat na sana ako sa hagdan papuntang kuwarto. Papalapit siya sakin para salubungin ako. Gusto ko muna sanang mapag- isa sa kuwarto ko para wala munang makausap kahit sino dito sa bahay pero nagsalita na si Mama.

"James anak, you need to talk to your father." Sabi niya nung hindi pa rin ako nagsa- salita. Gusto kong huminahon kahit ramdam ko ng pagtatalunan na naman namin ang tungkol sa bagay na iyon.

"Ma, nag- usap na ho kami di ba?" Sabi ko sa mababang tono.

"But you need to talk to him, again." Sabi niya.

Hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag sa gusto nila.

"Ma, hindi na ho magbabago ang desisyon ko. Hindi ho ako magpapakasal sa babaeng ipinipilit niyong pakasalan ko." Sabi ko.

"James, malaki ang maitutulong nito sa ating kompanya-" sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos.

"Ang kompanya? Ma, hahayaan niyo na lang bang kontrolin ni Papa ang mga buhay natin? Ang buhay ng anak mo para lang sa kompanyang sinasabi niyo?"

F*ck! They always want the best for the company kahit mali na ang paraan nila! Paano naman ako? I also want the best for myself. I want to have a successful life and a happy life at the same time. And I know what would make me happy. Marami namang paraan para mas umunlad ang kompanya namin, masyado lang silang nagmamadali.

"James, ang kompanya LANG naman ang dahilan kung bakit meron tayo ng ganitong buhay. Ang kompanya LANG naman ang  nagpapakain satin, ang kompanya LANG naman ang nagbibigay ng lahat ng kailangan natin!" Sumbat ni Mama sakin.

"Ma, I know! I was just disappointed that you're choosing your son to be miserable by marrying a stranger just for our company to be the best among the other companies! Kasi puro kayo kompanya! Walang ibang importante sa inyo kung hindi kompanya!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

Sinampal ako ni Mama at alam kong nabigla lang siya dahil sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko lang talaga napigilang magtaas ng boses dahil sa mga bagay na gusto kong ipaintindi sa kanila. F*ck! Kadarating ko lang tapos ganito? Tss.

Iniwan ko na lang siya at umakyat na lang ako papunta sa kwarto ko. Ayoko ng makipagtalo pa. Idinayal ko ang number ni Crystal at ang tagal bago sinagot.

"Mahal ko?" Sabi sa kabilang linya.

"Nasa bahay ka na ba?" Tanong ko.

"Oo mahal ko, kausap ko sina Daddy kanina nung tumatawag ka. Lumayo lang ako para masagot ang tawag mo." Sabi niya.

"Ganun ba." Sabi ko.

"May problema ba, mahal ko?" Tanong niya.

"Nagtalo na naman kami ni Mama pero huwag ka ng mag- alala mahal ko." Sabi ko nung maramdaman ang pagaalala niya. "I miss you." Sabi ko pa.

I really miss her. I cant' wait to see her again, to hug and kiss her again. Oh G*d! I want her so bad.

"I miss you too, mahal ko." Sabi niya.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!