Chapter 36: Reminiscing

484K 10K 1.3K
                                    

Chapter 36: 
Reminiscing

--

"pudge bakit tayo andito? may tournament pa kayo."

"hayaan mo sila, kaya na yun nila kevin."

Tumayo ako sa inuupuan namin. Tinignan ko lang siya ng masama. Tinaasan ko pa nga siya ng kilay eh pero naka ngiti lang siya. Luh? problema niya?

"baliw ka ba? ikaw yung captain, ikaw pa yung wala!"

"bakit ba gusto mo na pumunta tayo dun? ayaw mo ba ko makasama?"

"gusto! pero gusto ko din na maging responsable ka sa pagiging captain ng mineski!"

"pudge, andun si kevin. may tiwala naman ako sa kanila eh, isa pa ayoko na mag tagal dun. Baka kung ano pa magawa ko sa mga tao dun." umupo ulit ako sa tabi ni miggy.

"huh? bakit?"

"slow hands mo talaga!"

"anong slow hands?"

"lag yang utak mo eh!"

"tse!" tumalikod ako sakanya. Kunwari galit ako. Inaasar na naman kasi ako.

"uy joke lang pudge! eh kasi naman. Hello?! inaaway ka na ng mga tao dun. Kahit babae pa yung mga yun papatulan ko yun kapag inaway ka pa din nila!"

"ano ka ba! okey lang ako. Parang showbiz lang yan eh, para kang artista, sa dota world nga lang. Kaya dapat masanay na ko sa mga pinag sasabi nila. Tska importante naman masaya tayo di ba?"

"i love you pudge!" hinalikan ako ni miggy sa noo tska niya ko niyakap ng sobrang higpit. "Thank you sa pag iintindi sakin."

Sa totoo lang, nasasaktan talaga ko sa lahat ng mga narinig ko, at siguro sa mga maririnig ko pa. Hindi naman ako sanay sa mga trashtalk at lalo na kapag sinabihan akong malandi. Ayoko lang mag alala si miggy kaya hindi ko sinabi yung totoo.

"lagi naman kita iintindihin eh, kasi mahal na mahal kita." tapos hinalikan ko siya, kahit madaming tao sa park wala akong paki alam, eh ang ganda kasi ng moment, you know? tska smack lang naman yun eh.

"tin... na alala mo ba yung araw na dapat mag dadate sana tayo? yung dinala kita sa computer shop.. nagalit ka nun eh, tas nag walk out ka.. tas nakita ko na lang kayo na ni kevin yung mag ka date dito sa park na to." na alala ko nga yun, hindi pa kami close nun eh. Asaran stage pa kami nun.

"oo pudge na alala ko, sorry ah.. ikaw kasi eh akala ko naman susundan mo ko nun! inis na inis kaya ko sayo nun eh!"

"kaya nga kita dinala dito, para ituloy natin yung date na yun, okey ba?"

"hmmm.. okey!"

Tumayo siya sa upuan namin. Pumunta siya sa nag titinda ng ice cream, bumili siya ng vanilla flavor. Waaaa! my favorite! nag tataka lang ako bakit bumili pa siya ng fish balls.

"oh pudge oh." kinuha ko sa kamay niya yung ice cream. "wag mo muna kakainin yung ice cream.. sawsawan natin yan ng fish balls" biglang kumunot yung noo ko. FISH BALLS AT ICE CREAM? ANLASA?!

"baliw ka pudge? anong lasa naman yun? tska bababuyin mo lang yung favorite vanilla ice cream ko eh!" tumawa siya tapos sinawsaw niya yung fish ball sa ice cream.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon