The only constant thing in this world is change. Pagbabago.
Iyan ang hindi natin mapipigilan. Kaya kung nagbago 'yung tao, kaibigan mo man iyan o kamag-anak, 'wag ka nang magtaka. 'Wag mo na rin sila sabihan na, "Uy, nagbago ka na", para lang ma pressure sila at ma-bother dahil sa sinabi mong pinagbago nila.
Alam mo ba'ng nakakagigil 'yon? Ranas ko 'yan eh.
One time, may nagmessage sa akin na kaibigan, saying, "You changed. I want the 'old' you back." Like, hello?! Kung nagbago man ako or kahit na sinong kakilala mo, huwag kang magdemand ng 'dating ako.' Choice ko, choice mo at choice ng kung sino ang nangyaring pagbabago sa atin. Hindi mo nalang basta pwedeng hilingin na ibalik nila yung dating sila dahil iyon ang nakasanayan mo. Mali 'yan bess! That's a no-no.
At gaya nga ng nasa unang sentence, change is constant. Lahat tayo nagbabago. Kaya before mo i-approach ang isang tao just to say na nagbago siya, tignan mo muna sarili mo dear. Baka ikaw din, nagbago. Dahil ikaw din, hindi na katulad ng kahapon.
Okay lang na sabihan natin ang isang tao na nagbago sila, kung change for the better naman ang naganap. Pero sabihin natin in a slow pace. Huwag pa bigla bigla. Huwag mo kaagad sabihin na, "Nagbago ka ah, galing." Huwag ganiyan. Lagyan mo naman ng introduction kahit kaunti para 'di nakakabigla. Example.
Imagine this. Kakilala kita. Lalapit ako sayo nang may malaking ngiti sa labi para batiin ka sa pagbabago mong naganap.
Y/n: Your name
"(Y/n)! Hi!"
Kunwari close tayo, edi siyempre yayakapin kita. Matagal daw na hindi nagkita eh.
"Grabe, ang ganda ganda mo na. Ang sexy pa! Bikini body na ang drama mo ngayon ah. Dati puro loose shirts ang suot-soot mo, ngayon may pa crop top na! Sanaol 'diba?"
Naghiwalay tayo sa pagkakayakap tapos tinignan kita mula ulo hanggang paa.
"Grabe, nagbago ka na talaga."
Oh, ano say mo?
'Diba parang nakaka-ilang naman. Kahit na maganda 'yung ibig mong sabihin at intension, saying 'You changed' is indeed bothersome.
Kung mapansin mo man na nagbago na siya, keep it to yourself. Ngitian mo nalang siya at i-admire yung magagandang changes niya.
Doon naman sa mga nagsasabi ng 'nagbago ka na', na hindi maganda ang dating, please keep it to yourselves too. Kung gusto man natin iparating doon sa tao ang kung ano mang napansin natin, ask mo nalang muna siya kung okay lang ba siya. Kung may problema. Kausapin mo siya ng hindi bini-bring up yung changes sa kaniya. For sure, mag-oopen up 'yan sayo. Magkukwento 'yan. And eventually, malalaman mo ang rason ng kaniyang pinagbago.
Kung hindi man siya magkukwento sa'yo, okay lang 'yan. Just tell her/him, na nandiyan ka lang palagi. I-comfort mo siya. I-hug mo. Huwag mong pilitin kung ayaw niyang sabihin sa iyo ang pinagdadaanan niya at ang rason kung bakit siya nagbago. Hayaan mo na. Intindihin mo nalang.
I hope na kahit mahirap gawin, let's try to understand and accept one another. Ako rin naman nahihirapan gawin 'yan. Pero try lang natin. Sige na. That is something to do to make things better.
Si Lord, iniintindi niya tayo, lahat tayo. Hindi lang ako, ikaw at ang katabi mo sa pagtulog, kung meron man. God wants us to be at peace with each other. Kaya kung nagbago man ang kung sino, huwag nalang natin pansinin. Not the person ah. I mean, yung pagbabago niya. Ipagkibit-balikat nalang natin. Or mas maganda, ipag-PRAY mo nalang.
Salamat, you read this entry. Gusto ko lang mailabas ang saloobin ko. At sa pagbabasa mo nito, ang laki na ng naitulong mo, promise. I sincerely thank you. Hindi na kita sasabihan mag-vote or mag-follow, cause it is up to you. Kung nagustuhan mo ito then kusa mo akong ipa-follow at magbo-vote. Mag-a-update ulit ako, not sure kung kailan. Basta kapag may kadramahan nanaman na naganap sa simple kong buhay edi another entry ulit, hehehe. Kailangan ko kasi muna ng samu't-saring 'happenings' bago magdrama.
Thanks ulit!
