14 : Diverticulitis

39.5K 987 45
                                    


Aviona

It's rainy season. Nakalimutan kong kumuha ng payong ko. At hindi ko namamalayang alas singko na pala ng hapon ng tignan ko ang relo ko. Nawili ako sa mga special numbers na sunod sunod kaya siguro ay hindi ko na namalayan ang oras.

" Thank you Bermuda Crew for that wonderful presentation. Mukhang nag-eenjoy ang ating butihing gobernador dahil sinamahan tayo hanggang sa oras na 'to." The MC smiled wide. Tila ba naging indikasyon iyon na mapatingin sa gawi ng gobernador. My heart beated fast the moment I looked at him and saw him looking at me. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang pabalik balik na tingin ng aking kapatid sa amin ni Luke. I have chosen to deviate my attention to Henry.

" Uhm mabuti pa'y umalis na tayo Henry. Kailangan ko na din kaseng isulat iyung article na ipapasa ko kay Claire" Wika ko kay Henry. Agad naman itong tumango kahit alam kong tulad sa akin ay nag-eenjoy din siya sa panood.

Nang makalabas kami ay saka ko lang naisip na wala nga pala akong dalang payong. Hinubad ni Henry iyung kaniyang suot na jacket at iyon ang ginamit naming pangsilong sa ulan. Buti nalang at hindi malayo ang pinagparkan namin nung sasakyan. Hinatid muna ako ni Henry sa inuuupahan kong condo bago ito umuwi.

It was a very busy day indeed. Alam kong kahit anong gawin kong pagkalimot ng nangyari kanina ay mahihirapan akong gawin lalo na't naiisip ko parin ang mga salitang binitawan sa akin ni Luke.

The warm water gave me that relaxing feeling. Indeed I deserved it after hours of working.

Sanay na akong tumirang mag-isa. After all, I don't have many friends and family. Si Cassy lang naman ang tumanggap sa akin. Siya lang.

I was busy drying my hair when I accidentally looked outside my window. Sa labas ay tanaw ko si Luke na nakatingin sa kinaroroonan ko. It's raining so hard and yet he's there standing without an umbrella.

" Gago talaga" Bulong ko sa aking sarili.

Maspinili kong huwag isipin na nandon siya sa labas at naghihintay sa akin.

Dinner at his place. That's not my cup of tea. Maslalo kong lang palalalain ang sitwasyon naming dalawa.

Hinawi ko ang aking kurtina at inayos para hindi na makita pa ang nangyayari sa labas.

Dumiretso ako sa couch at nanood nalang ng tv ngunit kahit horror pa ang pinapanood ko ay hindi parin mawala wala sa isipan ko si Luke na nasa labas at basang basa na sa ulan. Isa't kalahating oras na ang lumipas ng mapag-isipan kong tignan muli sa labas. I stood up and went to the window only to see him still standing there.

I cursed at myself the moment I saw him standing there. My heart ached.

" Umuwi ka na please." I muttered as if he was listening to what I say. Napahawak na ako sa aking puso nang makaramdam ako ng kirot don. Parang nahihirapan akong huminga habang nakatingin sa kaniya. Ayokong magpakita dahil hindi ko kayan tignan siya sa kaniyang mga mata.

Napilitan akong tawagan si Cassy. Buti nalang at sinagot niya agad ito.

" Hello ate. Napatawag ka" Bungad niya.

" Hello. Kamusta iyung event niyo pala?" Pangungumusta ko.

" Okay lang naman ate, kaso si Luke hindi pa daw umuuwi sabi sa akin ni tita Carmina" She's pertaining to Luke's mother.

Napapikit ako

" I think I saw him. Wait, I'll just send you the place. Baka nasiraan siya ng sasakyan" Pagdadahilan ko.

I texted Cassy the place and prayed that someone will come and fetch him.

We live in a cruel society Luke. And we don't have any choice but to deal with it.

-----

Unholy Sinner  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon